Chapter 52

971 55 6
                                    

Nang makarating na kami sa bahay ay bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng kotse, lumabas din si Hyder. Kinakabahan ako sa mangyayari dahil pakiramdam ko, sermon ang matatanggap ko. Batid kong gising pa silang lahat dahil mula sa kinatatayuan ko, lahat ng ilaw ay nakabukas, kahit sa labas.

Bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina kaya agad akong umiling nang mawaglit sa isipan ko ang bagay na 'yun. Nanginginig akong pinindot ang doorbell kasabay ng pagpigil ng luha na kanina pa ko pinipigilan. 

"Oh, my god! Trisha!" Sigaw ni Clarity ang bumungad sakin pagbukas ng gate kaya naman agad kong sinalubong ang taka niya dahilan upang hindi ko na mapigilan pang lumuha. 

Humigpit ang yakap niya na para bang nawala ako at ngayon lang kami nagkita. Ngunit hindi ko din maiwasang yumakap sa kanya ng mahigpit dahil na rin sa takot ko kanina. Nanginginig pa rin ngunit nakahinga ako na din ako ng maluwag dahil sa wakas nakauwi ako. Naramdaman ko ang pag-alala ni Clarity.

"Anong nangyari sayo? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin? Ba't ang tagal mong umuwi? Pinag-aalala mo kami dahil baka kung ano na ang nangyari sayo." Aligaga niyang sabi sakin kaya ramdam ko talaga ang sobrang pag-alala niya. 

"I'm sorry," mas lalo naging malakas ang pag-iyak ko kaya naman yumakap ulit siya sakin.

Napalingon ako sa likod ko dahil sa busina ng kotse ni Master. Hindi ko namalayan ang pag-alis niya agad sa likod ko at nag-tungo na pala siya sa kotse niya. Sinundan ko ng tingin ang kotse niya na sobrang bilis kung magpatakbo. Nanlumo ako at mas lalo akong nalungkot nang hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya. Siya pa mismo ang nagligtas sakin. Hindi ko tuloy natanong kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa lugar na 'yun. Gayon pa man, nagpapasalamat ako dahil dumating siya. Kung ano man ang dahilan niya sa bigla niyang pagdating ay matatanggap ko.

"Trisha! Hey, baby, you okay?" Lumabas si kuya sa bahay at tumakbong nagtungo sa dereksyon ko. Pumasok muna ako sa loob bago ko nasalubong ang yakap ni kuya. Hinaplos niya ang buhok ko. "Bakit ganyan ang etsura mo?"

Tinignan ni kuya ang boung katawan ko na puno ng lupa. 'Yung buhok ko, wala sa tamang ayos. Ang damit ko ay nadudumihan na. Kahit ang balat ko ay may mga naiwang lupa. Ang sapatos ko naman ay nadudumihan na rin at hindi na ito malaman kung bago dahil aakalain mong luma sa paningin mo.

Napaluha ako nang maalala na naman ang nangyari kanina. Gusto kong sabihin sa kanila ngunit natatakot ako. Gustong gusto ko talagang sabihin sa kanila kaso parang hindi kaya ng bibig ko ang bigkasin 'yun.

"Halika, pumasok muna tayo sa loob." Hinuban ni kuya ang red jacket niya at nilagay iyon sa likod ko.

Nilock niya muna ang gate bago ako inilalayan patungo sa loob na para bang takot siyang matumba ako. Umunang pumasok sa loob si Clarity kaya no'ng tuluyan ako nakapasok ay nakita ko siyang lumabas ng kitchen na may dalang baso na naglalaman ng tubig.

Pina-upo ako ni Kuya sa couch dito sa sala. Ininom ko naman ang tubig na nilapag ni Clarity sa mesa na nasa harap ko.

"Trisha?"

Lumingon ako sa likod at nakita ko sina Mommy at Daddy na batid kong galing sila sa likod ng bahay. Agad akong tumayo upang salubungin ang bisig ni Mommy na nakahanda ng yakapin ako. Nagsimula akong umiyak nang makita kong umiyak din si Mommy.

"What happen to you? Saka, bakit ang dungis-dungis mo?" Pag-alalang tanong sakin ng Ina ko nang inangat ni Mommy ang ulo ko upang makita ko ang namumugtong mata ni Mommy.

"Si Lucky ba ang gumawa sayo niyan? Ano pa ang ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba? Sana talaga hindi kita pinayagan pumunta pa do'n, eh, kasi may kutob akong sasaktan ka niya. Hindi ka man lang ba pinoprotektahan ni Iverson?!" Iritadong saad ng kapatid kapatid kong si Clarity.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon