Chapter 23

1.4K 56 2
                                    

"So, matagal na kayong magkaaway ni Lucky?" Tanong niya sakin.

Patungo kami ngayon sa Classroom ko. Hindi ko alam kung bakit siya sumabay sakin.. kahit alam niyang class hours ay dapat patungo na siya ngayon sa Classroom niya. Unless kung magkatabi lang kami ng rooms.

"Hindi, nasa two weeks palang kaming magkaaway nun. Simula kasi no'ng naging newbie ako sa paaralang ito, doon na niya ako ginulo."

"So.. two weeks ka pa lang nag-aaral dito?" Tanong niya ulit kaya tumango ako.

Ngumiti siya sakin kaya ngumiti narin ako. Nagka-rambolan ang nararamdaman ko ngayon. Natutuwa ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit pagdating sakanya, iba-iba ang nararamdaman ko. Basta magaan sa pakiramdam kapag kasama ko siya.. at iyun ang lamang sa nararamdaman ko ngayon.

Burado lahat ang mga bagay na pumapasok sa isip ko kapag siya ang kausap at nakasama. Nagtataka narin ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Nakakapanibago kasi. No'ng nakilala ko sina Melanie at Jess, hindi ito ang nararamdaman ko. Iba ang impact pagdating kay Clarity.

"By the way, Cherryflower Beck 1 ka, 'di ba?" Paniniguradong tanong sakin habang nakaturo. Huminto din siya sa paglalakad kaya huminto narin ako.

"Oo, bakit?"

Ngumiti siya na umabot hanggang mata. "Classmates tayo, 'yun din ang room ko."
Boung galak niyang sabi sakin. Daig pa niya ang nanalo sa loto dahil sa laki ng ngiti niya.

Agad kaming nag-tungo sa Classroom at nang makapasok kami ay tingin agad ng mga kaklase ang sumalubong samin. Napahinto narin sa pagsusulat si Mr. Chua at kunot noong tumingin samin.

Lahat ng kaklase ko ay gulat nakatingin kay Clarity dahilan upang ma-curious ako. Ano bang meron kay Clarity at halos lahat ng estudyante ay gulat napatitig sakanya. Dahil ba maganda siya? Maganda rin naman ako, ah?

"Ms. Clarity, It's nice to see you again," ngiting sabi ni Mr. Chua sakanya. Lumapit ito at nakipag-beso-beso kay Clarity.

Nasagi ang paningin ko kay Clark na ngayon ay sobrang lamig kung makatingin sakin. Na para bang mapapatay niya ako nang wala sa oras dahil sa tingin niya na parang may sinasabi at may pagbabanta. Nakita ko tuloy si Master sakanya.

Ganyan ba siya makatingin sakin ngayon dahil sa hindi ko sinunod ang sinabi niya? Anong bang paki niya kung lalapitan ko si Iver? Kung takot s'yang mapahamak ako, hindi na niya dapat ikabahala 'yun. Ililigtas naman siguro ako ni Iver pag-nagkataon.

"I'm sorry ho, Mr. Chua kung na-late ho kami," malumanay na sabi ni Clarity habang nakangiti.

Halos lahat ng teacher dito kilala siya. Kunsabagay, halos kilala nga siya ng boung campus dahil nung pagpasok ka kaninang umaga, naririnig ko ang pangalan ni Clarity sa bawat sulok ng School. Kaya imposibling hindi siya kilala ng mga Teachers.

"It's okay. Ayos lang ba sayong doon ka sa likod umupo? Wala na kasi kaming bakanting upoan dito sa harap," sabi ni Mr. Chua. Sa boses niya palang mukhang nanghihiyang na siya dahil hindi sa harap uupo si Clarity.

"Okay lang po, basta may upoan. Payts na sakin 'yan!" Ngiting biro niya.
Tumango si Mr. Chua at seninyasan kaming pumunta sa upoan namin.

Nakasimangot pang umupo si Clarity habang nakatingin sakin. "Sayang dahil hindi tayo magkatabi, pero okay lang. Magkaharap naman tayo eh, hehe." Sabi niya sakin. Sa likod ko siya naka-upo dahil iyun lang merong bakanting upoan dito.

Napansin kong may kinaway siya sa bandang likod ko kaya agad akong lumingon kung sino iyun at nahagip agad sa paningin ko sina Jess at Melanie na palihim ding kumaway pabalik kay Clarity dahil nasa mismong harap sila ni Mr. Chua naka-upo.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon