Chapter 35

1.1K 47 6
                                    

Inis kong tinungo ang daan patungong classroom. Bakit ganitong klasing eksena ang bubungad sakin araw-araw? Masyado na ba akong maganda para patulan ng mga pangit?! My god!

"Hahaha!"

"Inlove na ang baby natin,"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang bungisngis ng mga lalaki.. at sina Iverson iyun at may apat na lalaki siyang kasama at sapalagay ko ay ka-teammate niya sa basketball.

Nakayuko lang si Iver at nakangiti habang inaasar siya ng mga kaibigan niya, nang maiangat niya ang ulo niya ay doon na niya ako napansin kaya napahinto siya sa paglalakad at ganun narin ang kaibigan niya.

"Hi, Trisha!" Giliw na sabi ng isa sa mga kaibigan niya pero hindi ko iyun napansin kasi napako ang attention ko sakanya.

Paminsan-minsan, hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko pagdating kay Iverson. Masaya ako kapag kasama siya, lalo na 'yung nasa arcade kami. Pero paminsan-minsan kasi, mas gustohin ko nalang na nandiyan siya.

"Hi, good morning."

Nataohan ako nang nag-salita siya sa harap ko. Malapad niyang ngiti agad ang nakita ko sakanya, 'yung tipong hindi mai-aalis ang tingin mo sa kanya dahil sa matamis niyang ngiti.

"Good morning,"

"Uhm.. pwede bang sabay tayong kakain mamaya?" Tanong niya habang nakahawak siya sa kanyang batok at halatang nahihiya.

Napatingin ako sa mga barkada niya na ngayon ay ngiting nakatingin sakin. Halata sa mata nila na sabik malaman ang sagot ko. Kung dati ay pinatatawanan nila ako, ngayon ay nakangiti na. Isang lalaking sumenyas sakin na pumayag.

Lahat sila ay gwapo at maputi. Bagay na bagay din sakanila ang pan-lalaking uniporme. Kung tutuusin, para silang heartthrob at habolan ng mga babae.

"Hey!" Pinisil naman ni Iver ang pisngi ko dahilan upang mapatingin ako sakanya. "'Wag mo silang tingnan, sakin ka lang tumingin."

"Segi.. payag ako na sabay tayong kakain mamaya." Ngiting sabi ko.

Kinagat niya ang ibabang labi niya habang nakangiti. "Okay.. uh.. we have to go, may class pa kaming hahabolin."

"Segi," tumango ako at sinundan sila nang tingin matapos akong lagpasan.

Hanggang sa kalayuan ay mas lalo nilang inaasar si Iver at hanggang dito ay dinig na dinig ko ang tawanan at panunukso ng mga barkada niya sakanya. Pinatuloy ko ang paglalakad at nakaramdam ako ng init sa pisngi ko nang maalala ko ang mahinang pisil ni Iver sa pisngi ko.

Pagdating ko sa room ay nadatnan ko agad ang tatlo, malapit sa upoan ko. Dahil wala pa si Clark, si Melanie ang naka-upo sa upoan niya at katabi naman niya ay si Jess habang si Clarity ay nasa upoan niya at nakangiti nang makita

Ngunit sumagi sa paningin ko si Sydney na ngayon ay naka-taas ang kilay habang nakatingin sakin. Ang bilis niya 'atang makarating dito. Nasa paligid niya naman si Kia at Dina na nakatingin din sakin. Tinarayan ko nalang sila at nag-tungo sa upoan ko.

May iilan din akong kaklase dito pero lahat sila ay nag-lalaro ng ML. Dinig na dinig ko ang mga boses, eh.

"Hoy! Nagkasa-gutan daw kayo ni Sydney kanina?"

Nabigla ako sa tanong ni Jess nang tuluyan akong umupo sa upoan ko. Grabe! Wala pang isang minuto, kumalat na agad. Virus ang peg?

Ang dapat nilang ikalat ay ang kagandahan ko at hindi ang ganyang klasing issue! My god!

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon