CONTINUATION

1.6K 68 13
                                    

"Bakit may kama?"

"Ahh.. 'yan ba? If ever na may free time ka o pagod at gusto mong pagpahinga, pwede kang pumunta dito. Bibigyan ka ng dalawang oras para magpa-hinga diyan sa kama na 'yan." Sabi niya dahilan upang mamangha ako. Sobrang laki kasi ng library nila. Sa gilid ng kama, may mga book shelf. Pwede ka ring mag-basa.


Makikita mo kung pano kumikinang ang mga bagay at sulok ng library dahil sa sobrang kintab na kahit kailan hindi madudumihan.

"Eh, pa'no kung may klase ka pang dapat habolin?"

"Pwede kang mag-bigay ng excuse letter sa professor mo.. nasa kanila ang disesyon kung papayag ba sila o hindi," Agad akong napasimangot dahil sa sinabi niya. So, may pagkakataong hindi sila papayag? Tsk!

"Sobrang ganda ng library no? Sobrang yaman niyo pala, kung ganun."

"Sort of. Hindi lang naman kami ang may Ari ng paaralang ito. Ang lupang ginamit dito ay lupa ng mga Montreal." Tumango naman ako. Hanggang sa napadpad ang paningin ko sa isang silid kung saan may mga estudyanteng pumasok doon.

Sa pintoan palang ay mamangha ka na. Kusa lang itong bumukas kapag may pumasok. Isa itong sliding doors at gawa sa salamin. Gets mo?

"Anong meron dyan, Iver?" Tanong ko sakanya habang nakaturo sa silid na yun.

"Snack room 'yan. Kapag nauuhaw ka o gusto mong kumain habang nag-babasa, kusa ng bumukas ang pintoan na 'yan para sayo. Kahit Ilang chips pa ang kunin mo. Libre na lahat 'yan," Sabi niya na ikinangiti ko. Mukhang na gutom ulit ako.

"Pwede ba akong kumuha?"

"Sure,"

Mabilis akong nagtungo doon. Kusang bumukas ang pinto kaya agad akong pumasok. May mga fruits na halos kompleto na, maraming putahi ang nakikita mo. Halos lahat na ng mga snacks na pagkain ay nandito. 

Nahagip sa paningin ko ang pinakapaborito kong pagkain. Ice cream. Kumuha ako ng dalawang Cornetto. Sabi niya kasi, kahit anong gusto mo pwede kang kumuha.

Maraming bagay siyang pinapakita sakin. Halos boung library ang nilibot namin. Lahat ng bagay sa library ay alam ko na. May computer house din kung saan doon ka mag-search kung kailangan. Ang Ganda.

Marami akong nadiskobre dito sa school. Halos lahat ng pinuntahan namin ay hindi ko maiwasang hindi mamangha at mainggit. Sobrang sarap sa felling dahil si crush ang kasama ko, yiee~ kinilig si ako, yiee~

Kapag hindi pa kami tapos sa paglilibot, itutuloy namin pagkatapos ng klase. Ang laki kase ng paaralang ito eh, pakiramdam ko nga parang nilibot namin ang boung mundo. Hanggang sa dumating ang gabi ay niyaya ako ni Iverson na kumain sa labas. Syempre pumayag agad ako. At doon nagsimula ang pag-tawag at text sakin ni Master. Pero hindi ko na 'yun pinansin, sagabal kasi.

Nasa isang mamahaling restaurant niya ako dinala. Makukuha agad sa attention mo ang Chandelier na halos kumikinang na at dumagdag pa ang liwanag nito.

"Sobrang mahal naman dito, Iverson. 20 pesos lang yata ang dala kong pera eh," reklamo ko matapos kong makita ang menu. Masarap nga, sobrang mahal naman.

"Don't worry, ako ng bahala." Ngiting saad niya. Kung ngumiti siya, parang may kumiliti sakin. 

Hanggang ngayon, panay vibrate ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at in-off bahala ka dyan. Isturbo si Master eh. 

Ano kayang mangyari sakin kapag maka-uwi ako?

...

Nakangiti akong dumating sa bahay. Nakangiti din akong pumasok kulang nalang mapunit ang bibig ko dahil sa kakangiti. Agad bumungad sakin si Master.

"Saan ka galing?" Tanong niya palang nakakatakot na.

Ngumiti naman ako, "Galing ako sa puso ni Crush," sabi ko habang nakatingin sa kawalan. 

"Tsk! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo tapos hindi mo man lang sinagot?!" Galit niyang sigaw sakin upang mainis ako.

"Sinailent ko kasi ang phone ko kaya hindi ko napansin. Saka, kung maka-reklamo ka naman parang jowa kita! Amo lang kita, baka nakakalimotan mo! Ito naman, nilibot lang naman ako ni Iverson sa campus eh!"

"Talaga ba?! Umabot talaga kayo ng gabi?! O baka naman, pati boung pilipinas nalibot niyo na rin!!"

Napangiti ako, "Hindi lang boung pilipinas, Master. Kundi, boung daigdig. Pati puso niya nga nalibot ko na eh," pabebe kong saad.

"HOOY!" Sigaw niya sakin upang magulat ako. "Napaka-landi mo talagang babae ka!"

"Atleast,maganda. Teka nga, bakit ba ganyan ka maka-react?! Nagseselos ka ba, Master?" Pang-aasar ko sakanya.

"Hindi ako nag-seselos," malamig niyang saad.

"Yiee~ nag-seselos siya," Sinubukan ko namang kirotin ang gilid niya.

"Hindi ako nag-seselos?"

"Aminin yiee~"

"Hindi nga sabi!"

"Weee?"

"Hindi nga!"

"Ikaw ah?"

"GUSTO MO BA TALAGANG MALAMAN?!" Biglang tumaas ang boses niya dahilan upang matakot ako. 

Laking gulat ko nalang ng bigla siyang nag-hubad ng damit at tumambad sakin ang 8 pack abs niya. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pisngi ko at agad akong napawisan.

"Master, anong ginagawa mo?" Takot kong tanong dahil bigla niyang hinugot ang belt niya at hinagis sa sahig. At mas lalong naging gulong ang mata ko dahil nag-hubad siya ng pants.. at bumungad sakin ang buhol. Dyusko! Ginoo Ko Lord!

"Master, Master, please, nagbibiro lang naman ako," kabado kong saad dahil nagsimula siyang lumapit sakin kaya ang ginawa ko ay umatras.

"Master, Master, nagmamakaawa ako sayo. Please, 'wag naman ganito," mas lalo akong kinabahan dahil pinto na ang nasandalan ko at wala ng maatrasan. Hanggang sa..

"WAAAAAAAHH!"

...

"TRISHA, ARE YOU OK?" Boses ni Iverson ang narinig ko habang niyugyug niya ang magkabilang balikat ko dahilan upang bumalik ako sa wisyo.

"Are you okay? Bakit ka napapawisan?" Tarantang tanong niya sakin at hilahad niya sakin ang tissue. 

"I-I'm okay,"

"Are you sure? Kinakabahan ako sayo, I'm worried. Kumain ka nalang," malumanay niyang saad.

Agad nalang akong napailing dahil sa imagination kong nakaka-trauma. Bakit ko ba kasi naisip 'yun?! Trisha naman, landi pa more.

Bumuntong hininga naman ako at hindi nalang isipin ang imagination ko na 'yun. Omygodness! Sana hindi ganun ang mangyari kapag nakauwi na ako,

@Itsme_kwenny

©All Rights Reserved, 2020.

PASENSYA NA SA GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOGRAPHICAL ERRORS.

KEEP/STAY SAFE EVERYONE =))

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon