CONTINUATION

1.5K 70 4
                                    

Medyo gwapo siya. Hindi kasi siya nag-sout ng pantakip sa mukha at jacket lang na itim na may kasamang puti na t-shirt at black pants lang ang sout niya. May hawak din siyang mansanas.


"SA DINAMI-DAMI MONG PWEDING KUNIN, 'YAN PA TALAGA?!" Dagdag kong sigaw. Sinimulan kong humakbang habang siya ay nagtataka at kunot noong tumingin sakin.


"Teka, ikaw ang newbie sa Montecarlo Unicademy, 'di ba? Anong ginagawa mo dito?!" Inis niyang tanong sakin. Bakit niya alam 'yun?!


"WALA KANG PAKIALAM! MAGNANAKAW! MASTER MAY NAKAPASOK!!" Sigaw ko. Mabilis siyang umatras.


"Teka, teka, hindi naman ako magnanakaw eh. Kaibigan ako ni--"


"ANONG KAIBIGAN?! TSK! WALANG MANINIWALA SAYO! UMALIS KANAAAA!" Agad ko siyang hinagisan ng sandok.


Agad siyang umiwas.. biglang may lumapit samin na lalaki kaso hindi ko makita ang mukha niya dahil natabunan ng gagong ito.. at 'yung lalaking papalapit ang ang natamaan ng sandok.


"AAWW! FUVVK!"


Napatakip ako sa bibig dahil sa labis ng pagkagulat. Masamang tumingin sakin ang lalaking magnanakaw at dahan-dahan itong lumapit sakin kaya kabado akong umatras. 


"SINO KA BA?! ANONG GINAGAWA MO DITO SA BAHAY NI HYDERSON?!" Galit niyang sigaw sakin. Doon ko lang namalayan na magkaibagan pala talaga ni Master.


Mabilis niyang hinila ang kwelyo ko dahilan upang matakot ako. "I'm sorry po, hindi ko kasi alam na--" hindi natapos ang sasabihin ko dahil biglang may tumulak sakanya kaya mabilis niya akong nabitawan.


"Don't hurt her or else..." pagbabanta ni Master sakanya.


"Napag-kamalan niya kasi--" hindi niya tinuloy ang sinabi niya at pabalik-balik niya kaming tiningnan ni Master. "Magkakilala talaga kayo?!"


Ngayon ko lang naalala na isa din siya sa mga basketball player na nakita ko sa gym. Agad akong nagulat ng makita si Iverson at 'yung lalaking kaklase ko. Gulat silang tumingin sakin.


"Trisha?" Iverson. Siya pala 'yung natamaan ko.


"What are you doing here?!" Lalaking kapatid ni Master.


Mabilis silang tumingin kay Master at tinignan ng masama. "So, Magkakilala nga kayo?!" May halong inis ang boses ni Iverson dahilan upang mapayuko ako.


"Kuys, hindi ko alam na may ka-live-in ka na pala?" Isang kapatid pa ni Master.


Mabilis kong inangat ang ulo ko. "Hindi niya ako ka-live-in dito."


"She is my maid.. dalawang buwan palang," sagot naman ni Master. Mas lalong nagulat ang dalawang kapatid niya.


"Kung ganun.. ikaw ang nag-pasok sakanya sa M.U?" Tanong ng kaibigan niya. Napayuko naman ako.


"Yes, matagal na niyang pinangarap na makapag-aral ulit kaya sinulit ko ang pagkakataon upang matupad 'yun." sobrang nakakahiya. Pakiramdam ko, nakatingin silang lahat sakin. Lalo na't nandiyan si Iverson.


Biglang may dumalaw na angel upang manahimik kaming lahat. Rinig ko ang pag buntong hininga ni Iverson. "Let's talk about this later.. marami pa tayong gagawin." Sabi ni Iverson. "Tara na,"


Umunang naglakad si Iverson sumunod naman si Master kaya naiwan ang dalawa dito na ikinakunot noo ko. Napatingin ako sa kapatid ni Master na ngayon at nakangiti sakin. Nakain nito??


"Hindi pa pala ako nagpakilala, ako nga pala si Clarkson Ash Montecarlo. 'Yung isa naman, si Iverson Demn Montecarlo." Ngiting saad niya.


"Ako," singit ng isang lalaki. "Hindi mo ba ako ipakilala sa kanya?"


"Ang pangit ng pangalan mo para banggitin ko pa! May bibig ka naman siguro, 'di ba? Bakit hindi ikaw ang magpakilala?" Masungit na saad ni Clark. Parang si master din. Agad niya kaming tinalikuran. Kaming dalawa nalang ang natira dito.


"Trisha, right?" Tumango ako. "Sharkon James Gonzalez. 'Wag mo ng pakinggan ang lalaking 'yun, sobrang gwapo ng pangalan ko." Ngiting saad niya. Kaya pala sinabi ni Clark na pangit ang pangalan niya dahil Shark-on. 


"Dahil ikaw ang Maid dito, magtimpla ka ng juice, ah? Tsaka, samahan mo na rin ng prutas. Tatawagan nalang kita kapag may kailangan kami. Samahan mo na rin pala ng tubig para sa isa pa naming kaibigan. Wala ba kayong ice cream? Kung meron, magdala ka na rin ng isang gallon." Ngiting utus niya sakin na ikinainis ko.


"James!" Biglang sumingit ang boses ni Master. Napalingon ako sakanya at masamang tumingin kay Sharkon.


"Bakit?"


"Inuutusan mo ba siya?!"


"Malamang! Maid siya dito, eh!"


"Ikaw ba ang amo niya?! Hindi naman, 'di ba?! Kaya, wala kang karapatang utusan siya dahil ako lang ang may karapatang gawin sakanya 'yun! Bumalik kana doon sa couch! At sa susunod na saktan mo pa siya ako na ang makakalaban mo!" Automatic akong napatingin kay Master dahil sa sinabi niya.


"Grabe naman! Ang OA mo, dre! Hindi ko naman sinadya 'yun, eh!" Depensa niya sa sarili. "Tsk!" Agad siyang umalis at naiwan kami ni Master dito. Ewan ko pero naiilang ako eh.


"Are you okay?" Pag-alalang tanong niya. Tumango naman ako at umiwas ng tingin. 


"Sa susunod na may mag-utus sa 'yo dito lalo na kapag nandiyan ang mga kaibigan ko, 'wag mong susundin. Kahit sa mga kapatid ko pa! Nag-kakaintindihan ba tayo, Trisha?" Mabilis akong tumango. "Magpahinga kana," dagdag niya.


Tutungo sana ako sa kwarto upang magpahinga nang may tumawag sakin.


"Trisha?" napalingon ako kay Iverson. "Can we talk?" Tanong niya. 

"Segi--" hindi natapos ang sasabihin ko ng pinutol ni Master.


"No!" Napalingon ako sakanya. "Marami pa siyang gagawin." nagulat naman ako. Ang akala ko ba magpapahinga na ako?!


"Pero ang sabi mo--"


"Ang sabi ko, LINISIN MO ANG BOUNG BAHAY! PALIGO-IN MO SI HYPER! 'WAG NA 'WAG KANG TITIGIL SA PAG-LILINIS HANGGANG SA WALA PA AKONG SINABING MAGPAHINGA KA! NAINTINDIHAN MO BA, TRISHA?!" Sigaw ni Master sakin. Mabilis niyang hinila ang kapatid niya at nag-tungo sa couch.


'Magpahinga kana,'


Tapos, bigla niya akong inutusan. NAKAKAINIS KA TALAGA, MASTEER! MAG USAP SANA KAMI NI CRUSH! MASTER NAMAAAAN!!


@Itsme_kwenny

©All Rights Reserved, 2020.

PASENSYA NA SA GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.

KEEP/STAY SAFE EVERYONE =))

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon