Chapter 44

1.1K 57 6
                                    

Trisha POV

Naging masaya ang araw no'ng una kong uwi sa bahay niya--bahay namin, rather. Kinabahan ako at the same time. Mga yakap agad nila ang sumalubong sakin at syempre, hindi nawawala ang iyakan dahil sa tuwa. Ngayon ko ulit naramdaman ang yakap ng pamilya at pangungulila.

Enexplain din nila sakin ang lahat ng nangyari. Kung ano ang kweninto sakin ni Clarity, 'yun din ang kweninto nila sakin, syempre nakinig lang ako kahit narinig ko na. Gusto ko ulit marinig kung totoo ba 'yun, and it's true.

Sa mga sumusunod na araw ay nararamdaman ko na masaya na ako, nararamdaman ko na may sandalan na ako sa mga oras na kinakailangan ko ng kausap. Totoo ang sinabi sakin ni Clarity na babawi sila sakin. Boung araw nila akong pinasaya. Nagawa pa ngang e-cancel ng mga magulang ko ang meeting nila tungkol sa business para lang makabawi sakin at ganun din si kuya Jasper.

Sinabi pa niya sakin na kapag may kailangan ako, sasabihin ko daw agad sakanya kapag may kailangan ako. No'ng sumapit ang gabi ay nagawa din naming magbonding magkakapatid. At syempre, hindi nawawala ang tawanan habang nagmovie marathon kami. Halos madaling araw na kaming natapos dahil nag-uusap usap pa kami tungkol sa pangulila at pagkukulang nila sakin.

Doon ko ulit naramdaman na hindi na ulit ako nag-iisa. May bahay na ako kung saan kompleto ang pamilya at nagmamahalan. Nagkulang man sila sakin at least nangako silang lahat na wala nang mawawala sa pamilyang ito, kapit kamay kaming lahat. Na kahit ano man ang mangyari ay hindi nila ako pababayaan.

Maraming nangyari sa buhay ko pero ito ang pinakamasaya, na mas masaya pa kesa sa pag-aarcade namin ni Iverson. Natawa na lang ako sa sarili nang maalala ko kung paano ako nag-iinarte sa harap ni Clarity. Ewan ko ba, aaminin kong nasaktan ako sa mga oras na 'yun pero, 'yung mga inisip ko kung ano ang dapat kong gawin pagka bukas, inisip ko pa no'n na magtatrabaho ako at hindi ko tatanggapin ang pamilyang 'to, pero dito din pala ang bagsak ko. Wala, eh. Wala akong magagawa. Kahit anong pilit kong tanggihan ang pamilyang ito, hindi magbabago na ang nawawalang anak nila ay ako.

Natawa nalang ako sa mga panahon na 'yun, napaka-OA ko.

Tanggap ko na, tanggap na tanggap ko na. At masayang masaya ako dahil may pamilya na ulit ako. Bukod kasi sa pag-aaral ay ito din ang hinahanap ko. Akala ko mag-isa na ako habang buhay, akala ko ulila na talaga ako, hindi pala. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko ang mga umampon sakin noon, kung ano man ang dahilan kung bakit nila ako inampon, wala na sakin 'yun. Ang mahalaga, may nagmahal sakin at tumanggap sakin kahit hindi nila ako kadugo.

Monday.

"Ha? Katulong ka ni Hyder?" Gulat na tanong ni Jess nang matapos kong ikwento sakanila ni Melanie ang dahilan kung bakit ako napasok dito.

"Kaya naman pala, para kasi kayong magkakilala sa tuwing mag-usap kayo, eh." Saad naman ni Melanie.

Nasa classroom kami ngayon. Dahil may reunion sina Ms. Albera ay may oras kaming magkwentohan, pero may pointers namang binigay samin si Miss dahil malapit na ang examination kaya naman panay summative test kami sa ibang subject.. at imbes magreview kami ngayon, nagchikahan nalang kami. And yes pumasok na ako. Buti nalang walang gulo ang nangyari sa pagbalik ko.

"Sobrang saya ko dahil nalaman kong ikaw pala ang nawawalang kapatid ni Clarity." Ani Jess.

Yes, kweninto ko na rin sakanila ang tungkol do'n, at the same time, gulat. kweninto ko sakanila 'yun, 'yung tipong sila lang ang makakarinig. Iba pa naman ang mga tao dito, maraming atribida lalo na't nandiyan sila Sydney. Nakahinga din ako ng maluwag dahil may sariling mundo sila ng mga barkada niya sa dulo pero sinalubongan naman ako ng taas na kilay pagdating ko.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon