Chapter 2

2.7K 103 4
                                    


"Binibiro lang naman kita, Master eh." Malumanay kong sabi.

Sinusubukan kong kumalma dahil natakot ako sa banta niya. Dyosko, ayuko pang maging lusyang, 'no! Iningat-ingatan ko talaga itong V-card ko. Mygodness!

"Buti naman kung ganun. Iwas-iwasan mo na ang pag-sisigaw sakin, ah? Totohanin ko talaga ang sinabi ko," sabi niya sakin habang pinagdilatan niya ako ng tingin. Sa boses niya palang ay may ma-awturidad na tinig na.

Hindi ko talaga nakalimotan ang araw na bigla siyang nagdala ng babae dito. Maganda siya na babae pero mas maganda pa ako no'n. Tapos, sobrang lakas ng tunog ng bombero sa kwarto ni Master. 'Yung tipong nagmamadali ang sasakyan dahil sa malakas na ang sunog. Grabe talaga!

Hindi ko talaga nakakalimotan 'yun. Rinig na rinig ko talaga sa kwarto niya, kahit nasa ibaba ang kwarto ko. Mygodness gracious!

"Pumunta ka ng palenque, bumili ka ng mga gulay o pweding maulam dito sa bahay. Ikaw na ang bahala kung anong bilhin, tutal, kabisado mo na ang mga sangkap o anong meron dito sa kusina," sabi niya. Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Inilahad niya sakin ang pera kaso kukunin ko sana nang bigla niyang binitawan.

Agad niya akong tinalikuran at nag-tungo sa sa itaas. Palihim ko siyang dinilaan at inis na kinuha ang pera. 1 tawsan talaga?!

Napangiti naman ako sa inisip ko. Hmm, ang laki naman ng pinadala ni Master. Mukhang maswerte ka talaga sa amo mo, Trishianna. Kapag may sukli, may pang-load.

Agad akong nagbihis dahil nag-sout ako ng maid's uniform. Nagdala na din ako ng maliit na wallet at sinilid don ang pera. Kumuha ako ng basket at echo-bags sa maliit na cabinet dito sa kusina.

Lalakad sana ako ng biglang may sinigaw si Master sakin mula sa office room niya.

"TRISHIANNA! DON'T FORGET TO BUY A DOG FOOD!"

"OK, MASTER!" Sigaw ko pabalik.

Nang makarating ako sa Palenque, bumuntong hininga muna ako bago pumasok. Sobrang dami ng tao..as always.

Bumuntong hininga naman ako tsaka tuluyang pumasok sa loob. Binili ko kagad ang mga gulay na paborito ni Master at prutas. Sobrang dami ko talagang binili. Sana sampo nalang ang kamay ko para madala ko ito lahat. Mygodness!

Bumili narin ako ng mga sangkap sa mga luluto-in ko. Ano bang pweding luto-in ngayon? Ang dami-daming pumasok sa isip ko na pweding luto-in pero hindi ko lang alam kung magugustohan ni Master. Kung adobong manok nalang kaya? Mukhang fav 'yun ni Master.

Sa hinahaba-haba ng oras na bumili ng mga gulay at pagkain para sa aso ay sa wakas at natapos din. Pumara agad ako ng taxi. Nang maka-uwi ako ay agad akong nagluto.

₱456 ang natira sa pera. Dahil hindi naman kukunin ni Master ang sukli sa tuwing uutosan nya ako, akin nalang ito, pang-load. Hahaha! Mygodness!

*FASTFORWARD*

"MASTER! TAPOS NA PO AKONG MAG-LUTO!" Sigaw ko dito sa baba. Rinig ko ang tunog ng pinto sa itaas, batid kong lumabas na si Master kasama ang aso niyang si Hyper.

"Anong niluto mo?"

"'Wag ka ng mag-tanong! Kumain ka nalang!" Maldita kong saad. Tiningnan niya naman ako ng masama bago siya umupo.

Bago siya bumaba ay pinaghandaan ko na siya ng ulam at kanin sa hapag. Pinanood ko si Master habang kumakain, 'yung mukha niya ang inaabangan ko para malaman ko kung nasarapan ba siya.

Adobong baboy kasi ang palaging luluto-in ko eh. Kaya adobong manok na naman ang luluto-in ko hehe. Gusto niyo? Luh! Asa ka!

"Master, Masarap ba?" Ngunit hindi niya ako pinansin.

"Master?"

"Yuhoo! Master?"

"Master, Masarap?" Agad kong naramdaman ang inis.

"MASTEEER!" Galit kong sigaw dahilan upang lumingon siya sakin at tiningnan ako ng masama. Ngumiti ako. "Masarap?"

"Oo,"

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakangiti.

"Oo, ang sarap mong piktusin!"

Agad namang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Umiwas siya agad at kumain ulit. Ngunit agad akong ngumiti ng may naisip akong kalokohan.

"Omygodness! Master, may putok!" Turo ko sa ulam niya at umarte na parang nagulat.

"Putok? Anong putok?!" Agad siyang naalarma.

"Putok mo, hehe,"




©Itsme_kwenny

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon