Chapter 47

1.1K 52 6
                                    

Sabay kaming nagtungo sa cafeteria kasama si Clark na tahimik lang sa tabi ko. Pinakiramdam ko ang sarili ko sakanya kaya naisip ko na parang may sasabihin talaga siya sakin, hindi niya lang masabi. Dahil pa rin ba ito sa nangyari kanina?

Hindi ko na siya ginulo at walang imik kaming pumasok sa cafeteria. Namataan ko agad ang kapatid ko kasama si Jess at Melanie habang nag-aasarang kumakain. Nag-order agad kami.

"Sana hindi ka magsisisi sa huli, Trish." Matapos kong nag-order ay napakonot noo ako sa sinabi ni Clark sakin matapos akong humarap sakanya.

Hindi na niya ako pinansin pagkatapos no'n at um-order. Sumulyap ako sakanya saglit, naiwan akong nagtataka habang papalapit sa table ng tatlo. Tumabi ako sa kapatid ko kaya takang napatingin sakin ang dalawa na nasa harap ko nang mapansin nila ang mukha ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jess. Tumango na lang ako at kumain na. Hilim kong sinulyapan si Clark na ngayon ay um-order pa. Nakatalikod siya sakin pero nakita ko pa rin ang ngiti niya habang masayang nagku-kwentuhan sa tendera.

"Hey," napatingin ako kay Clarity nang siniko niya ako. Napansin niya siguro ang pagtitig ko kay Clark dahil napatingin siya sa lalaki bago sakin. "May ginawa ba si Clark sayo?"

"W-Wala naman, may inisip lang ako."

Inisip ko kasi ang sinabi ni Clark kanina. Anong na naman bang ginawa ko? May naiwan pa bang bagay na hindi ko alam, o may ginawa akong bagay na hindi ko alam?

Bumuntong hininga ako. Nakakapagod nang umiyak. Tama na 'yung panahon na iniyakan ko ang hindi ako ang tunay na anak nila mama. Ayuko nang madagdagan pa ang problema ko. Ang dapat kong isipin ngayon ay ang bahay ni Tita, kung ano ang pinangako ko sa kanila, 'yun ang gagawin ko.

Napalingon ako sa gilid ko nang padabog nilapag ang dalang tray ni Hyder sa mesa at umupo sa tabi ko. Kinuha niya naman si Hyper at pinatong ito sa lamesa dahilan upang mabigla ako. Malamig itong lumingon sakin kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Ano bang ginagawa ng gagong 'to dito? Akala ko ba ayaw niya akong makasabay?

"Bakit ganyan ka makatingin? Kumain ka na. Gusto mo bang subuan pa kita?"

Nag-roll eyes ako sakanya at hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa nakakalokong ngiti at tingin niya sakin. Kumain na lang ako dahil nagsimula na akong mailang sa mga kaibigan ko... lalo na kay Clarity.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Akala ko ba ayaw mo 'kong makasabay dahil nabu-bwesit ka sakin?!"

Imbes na sagutin niya ako ay hindi niya ako pinansin at kumain. Hindi ko pa rin inalis ang masamang tingin ko sakanya at binigyan ng makahuluganang tingin dahil sa hindi niya ako sinagot. Patago ko naman siyang inambagan ng suntok.

"Hindi kasi kita matitiis, eh."

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang binulong niya sakin 'yun. Pinilit kong kumalma kahit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sumagi pang dumikit ang braso niya sa braso ko at parang may kuryenting dumaloy sa katawan ko dahilan upang umusog ako.

Hindi ko napansin ang pag-dating ni Clark na ngayon ay kumain na sa tabi ni Melanie. Tumaas na lang ang kilay ko at kumain na rin. Matagal ko nang napapansin ang paglapit-lapit ni Clark kay Melanie, eh. Parang may something talaga ang dalawang 'to.

"Whoa. Can I join you guys?"

Napalingon ako sa tinig ni Iverson na ngayon ay nakangiting hinihintay ang sagot namin. Ngumiti ako nang ibaling niya ang tingin sakin. Siya pa rin talaga. Ewan ko ba sa gagong 'to kung bakit sa simpling ngiti niya lang kinikilig at hulog na hulog na 'ko.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon