Chapter 55

960 50 3
                                    

Napatitig ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi maiwasang matuwa ang puso ko dahil sa malaking pagbabago niya. Hindi siya 'yung Iverson na kapag nakita ako, malamig na tingin lang ang maibigay. Hindi siya 'yung Iverson na lagpas-lagpasan lang ako sa daan.

Puno ng lungkot, pananabik, pagsisisi at pangulila ang mukha niya ngayon kung babasahin. Hindi ako makapaniwala na siya pa mismo ang lumapit sakin para magkaayos kami, imbes na ako.

Yeah, si Clark lang talaga ang parati kong nilalapitan. Kasi kung siya, wala akong makukuhang matino sa kanya. Hindi naman niya ako kinakausap. Hindi naman siya makikinig sakin. Sa tuwing may sasabihin ako, puro 'whatever-whatever' naman ang isasagot. Nakakairita.

Pero dahil panganay ako, hindi ko dapat siya pinapabayaan. Don't get me wrong, I love this man so much. Kahit hindi ito matinong kausap, kapatid, hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Silang dalawa ni Clark, actually.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Matiis ba kita?"

Mabilis siya lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko naman maiwasang hindi maging emosyonal nang maramdaman ko ang naninibik niyang bisig. Sa lahat ng taong nakalipas, ngayon ko lang ulit siya nayakap ng puno ng pagmamahal at pangungulila.

Tinapik ko ang likod niya habang nakayakap at nakangiti. Kumalas kami sa isa't isa kaya umusbong ang tawanan naming dalawa habang pinunasan ang mga luha.

"Bati na ba tayo, kuys?" Ngiting tanong niya sakin.

"Gusto mo yatang mag-away pa tayo, eh." Birong saad ko kaya umiling siya habang mahinang tumawa.

Umupo siya sa tabi ko at sinabayan ang pag-inom ko ng alak. Nawaglit saglit sa isipan ko ang ginawang pag-amin ko kay Trisha kanina. Ang kaninang pagsikip ng dibdib ko ay gumaan dahil sa bati na kami ni Iverson. Ako dapat ang gumawa ng paraan para magkaayos kami, ako dapat ang lumapit sa kanya dahil ako naman ang panganay. Ngunit hindi na 'yun mahalaga, ang mahalaga sakin ngayon ay ang maka-bawi sa dalawa kong kapatid.

"Simula ngayon, gusto kong makita kang nag-aaral ng mabuti. Sisilipin na kita araw-araw sa classroom niyo para maka-siguro ako. And last but not the least, no more games. Understood?" Ani ko na parang isang ama kinunsinti ang anak.

Mahina siyang tumawa. "Seriously? Kailangan talaga silipin mo 'ko do'n? Saka, 'wag ka ngang umasta na parang ama kita."

"Payong nakakatandang kapatid lang. Kasi syempre, wala dito sina Mommy at Daddy. Wala rin naman kayong aasahan kundi ako lang, eh." Mayabang na ngiti ang ipinakita ko sa kanya.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sayo." Sarkastiko ngunit hindi nawala ang masayang ngiti niya. "Ano bang akala mo sakin, walang magawa sa buhay? 'Wag kang mag-alala, kahit libotin mo ng maraming cctv ang boung classroom namin, hindi mawawala ang poging Iverson sa camera. Makikita mo talaga ang katalinohan ko."

"Tsk!" Asik ko at ngiting umiling dahil sa pagmamayabang na banat niya. Nagsalin ako ng alak at agad kong nilagok 'yun. "Nga pala, ayuko nang maulit ang pag-aaway natin. Hindi ko na kayang maramdaman pa ang isang hangin lang sa paningin mo." Seryuso ngunit senserong sabi ko sa kanya. Nagtitigan kami saglit na para bang inaalam namin sa isa't isa ang laman ng aming isip.

Tumango siya at ngumiti. "Don't worry, binaon ko na sa hukay ang mga nangyari satin. And I will make sure... Na mag-iingat na 'ko sa mga kinikilos at mga salita ko. Iiwasan ko na rin ang... makikipag-sagutan sayo. Ayuko na ring maulit ito."

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon