Chapter 48

1K 53 4
                                    

Trisha POV

"Love you, sis."

Nasa kwarto ako ngayon kasama si Clarity na yakap ako sa gilid habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Napangiti ako sa lambing ng boses niya at niyakap din siya pabalik. Nanonood kami ng paborito niyang movie na The Amazing Spider Man. Actually, hindi lang 'yan ang pinanood namin, simula kasi no'ng umuwi kami galing school nag-yaya agad itong mag-movie marathon.

No'ng una tumanggi ako dahil kailangan ko pang mag-review sa paparating na exam, kaso pinilit niya 'ko, pero dahil hindi ko siya matiis, pumayag na din ako. Ewan ko ba sa babaeng 'to parang hindi man lang yata kinabahan sa paparating na exam. Palagi niyang sinasabi sakin na kakayanin niyang sagutin lahat ng questionnaire kahit hindi nagre-review. Pota!

Mas gugustohin niya pang ibaling ang oras niya sakin na dapat ay sa pag-rereview. Kaya naman naiwang nakabukas ang mga libro na kanina ko inihanda pero epal ang kapatid ko.

Nilibot ko ang boung kwarto ko at sobrang kalat. Natawa na lang ako nang maalala ang ginawa naming kalokohan kanina. Puno ng popcorn ang sahig at mga laman ng loob sa unan. Hindi ko alam kung pa'no ko ito lilinisin kung gayong may oras pa akong hinahabol. Pero dahil naranasan ko ng maging kasambahay, kakayanin ko 'to.

"I love you, too, sis."

Nang matapos ang movie, doon ko lang namalayan na nakatulog na pala si Clarity. Alas dyes na din ng gabi kaya dinamayan na ako ng antok pero pinilit ko pa ring kalabanin dahil mag-rereview at maglilinis pa 'ko.

Dahan-dahan kong inalis sa pagkakayakap sakin si Clarity upang hindi siya magising. Pinatay ko ang tv at DVD player bago pumunta sa kwarto ni Kuya Jasper. Hindi ko kayang buhatid si Clarity, okay?

"Kuya?" Kumatok ako, wala pang minuto at pinag-buksan na niya ako.

Konot noo pa niya akong tiningnan na para bang sinasabi niya sakin na kung bakit hindi pa 'ko natutulog. Naging malawak ang pagbukas niya ng pinto kaya kitang-kita ko kung gaano kalinis ng kwarto niya. Napansin ko din ang study table niya at nakapatong naman doon ang laptop kaya pakiramdam ko tuloy naabala ko siya.

"Pasensya na, naabala ba kita?"

"No, it's okay, baby. What do you want? Do you need anything?"

Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako kay Kuya Jasper lalo na kapag ngumiti siya sa harap ko at tatawagin niya akong 'baby'. Lalaking-lalaki ang boses niya kaya pati tuno ng pananalita niya, maiinlove ka talaga. Iniisip ko lang kung jowa na pa ito o wala?

"Pwede niyo po bang buhatin si Clarity? Nakatulog po kasi siya sa kwarto ko, eh." Kabado kong sabi habang kinukusot-kusot ang mga daliri ko.

Bumuntong hininga siya. "Are you guys playing again?" Ngumiti siya at sabay kaming pumasok sa kwarto ko.

Nagulat pa siya nang makita ang kwarto ko na daig pa ang tambakan ng basura. May mga damit pang nakalatag sa sahig at mga kunot-kunot pang papel. Yumuko ako nang tumingin siya sakin at hinanda ang sarili sa sermon niya. Ngunit hindi 'yun ang natanggap ko, mahina itong tumawa at ginulo ang buhok ko.

Lumapit siya kay Clarity na mahimbing na natutulog sa couch. "Grabe naman kayong dalawa, para kayong aso't pusa kung magkalat, ah? Tapos ang nakakainis... hindi niyo pa ako isasama." Kuwaring pagtatampo niya at paningat na binuhat si Clarity.

Pinag-buksan ko siya sa kabilang pinto. Dahan-dahan niyo itong pinahiga at kinumotan bago hinalikan sa noo. Hindi ko alam na ganyan pala siya ka-sweet bilang panganay. Kaya naman pala nagtataka ako no'ng una dahil parang may humalik sa noo ko ng dalawang beses, siya pala ang gumawa.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon