Chapter 31

1.3K 50 12
                                    

TRISHA POV

"Oh!" Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa harap ko si Master.

Seryuso siyang nakayuko at nang makita ako ay agad siyang umayos ng tayo. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Ano kaya ang ginagawa ng gagong 'to dito? Oh my god! Nakinig kaya siya sakin?!

"Nakinig ka sakin, 'no?!" Paniniguradong tanong ko habang nakaturo sakanya.

Seryuso parin siyang nakatingin sakin at makahuloganan iyun. Para bang pinipilit niyang basahin ang meron sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong trip niya.

Narinig niya kaya ang mga sinasabi ko sa loob kaya siya nandito? O baka naman, sadyang huminto lang siya diyan. Pero imposible naman 'yun. Nakaharap siya sa pintoan ko kaya malamang pinapakinggan niya ako.

"Aso ka na nga, tsismoso ka pa! Ba't mo ba ako pinapakinggan, ha?!"

"Okay ka lang ba?" Deritsong tanong niya sabay lapit sakin ng kunti.

Natigilan naman ako. Sa boses niya palang, ramdam ko na ang pag-alala niya. Nakinig nga ito. Hindi naman niya ako tatanongin nang ganyan kung hindi, eh. Dahil kung hindi siya nakinig, malamang bunganga niya ang sasalubong sakin pagbukas ko ng pinto.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi naman ako umiyak kanina pero bakit ang bigat sa dibdib? Ang drama ko, hindi ba?

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Oo,"

"Uhm.. about sa nangyari kagabi?" Ito na. Alam ko na kung saan mapupunta 'to. Alam na alam ko talaga kung anong tinutukoy niya. "Gusto ko sanang humingi ng tawad. Alam ko namang hindi mo 'yun nagustohan, eh. Alam ko din na medyo nakakabastos ang ginawa ko."

Hindi ko alam kung bakit natigilan na naman ako. Bigla siyang lumambot. Pakiramdam ko parang hindi siya 'yung amo ko na.. malamig kung makatingin, sinisigawan ka sa tuwing uutusan, magiging demonyo minsan.

Para siyang bata na may ginawang mali sa magulang kaya humingi siya ng tawad. Ang cute. Napangiti naman ako.

"Okay lang, naintindihan ko. 'Wag mo sanang uulitin,"

"Pa'no kapag inulit ko?" Panghahamon niya sabay lapit sakin na may kasama pang ngiti kaya napa-atras naman ako.

Umaandar na naman siya. Tinurn-on niya talaga ang pagiging maldita ko.

"Suntok you want?" Malditang hamon ko sakanya pabalik at tinaasan siya ng kilay.

Tumawa naman siya na ikinainis ko. "Tsk! Mas mabuti pang maglinis ka nalang, kung ayaw mong makakatikim nito." Inis niyang sabi sakin at pinagmamayabang ang kamao niya sa harap ng mukha ko.

Anong akala niya sa kamao niya? Bato? Malaki lang 'yan pero wala namang lakas. Mygodness!

Umalis siya sa harap ko at naglakad habang nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinag-ikotan ng mata. Batid kong umakyat siya sa itaas dahil sa lakas ng yapak niya sa hagdan. Doon ko lang din napansin na wala na pala ang mga barkada niya.

Tahimik na naman uli ang bahay.

Ano bang pinuntahan nila dito? Nakikikain lang at nakikipag-tsismisan? Anong akala nila sa bahay ni Master? Bahay ng mga pagkain? Kainis.

Kung pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagsuntok ni Mark kay Master, bakit dito pa sa bahay? Alam kong hindi ko ito bahay pero... Nevermind!

Bakit kasi hindi nalang natuloyan si Master? Kung lalaki lang ako, ako ang papatay sakanya.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon