Chapter 7

2K 76 1
                                    

Agad akong umuwi sa bahay. Buti na lang at binigyan ako ng susi ni Master. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon... I mean, sobrang init ng ulo ko. Nakakainis lang kasi.

Agad akong nagtungo sa kwarto... hinagis ko ang bag sa kung saan at sumalpak sa kama. Hindi ako makapaniwala sa nangyari, first day na first, eh.

Masaya na dapat ako ngayon, eh, well, masaya naman ako kasi nakapag-aral na ako at laking pasasalamat kay Master dahil sa kanya nakapasok ako do'n. Pero... parang nasira dahil sa Venus na 'yun. Nagsumbong pa talaga sa mama niya na porket dean. Tsk!

Alam kong sobrang mali ang mga sinasabi ko kanina. Hindi ko lang kasi mapigilan, eh. Uminit bigla ang ulo ko, eh, masama ba? Sumobra na kung sumubra... pero bigla lang kasing lumabas sa bibig ko, eh.

Pipikit sana ako upang matulog kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Inis akong bumangon at kinuha ang bag. Mabilis kong nahanap ang phone at tiningnan ang screen kung sino ang tumawag.

MasterHyder Calling..

Matagal bago ko in-off ang phone ko. Alam ko naman kung anong sasabihin niya, eh. Tatanongin na naman ako kung saan ako ngayon.

Susumbatan na naman ako no'n. Papagalitan na naman ako. Ang sama kaya niyang tumingin sakin kanina. Ni hindi nga niya ako tinulungan, eh.

Pabato kong binalik sa loob ng bag phone ko at inilagay ko ang bag sa mesa na nasa gilid lamang ng kama ko. Agad akong nag-bihis at sumalpak ulit sa kama.

Ayuko munang pumasok ngayon, mukhang nawalan ako ng gana, eh. Wala naman akong ginawa pero parang pagod na pagod ang katawan ko. 

Dumating ang gabi ay agad akong lumabas ng kwarto at nag-tungo sa kusina. Biglang napatingin ako sa lalagyan ng pagkain ng aso kaya agad kong hinanap si Hyper. 

"Hyper?" Tawag ko habang tiningnan ang mga paligid. Tumingin ako sa ilalim ng mesa dito sa dinning pera wala. "Come on, Buddy," nagtungo ako sa couch na ikinahinga ko ng maluwag. Nandoon lang siya natutulog.

Kung napapansin niyo, 'yung mga aso na nandyan sa paligid ay kahit hindi niya amo ang tumawag sakanya ay mabils siyang lumapit. Pero itong isang 'to, kahit ako ang tumawag sakanya, kahit alam kong kilala niya ako ay hindi agad siya lumapit. Lalapit lang sakin kapag hihingi ng pag-kain. Tanging si Master lang ang lalapitan niya buti nalang at mabait at masunurin siyang aso.

Bumalik naman ako sa kusina at nagluto. Alam kong gabi umuwi si Master kaya dapat pag-uwi niya, may pagkain na sa hapag. Papagalitan na naman kasi ako no'n kapag wala pang nakahandang haponan diyan, eh, kagaya ng dati. 

Bumuntong hininga ako at sinubukang hindi alalahanin ang nangyari kanina. Tsk! Sumbongirang gaga kasi, eh.

Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay dinig ko ang pagkasara ng pinto at pagtahol ni Hyper. Alam kong si Master na 'yan. Si Hyper kasi ang hudyat ko, eh, dahil kapag dadating si Master, tatahol siya.

Nang matapos ko na ang niluto ko ay agad ko itong nilagay sa plato. Well, chicken Joy lang naman ang niluto ko. 'Yun kasi ang pinakapaborito niya sa lahat ng ulam sa boung mundo. Taray naman ni Bossing!!

"Trisha," tawag sakin ni Master. Batid kong nasa likod ko na siya dahil naamoy ko ang pabango niya na amoy kanal. Charooot!

"Oy, Master, nandyan kana pala." Sabi ko kahit alam ko naman talaga.

Nilapag ko ang plato na may Chicken Joy ang laman sa mesa kaya nakita ko ang Pangit niyang mukha. Joke Lang. Gwapo naman talaga si Master, eh. Crush ko nga 'yan, eh.

"Are you okay?" Malumanay niyang tanong. Sa tuno niya ay may halong pag-alala. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Medyo," tipid kong sagot at yumuko.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon