Chapter 18

1.4K 56 5
                                    

"Ano naman ang gagawin natin dito? Ang boring kaya dito walang klase," maktol ni Jess nang makarating kami sa room. Nag-yaya kasi si Melanie na bumalik na lang kami dito dahil wala naman kaming pupuntahan.

Tahimik akong umupo sa upoan ko at inisip ang nakita ko kanina. Ex-girlfriend niya pala iyon? Hindi ko alam na may ex pala siya. Ano naman ang ginawa ng ex niya dito? Teka ba't ko ba inisip 'to?!

Wala ng masyadong tao dito sa room. Dahil na siguro sa walang klase ay agad na silang umuwi. Naol. Gusto ko mang umuwi ngayon kaso baka pag-uwi ko, utus na naman. Yes, alam ko naman talaga na 'yon ang trabaho ko dahil isa akong katulong pero.. nakakatamad, eh! Bakit ba?!

"Hay nako! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon!"

Rinig kong sabi ni Sydney-ang nag-iisang maarte at brat sa room namin. Halos babae kaming lahat dito sa room. Kaming tatlo lang dito sa kabilang row habang may limang babae naman sa kabila. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko nalang iyun pinansin.

"Ano na kaya ang mangyayari na ngayon ay bumalik na si Clarity?" pagbabasag ni Jess sa katahimikan naming tatlo. Lumingon sakanya si Melanie.

"Bakit? May enexpect ka ba?" Ngiting tanong ni Melanie sakanyang tabi.

"Well.." tumingin ito sa kisame na para bang may iniisip. "Tsismis siguro," lumingon ito kay Melanie na may ngiti sa labi. "'Tingin mo?"

"Pa'no mo naman nasabi?" Tanong ko.

Umiwas naman ng tingin si Jess at nag-isip bago sumagot. "Kasi dati, 'di ba may nangyaring hindi maganda, ngayon, bumalik na ulit si Mark, bumalik narin si Clarity, sa tingin mo ba hindi na mangyayari ulit ang nangyari dati?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Anong koneksyon sa pagbalik ni Clarity sa nangyari dati? Ano ba talaga ang nangyari dati?

Maya maya pa..

"Alam mo ba? Nalaman kong may lumandi daw kay Iverson,"

Rinig kong sabi ni Jean na kararating lang dito at lumapit kina Sydney. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.


"Oo! Nalaman namin 'yan no'ng isang araw pa," Kia––isang malandi at malditang babae .. pangalawa ni Sydney.

"Oo! Grabe daw kung lumandi, eh! Nagpapakipot pa raw tapos hinatid pa siya ni Iverson sa bahay nila." Dina––Isang felingera sa Classroom namin. Palagi niyang pinagmalaki sa Classroom namin na maganda siya kahit hindi naman.

Hindi naman siya maganda, eh! Ano siya, ako?!

Kahit hindi nila binanggit kung sino ang tinutukoy nila ay alam kung ako ang pinag-uusapan.

"Hay, nako! Ewan ko nalang! 'Yan ba talaga ang gawain ng mga Newbies ngayon?! Kabago-bago palang, may kinakalantari na!" sabi naman ni Sydney.

Bigla namang tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi ni Sydney. Hindi masyadong malayo ang pwesto nila samin kaya kahit mag-bulong-bulongan pa sila ay rinig na rinig namin.

Kinakalantari ko si Iverson? Wala naman silang alam sa pangyayari, eh! Kung makapagsalita kala mo kung sinong malinis.

'Wag na 'wag niyo lang paandarin ang kamalditahan ko.

"'Wag niyo na silang pansinin," bulong samin ni Melanie nang hindi man lang kami tinapunan ng tingin.

"Tsk! Hindi ko nga alam kung bakit pati si Clark at Hyder ay nilandi niya. Ha! Oh my god!" Sabi ni Kia batid kong nakatingin ito sakin.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon