Chapter 37

1K 46 6
                                    

Pagkatapos ang sagotan namin kanina ay pumasok ako sa kwarto at doon ko inilabas ang luha ko. Sobrang sama niya, hindi ko na kayang tiisin pa ang ugali niya.

Ngayon, aalis na ako. Hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko kanina at paninindigan ko 'yun. Wala na akong paki-alam kong saan ako pupunta, makaalis lang ako sa impyernong 'to.

Isa-isa kong nilagay sa box ang mga gamit ko sa mesa. Mga picture ko at picture ng mga magulang ko na naka-dikit sa pader ay inilagay ko din 'yun sa box. 'Yung picture namin ni Hyper ay hindi ko na sinilid pa, ayukong mag-dala ng bagay na nagbigay ng ala-ala sakanya.

Mga gamit ko sa cr ay kinuha ko narin. Pagkatapos, agad akong nag-impake. Kahit medyo maliit lang ang maleta ko ay pinilit kong nilagay doon ang mga damit. Nang biglang tumulo ang luha ko..

Pakiramdam ko, parang bagsak na bagsak ang boung katawan ko at hindi ko na kinaya pang tumayo. Napaupo nalang ako sa sahig at doon ko ulit binuhos ang luha ko.

Nasa limang buwan pa akong katulong dito pero kahit papano ay tinuring kong tunay na tahanan ang bahay na 'to. Dito ako nabuhay, dito ako nakakain ng maayos kahit wala sa tamang oras, dito naging magaan ang buhay ko kahit may pagka-strickto ang amo ko.

Sa bahay na 'to, dito ako nakahanap ng kinabukasan. Nakakapag-aral ako kahit alam kong maraming masamang insektong nag-aaral doon ay marami naman akong natututunan. Bukod do'n, naging masaya ako kasi may nakilala akong bagong tao na hindi akalaing papasok sa buhay ko.

Nang biglang may naalala ako..

Alam kong may bahay kami sa pampangga at hindi ko alam kung may nakatira na ba doon o wala. Naalala ko din na may binigay sakin si Mama na susi sa bahay.

Yawa! Saan ko ba inilagay 'yun?!

Mabilis akong tumayo at nag-tungo sa cabinet. Isa-isa kong binuksan 'yun hanggang sa nabuksan ko ang pangatlong cabinet. May isang maliit na box akong nakita at sobrang luma na.

Umupo ako sa kama at inilapag ko 'yun doon. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko iyun binuksan. Nakita ko agad ang susi kaya nakahinga ako ng maluwag.

May nakita naman akong picture kaya kinuha ko iyun. Puro iyun baby pictures ko. Napangiti ako. Ngayon ko lang nakita ito. Lahat ng pictures ko dito ay halos nakangiti. May picture din dito na kinarga ako ni Papa kahit nasa six years old na 'ko.

Binalik ko ulit iyun sa box at inilagay ko sa malita. Mamimiss ko ang kwartong 'to. Kahit kunting panahon lang ako dito, ito ang unang silid na kung saan ako naging komportable. Lahat ng sama ng loob, dito ko binuhos lahat.

"Alam kong iingatan kayo ni.." Master, "H-Hyder." Saad ko, as if naman na sasagot ang mga gamit dito.

Napalingon ako sa uniform ng Unicademy na nilapag ko kanina sa mesa. Napaluha na naman ako. Mamimiss ko ang dalawa. Alam kong hindi kami palaging magsama, pero.. laking pasasalamat ko't nakilala sila Melanie at Jess.

Nakapag- decide na ako na aalis nalang din Unicademy. Alam kong masakit sakin ang iwan ang bagay na matagal ko ng hiniling at pinangarap pero.. si Hyder ang kinapitan ko sa pag-aaral. Binitawan ko na.

Maliban nga lang sa mga gamit ko sa pag-aaral ang hindi ko binigay. Marami naman akong naisulat sa notebook ko, sapat na 'yun para may babasahin ako.

Buti nalang din at may pera ako.

Kinuha ko ang malita ko at 'yung box. Walang tao akong nadatnan sa kusina pag-labas ko, sigurado akong nasa office siya. Gusto ko lang sana magpaalam na din kay Hyper kaso wala siya dito.

Lumabas ako ng bahay at saglit ko itong tinitigan bago ako umalis. Kumuha ako ng taxi patungo sa terminal upang makasakay ng bus patungong pampangga.

Nang makasakay ako ng bus ay nakatingin lang ako sa labas. Pumikit ako at dinamdam ang hanging humahampas sa mukha, pinipilit ko ding pigilan ang luha ko kaso.. ayaw talaga. Napaluha nalang ako hanggang sa hindi ko mapigilang humagulgul.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon