CONTINUATION

1.5K 63 6
                                    

"Hehe. Alam mo? Hindi parin ako makapaniwala na may kapatid pala si Master." Sabi ko na may ngiti sa labi.


"Hindi kasi siya hilig mag-kwento tungkol sa buhay niya," sinabi mo pa.


"Ang unfair nga, eh. Kweninto ko sakanya ang pinag-dadaanan ko pero siya, hindi."


Tumawa siya ng mahina habang nakatingin sa kawalan. Tumingin naman siya sakin. "Uhm..pwede ko bang hingiin ang number mo?"


Tanong niya na ikinagulat ko. Seriously?! Hihingiin niya ang number ko? Mygodness! Nasa loob ng kwarto ang cellphone ko! Walang hiya! Nakakainis! 


Alam ko na pala ang number ko, hehe.


"Segi--" kukunin ko sana ang cellphone niyang nakalahad sakin ng bigla akong tinawag ni Master.


Epal ka talaga kahit kailan!!


"Trisha," Inis niyang tawag sakin habang papalapit sa direksyon ko. Napamura nalang ako sa isipan ko dahil sa kawalang timing ni Master.


"INUUTUSAN KITANG PALIGO-IN SI HYPER, 'DI BA?! BAKIT MO PINATULOG 'YAN?!" Sigaw niya sakin dahilan upang gumising si Hyper.


Kahit kailan napaka-ingay ang boses niya lalo na kapag sumigaw, kulang nalang maging mega phone ang bibig niya sa sobrang lakas, eh. Nakakabingi.


"Master, pinaligo ko na siya kanina. Sabay pa ang kami, eh." Ngiting saad ko sakanya. Tumalon naman si Hyper at pumasok sa loob. "Umalis tuloy, ang ingay mo kasi!"


"Tsk! 'Di ba, sabi ko sayo linisin mo ang boung bahay?! Ano ginagawa mo dito?!" Inis niyang tanong sakin na ikinagulat ko. 


Lagot! Nakalimutan ko. Sh*t bakit hindi ko 'yun naisip? Inutusan pala ako ni Master. Waaahh! Patayin niyo na ako ngayon din!


Pina-standby niya kaya ako dito.


"Nakalimutan ko po, eh." hiyang sabi ko at yumuko. Lumaban ka Trishianna, paandarin mo ang kamalditahan mo. Inis ko siyang tiningnan. Tumayo ako upang mapantayan ko si Master. "Sobrang linis na nga ng bahay mo, Master! LINIS AKO NG LINIS DITO! NAKAKAPAGOD, ALAM MO BA 'YUN?! BAHAY MO 'TO, 'DI BA?! BAKIT HINDI IKAW ANG MAG-LINIS!" Biglang tumaas ang boses ko na ikinagulat nilang dalawa.


"Sinisigawan mo ba ako?"


"Malamang, OBVIOUS NA OBVIOUS NGA, EH!" sigaw ko pa sakanya. Biglang tumaas ang dugo, eh. Hindi ko mapigilan.


"TRISHAA!"


"WOAH!" Singit ni Iverson samin, tumayo narin ito. O-M-G! Nakalimutan kong nandito pala si Iverson. Sh*t sinigawan ko pa ang kapatid niya! Walang hiya ka!


"Sobrang lapit niyo sa isat-isa, magsisigawan pa talaga kayo?"  Sabi niya. Napayuko ako dahil sa hiya. 


"'Wag ka ngang sumali dito, Iver! Bumalik ka na nga doon sa loob!" Inis na saad ni Master sakanya. 


"Nag-uusap pa kami. Bakit ba palagi ka nalang wrong timing?" Correct! "Kita mo naman siguro, 'di ba, na nag-uusap pa kami, rumispeto ka naman!" Perfect! Baby,


"Wala kang pakialam! Isa siyang maid dito, kaya, uutusan ko siya kahit anong oras." Awturidad niyang sabi. Away na naman Ito.


"Masyado kang desperado. Nag-uusap lang naman kami, ano bang masama do'n? Hindi naman siya aalis sa bahay mo, eh.. malinis niya din ang bahay mo, Hyder. Grabe, takot ka ba sa alikabok?"


"Wala kang karapatang kausapin ako ng ganyan." Malumanay niyang sabi kaso may diin ang boses niya.


"Bakit? Dahil panganay ka? Pati ba naman sa pag-hired mo ng maid, hindi namin alam? Ano pa ba ang tinatago mo samin ni Clark? Baka naman, may sini-sex kana dito," sabi ni Iverson na ikinagulat ko.


Biglang kumuyom si Master at masamang tumingin kay Iver. Susuntukin niya sana ito kaso agad ko siyang pinigilan. "Master!"


"Wala kang alam sa mga ginagawa ko, Iverson!


"Talaga namang wala akong alam dahil sarili mo lang ang iniisip mo! Kahit kami ni Clark hindi mo man lang naisip! Hindi namin alam na nam-babae kana pala!" Sigaw ni Iver sakanya laking gulat ko nalang na agad siyang sinuntok ni Master sa mukha.


"Ayy!" Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko rin matawag kung ako ba ang dahilan o sadyang may galit silang dalawa sa isa't-isa. "Master, tama na po!"


Bago pa bumagsak si Iverson, agad hinila ni Master ang kwelyo ni Iverson. "Wala kang alam, Iverson! Wala kang alam! Mag dahan-dahan ka nga sa pananalita mo dahil----" hindi na tuloy ang sinabi ni Master ng pinutol ni Iverson.


"Dahil ano?! Papatayin mo 'ko?!" Sabi niya na ikinagulat ko masyado. Ano bang pinagsasabi niya? Alam kong may mabuting puso si Master. "Sa tingin mo natatakot ako sayo?! Kahit magkalaban pa tayo, kayang kaya kita!"


"MAGSITIGIL NA NGA KAYONG DALAWA! MAG KAPATID KAYO, EH!" Sigaw ko sakanila. Masyado akong natakot sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung biro ba 'yun o ano. 


Kaso hindi nila ako pinansin. Nasa paningin nila ang isat-isa at masamang nagtinginan. Pabatong inalis ni Iverson ang kamay ni Master na nakahawak sa kwelyo niya. "Kahit panganay pa kita, hindi ako natatakot na kalabanin ka. Kahit isa ka pang leader."


Lalo akong nagtataka dahil sa sinabi ni Iverson. Kunot noo ko silang tiningnan. Leader? Leader sa ano? Ano bang nangyari?!


"Umalis ka na sa pamamahay ko ngayon din!" Awturidad na sabi ni Master. 


Mabilis tinalikuran ni Iverson ang kanyang kapatid kaya kaming dalawa nalang ni Master ang natira dito. Maya Maya pa ay rinig ko ang busina ng kotse ni Iverson. Lumingon sakin si Master at may pag-alalang tingin ang nagbabakas sa mukha niya habang nakatingin sakin.


Mabilis niya akong tinalikuran at pumasok sa loob. 


Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung anong meron at mas lalong hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila. Hindi ko maintindihan. Medyo kinakabahan ako dahil sa mga sinasabi ni Iverson. 


Ano ba talaga ang mga Montecarlo?


@Itsme_kwenny

©All Rights Reserved, 2020.

PASENSYA NA SA GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.

KEEP/STAY SAFE EVERYONE =)

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon