Chapter 49

1K 49 13
                                    

Kinabukasan ay mas naging tutok ako sa pag-rereview dahil bukas na ang first periodical exam. Walang masyadong guro ang dumating ngayon dahil puro pointers lang ang binibigay, ang ibang guro naman namin ay nagbigay ng summative test para iyun ang irereview namin.

Hindi din kami lumalabas ng classroom, pwera na nga lang kung gusto naming lumabas para bumili sa canteen. Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko si Lucky pero ngiti at 'goodluck' lang ang tanging ginawa niya sakin.

At the same time, natutuwa ako dahil hindi na niya ang ginugulo. Matagal na rin no'ng huli naming away, siguro naman may natutunan siya sa mga maling ginawa niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago naming lagpasan ang isa't isa sa tuwing magkasalubong kami.

Palagi pa rin kaming magkasamang tatlo hanggang sa pag-rereview. Paminsan-minsan din ay sasabay samin si Clark na mukhang walang pino-problema matapos ang pag-uusap namin ni Hyder kagabi. Kung titingnan mo ang mukha niya ay pinipilit niya lang ngumiti para gumaan ang pakiramdam niya o kaya, ayaw niya lang maalala ang pag-aawayan nilang magkakapatid.

Gusto ko siyang tanongin kung okay na ba siya, pero ayukong magtaka siya. Baka mahalata pa niya na nalaman ko ang hindi pagkaintindihan ni lang tatlo. Tapos baka itatanong niya sakin kung kanino ko nalalaman at kapag sinabi ko kay Hyder nang-galing, magagalit siya sa kapatid niya tapos dagdag problema na naman. Kaya, 'wag na lang.

Basta ang mahalaga, nakangiti siya ngayon.

Nang napansin niya ako ay agad na lang akong umiwas at umarte na parang magbese-busyhan sa pagbabasa ng libro. Kung napapansin mo ang mga kaklase namin ay parang walang paki-alam para bukas. Panay laro lang ng cellphone tapos kung ano-ano pa ang sinasabi.

Napalingon ako sa grupo nila Sydney panay chika lang sila, nagtatawanan pa. Bumuntong hininga na lang ako at umiling-iling akong umiwas. Iba kasi sa kanila ay nagme-make-up pa at ang iba naman ay nagseselfie. Hindi lang tatlo sila Sydney ngayon kundi anim, nadagdagan lang ng dalawang squater sa grupo nila dahil hindi namin kaklase iyun.

"Hi, guys! Soft drink?" Umalingawngaw ang boses ni Iverson na may dalang dalawang kape at isa pang paper bag na may laman.

Agad siyang pumasok sa classroom namin at deri-deritsong nagtungo samin na para bang kaklase namin siya. Agad natuwa ang dalawang bruha pati kapatid ko sa dala ni Iver. Dahil may bakanting upoan sa tabi ko, doon siya umupo.

"Kaya, idol na idol kita Iverson, eh, dahil panay ka libre. Pahingi nga ako." Ani Jess at kinuha ang isang karton na may basong naglalaman ng soft drinks at isa-isa niyang binigay samin.

"'Yun! Sakto, gutom na 'ko!" Sabi pa ni Melanie.

"Ano 'to?" Kinuha ng kapatid ko ang malaking paper bag. "Wow, fries! Sissy, favorite mo!" Siniko pa ako ni Clarity at binigay sakin ang isang maliit na box na naglalaman ng fries. Ibinigay niya din sa iba 'yun.

Bumuntong hininga ako dahil sa dalawang magkakapatid. Tahimik lang si Clark at mukhang hindi siya komportable sa presensya ng kapatid niya kaya nagbasa na lang siya ng libro habang nilapag naman doon ni Melanie ang coke at fries sa armchair niya ngunit hindi niya iyun pinansin.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Clark sa kapatid niya nang hindi man lang tinapunan ng tingin. "'Di ba, dapat magreview ka ngayon doon sa classroom niyo?"

"Well, dito na lang ako magreview. Wala naman kasi akong kasama sa classroom, eh. Besides, wala din kaming klase." Sagot naman ni Iver.

Natahimik kaming mga babae sa pagitan ng dalawang lalaki. Ramdam ko ang panlalamig nilang dalawa dahil boses nilang mala-aircon kung damdamin. Ramdam na ramdam ko na parang naiilang silang dalawa sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang naging problema nila at ganyan sila kumilos. Gaano ba kalaki ang problemang 'yan at bakit hindi nila magawang mag-usap?

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon