Chapter 46

1.1K 58 9
                                    

Mabilis lumapit sakin ang kapatid ko. "Sis, okay ka lang?" Tumango ako saka tumingin ulit kay Hyderson na ngayon ay napakamot sa likod ng leeg niya hanggang sa tuluyan itong lumabas.

"Problema no'n?" Takang tanong ni Iverson sa barkada niya, kibit-balikat naman ang naisagot ng mga ito.

"Baka nag-seselos." Singit ng isa kaya sabay silang nagtawanan, maliban nga lang kay Clark.

Tumingin ako sakanya na nakatingin din pala sakin. Kunting ngiti lang ang ibinigay niya sakin ngunit nawala agad 'yun nang tumalikod siya sakin upang kunin ang bag niya. Sinukbit niya ito at lumapit sa kapatid.

"Kuys, mauna na 'ko. May klase pa kasi ako, eh." Paalam nito. Ngiting tumango si Iverson at tinapik niya ang balikat ni Clark. Bumaling naman ito sa ka-teammate niya.
"Mauna na 'ko,"

Sa tinig niya pa lang parang nawalan siya ng gana. Kumunot ang noo ko habang sinundan siya ng tingin. May problema ba siya? Nang umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya dati.

‘Layuan mo si Iverson, 'wag mo siyang pansinin. Kung lumapit siya sayo, tumakbo ka kagad. Kung may sinasabi siya sayo, 'wag kang magpapadala.. naintindihan mo?’

Napatingin ulit ako kay Clark na kakalabas pa lang din ng gym. Hindi ko siya pinakinggan. Wala din naman kasi siyang sapat na rason para layuan ko ang kapatid niya, eh. Hindi niya rin sinabi kung bakit lalayuan ko si Iverson. Pareha lang sila ni Hyderson.

Marami din akong naririnig na playboy daw talaga si Iverson. Pero kung titingnan mo ang mukha niya... Makikita mo na isa siyang mabait at hindi halatang babaero. Hindi ako naniniwalang playboy siya.

"Mauna na kami, may klase din kasi kami, eh." Tinig ni Jess ang narinig ko mula sa likod.

Malaking ngiti ang sumalubong samin kay Iverson nang humarap siya samin. "Oh, segi. Kita na lang tayo sa sabado, Trish." Baling niya sakin.

"Yieeuutt!" Tukso ng barkada niya dahilan upang mamula at mailang ako.

Ngumiti ako saka naglakad papalabas ng gym. Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Iverson. Iba na yata ang nararamdaman ko. Well, may sasabihin kasi siya sakin ngayong sabado, eh. Ngayon pa lang nagdududa na ako kung ano 'yun.

"Naol." Bulong ng kapatid ko

"Tss."

"Kilig yarn?" Tukso ni Jess sakin.

Nagtungo kami sa cr upang magbihis ng uniform bago kami pumuntang locker para doon ilagay ang P.E uniform. Hindi na kami nagabalang magchikahan lalo na't tumatakbo ang oras para sa next subject. Naunang natapos ang tatlo kaya lumabas muna sila upang doon ako hintayin. Isasara ko na sana ang locker ko nang may napansin akong meneral water at isang chocolate.

Kumunot ang noo ko at lumingon-lingon sa paligid, nagbabakasakaling makita ang taong naglagay nito dito, kaso wala. Kinuha ko ito dahil nasa ibabaw ito ng locker ko. Wala akong ka-ideya-ideya kung sino ang naglagay nito pero pumasok agad sa isip ko na baka si Iverson.

Kaso mukhang malabo dahil no'ng kinuha ko ang P.E uniform ko dito ay wala pa ito at pagdating din naming gym ay nandoon na si Iverson. Hindi ko din siya napansin na lumabas ng gym.

Si Hyderson.

"Hindi. Hindi siya ang naglagay!" Dahil sa kakaisip ay napareklamo ako sa sarili.

Imposible din kung siya dahil hindi naman dito ang locker room niya, pambabae ang locker na 'to, eh. Hindi ako sigurado kung pumasok siya dito bago nagtungo ulit gym.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon