Chapter 19

1.4K 60 12
                                    

Trisha POV


Nakasimangot akong naka-upo dito sa loob ng Guidance dahil sinisigawan kami ni Mrs. Montreal. Naka-upo kaming tatlo sa isang malaking sofa. Kaharap naman namin sina Sydney, Kia at Dina na nakatungo din katulad namin.


Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko. Wala na nga akong pamilya, ganito pa ang trato sakin ng mga tao. May amo akong palagi akong sinisigawan, may mga insecure naman akong matatagpuan dito sa Unicademy. Una, si Lucky. Ngayon, sina Sydney naman at mga barkada niya.


Sana kasama nalang ako sa mga magulang kong nawala. Kahit wala kami dito sa mundo ng mga tao, kompleto naman kami sa kabilang buhay. Sapat na 'yun para sakin, makasama ko lang ang mga mahal ko sa buhay.


"Ano bang pumasok sa kukuti niyo at nagsabunutan pa kayo sa loob classroom?! Sana umuwi nalang kayo kung wala naman pala kayong klase this afternoon!" Bulyaw samin ni Mrs. Montreal. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan para walang makapansin.


Napatingin ako sa di kalayoan ko at nakita ko doon si Hyder na sobrang lamig kung makatingin sakin. Kahit hindi pa niya ako sinisigawan ngayon, paniguradong pinapatay na niya ako sa isipan niya.


Wala na akong pakialam kung sisigawan niya ako pagkatapos nito. Enexpect ko naman talaga 'yun dahil doon siya magaling. Hindi naman ako magtataka pag-nagkataon.


Nandito din si Clarity naka-upo sa kanan ni Hyder habang sina Clark naman at Iverson ay nasa kaliwa niya. Napansin kong umiling si Iverson na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Habang si Clark ay panay tingin kay Melanie na ngayon ay nakatungo habang nilalaro ang kanyang mga daliri.


"Melanie! Sayo ko binigay ang position bilang president ng classroom niyo! Inaasahan kong maging maganda ang pag-tuturo mo ng leksyon sa mga classmate mo kung may ginawang mali!" Bumaling naman siya kay Jess. "At ikaw naman! Vice President ka! Pinili ko kayong dalawa ni Melanie sa position na 'yan para alagaan, maging malinis at tiwasay at walang gulo ang classroom pero anong ginawa niyo?!"


Ito na talaga! Bumaling na sakin ang bombero!


Dumagdag pa ang mega phone na naghihintay sakin sa bahay!


"Ms. Gonzaga! Inaasahan kong hindi kana babalik dito sa Guidance office! 'Wag mong sabihing ikaw na naman ang may pakana nito!" Sigaw ni Mrs. Montreal sakin.


Ako na naman?!


Hindi ba nila kayang hanapin kung sino ang may pakana sa pangyayari? Mahirap ba 'yun?! Ako na nga itong biktima, ako pa ang may kasalanan?!


"Dalawang beses ka nang magka-roon ng record dito sa G.O! Kapag dumagdag pa 'yan, hindi talaga ako magdadalawang isip na bigyan kita ng award punishment!"


Lihim naman akong napamura. "Teka, Mrs. Montreal! Wala naman po akong kasalanan dito, eh! Actually, pinagtatanggol ko lang 'yung sarili ko! Saka, hindi ko naman sinadyang itulak si Sydney, eh! Kaya ko lang naman nagawa 'yun dahil masyado na pong masakit ang ulo ko sa kakasabunut niya sakin!" Sabi ko na may halong pagmamakaawa. 'Wag nilang sabihin hindi nila ako paniniwalaan?


"Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit hindi mo nalang sabihin na sinadya mo talaga akong itulak?!" Inis na sabi ni Sydney sakin. Tiningnan ko naman siya ng masama.


Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon