Chapter 30

1.3K 56 9
                                    

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"

Tanong ni Iver sakin nang makita niyang nakayuko at nakatunganga lang ako sa pagkain. Nilalaro ko pa ito gamit ang tenidor, wala kasi akong ganang kumain. Tubig nga sana ang o-orderin ko kaso... baka isipin ni Iverson na sinasayang ko lang ang gas niya papunta rito dahil tubig lang pala ang order ko. Ako kasi mismo ang pumili na dito kami kumain kasi mura lang.

Pagkatapos naming bumili sa mall ay dumeritso na agad kami dito. Medyo nagutom kasi ako, lalo na't wala pa akong breakfast. Kaso.. pagdating namin dito, nawala na ako ng ganang kumain.

Napalingon ako sakanya at umupo ng maayos. "Ahh.." hindi ko alam kung anong idadahilan ko.

"Dahil ba sa sinabi ko na... magka-mukha kayo... kaya ka walang ganang kumain?"

Hindi ako sumagot.

Masyado ba akong obvious? O nagpapahalata lang ako? Oo, pagkatapos ang nangyari kanina ay naging ganito na ako. Bukod pa sa sinabi ni Iverson na magka-mukha kami, may isa pang bumabagabag sa isipan ko.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Halo halo, eh. Pangungulila, sabik at sobrang gaan ang pakiramdam ko na nakilala sila. May ano sakin na parang gusto ko pang makilala ng husto sina Clarity at Kuya Jasper.

"'Wag lang mag-alala, hindi naman ako sigurado sa sinabi ko. Pakiramdam ko nga, namamalik mata lang ako," malumanay niyang sabi sakin na para bang sinadya niyang gawin ang gano'ng tinig para gumaan ang pakiramdam ko.

Masyado yata akong over thinking kaya pati pagkain ko ay hindi nagalaw dahil sa pag-iisip. Oo, tama. Hindi ko na dapat pang isipin 'yun. Marami naman kasing magka-mukha sa mundo, mapa-kapatid mo man o hindi.

Tama.

Tama, tama, Trish.

"Segi na, kumain ka na. May gusto ka pa ba?" Tanong niya. Ngumiti ako at umiling.

Marami nga ang in-order ko, eh. Sandwich with Bihon, adobo with rice, coke, siomai, tatlong siopao, idag-dag mo pa ang pandesal na may spaghetti. Ewan ko lang kung maubos ko ba ito.

Dapat nga mahiya ako sakanya, eh. Kasi kapag lalabas kami, siya palagi ang magbabayad. Ang kapal talaga ng mukha ko. Sa susunod na lalabas kami, sa bulsa ko na manggagaling ang bibilhin namin. Sure boll na 'yan!

Agad akong nag-yaya sakanya ng uwi kasi nawalan talaga ako ng gana. Ewan ko ba, eh, sa simpleng pangyayari na 'yun ay bigla nalang akong bumagsak. Ah basta! Wala akong gana.

"Salamat," ngiting sambit ko nang makarating kami sa bahay ng kuya niya. Lalabas sana ako ng kotse kaso nagsalita siya.

"Sandali!" Pigil niya sakin sabay hawak sa braso ko. "Galit ka ba sakin?"

"Ha? Hindi. Bakit?" Deritsahang sagot ko.

"Medyo naging cold ka kasi," ramdam ko ang pag -alala sa tinig niya. "Sorry sa sinabi—"

"Hindi! Wala ka namang ginawang masama, eh. Okay lang talaga. Segi..." Lumabas ako ng kotse niya at dali-daling pumasok sa bahay habang dala ko ang supot na may laman ng tira-tira kong pagkain.

Teka nga! Ang OA ko ba masyado? Dahil lang sa sinabi ni Iver na magka-mukha kami at sa weird kong felling ay nagkakaganito na ako?! Medyo mababaw lang ba para problemahin ko pa 'yun?

Kung mababaw man, pakiramdam ko malaking impact 'yun sakin kaya ako ganito. Balisa.  Pero.. napansin ko din na may pagkahawig kami ng ilong ni Clarity.

No! Hindi! Erase! Erase! Erase!

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay sinandal ko ang noo ko sa pinto na para bang.. nawalan na ako ng pag-asa. Umikot ako at sinandal ko naman ang likod sa pinto.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon