Chapter 10

1.6K 63 1
                                    

"Sigurado ka bang ito ang bahay mo?" Takang tanong niya na may paninigurado. 

Nasa harap na kami ng bahay ni Master kung saan ako nagta-trabaho bilang katulong. Nasa loob parin ako ng kotse ni Iverson dahil kakarating lang namin. Alam kong nasa loob na si Master dahil mula dito, kita ko ang ilawanag sa loob. 

Kapag pumasok ako, sana hindi kagaya ng iniisip ko ang mangyayari. Ganito pala kapag malandi, 'no? Kahit mag-isip ka lang, iba ang papasok. 

"Oo, bakit?"

"Wala. Pareho kasi kayong bahay ni Hyderson eh," sabi niya at ngumiti. Kumunot ang noo ko.

Ha? Hindi ba alam ni Iverson na may katulong ang kapatid niya? At ako 'yun. O baka naman.. alam niya na may katulong si Master pero hindi niya kilala. Ayuko munang sabihin, baka madulas ako. 

"A-Ahh.. marami kasing pareho ang bahay eh," Ngiti kong saad at hindi ko pinahalata ang kaba ko.

"Yeah.. but," hindi niya tinuloy ang sinabi niya at lumingon sa bahay. So, wala pa nga siyang alam. Bakit hindi sinabi ni Master. Lumingon siya sakin. "Nevermind,"

Ngumiti ako at lumabas sa kotse niya. "Ingat ka pauwi. Tsaka, Salamat pala dahil nilibot mo 'ko sa school.. nag-enjoy ako," ngiti kong saan sakanya.

"Your welcome. Bye, Trisha." paalam niya at kumaway sakin. Kumaway ako pabalik sakanya. Agad niyang pinaharot ang kotse niya kaya sinundan ko ito ng tingin.

Sana maulit pa 'to hehe.. 'wag nalang pala. Baka kung anong pumasok sa isip ko. Agad akong pumasok sa loob ng mawala na sa paningin ko ang kotse ni Iverson. Bumuntong hininga ako bago ko binuksan ang pinto.

Kinabahan ako nang si Master agad ang bumungad sa paningin ko. Nasa dinning siya at kaharap ang laptop pero nasa mga papel na hawak niya ang attention.

Napatingin ako kay Hyper na nasa sahig naka-upo at katabi ni Master. Nakatagilid si Master sakin kaya hindi niya ako napansin. Sininyasan kong manahimik si Hyper dahil baka tatahol siya nang wala sa oras. Lagot ako kay Master.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kwarto ko. 'Yung tipong nag-iingat ka talaga para hindi makagawa ng tunog. Nawala ng kunti ang kaba ko ng nasa harap na ako ng kwarto kaso..

"Bakit ngayon kalang." Pipihitin ko sana ang doorknob ng bigla siyang nagsalita. Kakainis. Napalunok naman ako.

"Master.. nilibot po ako ni.. I-Iverson sa school, naabotan po kami ng gabi.. pasensya na po." Kabado kong sabi. Kahit alam kong maldita ako, may puso rin naman ako, 'no.

Hindi siya sumagot at tumayo dala ang laptop niya at mga papeles. Lumingon naman siya sakin. "Kumain kana.. niluto ko ang paborito mong pagkain," ngiting saad niya na ikinagulat ko. Tsaka niya ako nilagpasan.

Napako naman ako sa kinatatayuan ko. Tama ba 'yung nakita ko? Ngumiti si Master? Waaaaaaaaaahhhhh! Gumuho ang Mundo! Dyosko! Ginoo ko lord! Totoo ba 'yung ngiti niya? O peke lang? Haayy nako! Ang gwapo niyaaa~ kyaaah~

Akala ko talaga na mangyari ang inisip ko kanina. Grabe talaga! Ewan ko ba kung bakit ko iyun na isip. Hindi ko alam na bakit pumasok 'yun sa isipan ko, eh. Alam ko naman na mabait si Master.. sadyang gaga lang talaga ako. Sa tingin niyo ba papasokin niya ako sa Unicademy na 'yun kung masama siya?! Hindi, 'no!!

Nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang kawali. Ang usok kagad ang sumalubong sa mukha ko at nakakagutom ang amoy nito. Pansit kasi ang paborito kong ulam eh..'yun ang niluto ni Master. Ang sweet niya, 'no?

Nakangiti akong naghanda ng plato at kubyertus sa hapag. Alam niyo 'yung aso na gutom na gutom, 'yun ako eh. Ang dila ko ay hindi na makapag-hintay na makain ang ulam na 'to.

Kumain nga kami ni Iverson sa mamahaling restaurant at sobrang sarap ang ulam do'n. Nabusog ako dahil lahat ng in-order ko ay naubos ko. Pero no'ng makita ko ang pagkain na pinaka paborito ko sa lahat, nagutom ako. MASAMA BA?!! Uubosin ko talaga 'to, wala akong pakialam kung tataba ako.

Nang matapos ako, parang nakaramdam ako ng kabuhayan. Ang sarap kasi, eh. Kuhang-kuha talaga ni Master ang Luto ni Mama na Pansit. Kung tutuusin, ngayon lang ako niluto-an ni Master ng pagkain.

Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbihis. Bigla kong naalala ang sinabi ng isa pang kapatid ni Master. Siya ang humarap sa mga relatives and officers imbes na ako. Siya din ang nagpatahimik ng issue na 'yun. Ang dami ko ng utang sayo Master, pa'no ko babayaran 'yun?

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil gagawin ko na naman ang routine ko dito sa bahay. Bumalik na naman ako sa pagiging Maid. Sabado ngayon kaya, bahay na naman ang alagaan ko. 

Nasa garden ako ngayon, nagdidilig ng halaman kasama si Hyper. Hindi ko sout ang Maid's Uniform dahil ang init no'n, pambahay lang ang sinuot ko. Bawal ba?! Wala kang pakialam!

Pumasok naman ako sa loob at iniwan mag-isa si Hyper. Laking gulat ko nalang na may isang hindi pamilyar na lalaki ang nakita ko sa kitchen habang may hinahanap sa loob ng ref.

"AAAAHH! MAGNANAKAW!" Sigaw na ikinagulat niya. Mabilis siyang lumingon sakin at kumunot ang kanyang noo.

"WALANG HIYA KA! DITO MO PA TALAGA NAISIPANG MAG-NAKAW, AH?! MASTEER!" Galit kong sigaw. Agad akong nagkuha ng sandok upang may panglaban ako.

Continuation..

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon