Chapter 9

1.8K 61 0
                                    

Nang maka-order ako ay agad akong naghanap ng puwesto. Sobrang dami kasi ng estudyante dito. Hindi mo talaga mabilang. Malaki na nga ang school, sobrang dami pa ng estudyante. Perfect!!


Saan ba ako pu-pwesto nito? Halos lahat ng table may naka-upo na. May iba diyan na magba-barkada, 'yung iba naman ay mga clown, meron din ang witch, may mga gwapo din kaso mas gwapo pa si Iverson, may mga bitch din. Teka, ano bang pinagsasabi ko?


"Hay! Saan ako pu-pwesto nito?!" Inis kong sabi sa sarili ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko kahit hindi naman makati, sadyang naiinis lang ako.


"Ayun! Sakto!" Saad ko sa sarili nang nakahanap ako ng bakanting mesa. Salamat! Binigyan niyo din ako ng grasya!


Mabilis akong nagtungo sa mesa na 'yun dahil baka maunahan pa ako. Mukhang 'yun lang kasi ang bakanti.. malay ko ba?! Ang laki-laki ng cafeteria, hahanapin ko pa ba kung saan ang bakanti para lang sabihin ko sa inyo?! Tsk! Nakakirita!


"Wala ka bang kasama?"


Pamilyar na boses ang narinig ko dahilan upang magulat ako nang lingonin ko siya. Halos hindi ako maka-galaw, eh, alam niyo ba kung sino ang dumating? Si Miloves~ 


Napako ako sa ngiti niyang nakakatunaw kahit kailan. Ang gwapo niya talaga. Bakit ba paulit-ulit kong sinasabi 'yun?! Aba malay ko!! Maya sariling bibig yata ang utak ko, eh. Oo! At buti nalang talaga hindi naririnig.


Tanga na yata ako.


"Trisha?" Takang tanong ni Iverson dahilan upang mataohan ako.


Kung ano-ano nalang kasi ang iniisip ko, eh. Pasensya na, maganda lang. Ganito naman talaga kapag inlove, 'di ba? Nakakabaliw.


"Ha?"


"Wala ka bang kasama?"


Napalingon ako sa magkabilang gilid ko. "Obvious naman siguro, 'di ba?"


Ngumiti siya. "Pwede ba akong tumabi?" Sabi niya na ikinagulat ko.


O M G! Tatabi siya sakin? Omygod! Omygod! Teka lang Iverson, ah, aamoyin ko sana ang sarili ko kung mabango ba ako. Kasi nakakahiya baka maamoy mo ang kili-kili kong amoy kanal. Char lang!


"Oh, sure, of course." Pabebe kong sabi. Agad akong umusog sa inuupoan ko kaso agad akong natigilan dahil umupo siya sa harap ko. 


Ang akala ko ba tatabi ka sakin? 'Yun pala makikipag-share lang ng table ang pinuntahan mo dito! Nakakainis! Nakekeheye keye, umusog pa ako tapos diyan lang pala siya uupo. Buti nalang walang nakakita.


Agad akong bumalik sa puwesto at umayos sa kakaupo. Baka mahalata pa niya na nag-expect akong tatabi siya sakin. Baka kung anong isipin niya, 'no? Baka isipin niyang malandi ako. No way! High way! By the way!


"'Yung sinabi ko pala sa 'yo na ilibot kita, papayag ka ba do'n?" Biglang siyang nagsalita. I love his voice talaga!


"Oo naman,"


Ngumiti siya, "Buti naman.. but don't worry, pumayag na si Hyder na ako nalang ang mag-libot sa 'yo."


"Tsk! Kahit hindi pa siya papayag, okay lang naman siguro kung ikaw. Besides, anak ka rin ng pag-mamay-ari ng paaralang ito, 'di ba?" Agad akong nagsubo ng spaghetti.


Uminom muna siya ng coke bago nag-salita. "No, kahit anak pa ako ng pag-mamay-ari ng paaralang ito, may mga sarili parin kaming roles. Si Hyderson, siya mismo ang mag-libot sa boung campus kapag may newbies o transferee's. Isasauwalat niya ang mga bahay kung anong meron dito sa school." Sabi niya tumango naman ako.


Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon