Chapter 41

1.1K 52 9
                                    

Dahil sa gusto ko ng may karamay ngayon ay mabilis akong tumayo at yumakap sakanya. Pinalupot ko ng mahigpit ang bisig sa bewang niya at doon ko inilabas lahat ng luha ko sa dibdib niya.

Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit alam kong agad din siyang nakarecover dahil sa paghagod  niya agad sa likod ko.

Wala akong paki-alam kung anong iisipin niya. Makapal man ang mukha ko pero kailangan ko talaga ng kayakap at kausap ngayon.  Kailangan ko ng sandalan, masyadong pangit ang araw ko ngayon. Hindi ko akalaing, mangyari 'to.

Pinasok ako ni Iver sa isang bahay at nasa tapat lang namin 'yun. Hindi ito pamilyar sakin kasi ibang bahay ang napuntahan ko no'ng nagkasakit siya. Andami niya 'atang bahay, eh.

Hindi na ako umimik pa at sinunod ang mga sinasabi niya. Pinasok niya ako sa isang silid at sinabihang maligo daw muna ako. Naligo ako at hinayaan ko lang ang sarili kong nakatayo sa ilalim ng shower habang umaagos ito.

"Okay ka na?" Tanong niya nang bumulaga agad siya sa harap ko matapos kong buksan ang pinto ng kwarto.

Tumango ako kahit hindi naman talaga ako okay.

Hindi ko maiwasang mahiya sarili ko dahil sa agad akong pumayag na sumama sakanya dito nang wala man lang pag-aalinlangan. Baka isipin niya na masyado yata akong malandi para makalapit sakanya. Kainis naman.

"Salamat, ah?" Ngiting saad ko sakanya. Tumango naman siya at ngumiti din sakin. "Teka, nasa'n ba ako?" Takang tanong ko habang nakatingin sa boung paligid.

Maganda ang bahay. Kasing laki lang din ng bahay ni Hyder. Wala din akong nakikitang litrato kundi siya lang at pamilya niya. Kung napapansin mo, mukhang hindi din uso ang alikabok dito. Buti nalang at hindi siya nag-hired ng katulong, at ang ibig sabihin no'n, kapag madumi, siya ang maglinis. Buti pa siya masipag.

Ang inexpect ko kasi, ito 'yung bahay kung saan dinala namin si Iver no'ng nilagnat siya, kaso hindi. Malaki ang bahay na 'yon kompara dito.

"Nandito ka sa bahay ko,"

"Bahay mo? Hindi naman ito 'yong bahay na dinala ka namin kagabi, eh."

"Tsk!" Mahina siyang tumawa. "Bahay 'yon ng pamilya ko."

Kaya naman pala malaki tapos nandoon lahat ng picture nilang magkakapatid.

"Teka, okay ka na ba. Naulanan ka pa naman kanina," sabi ko nang maalala ko ang sakit niya. Mabilis kong tinapat sa noo niya ang palad ko at dinamdam kung mainit ba kaso mukhang okay naman na.

Nasalubong ko ang titig niya at seryusong-seryuso iyon. Hindi ko naman maiwasang hindi mapalunok dahil sa mismong mata ko talaga siya nakatingin dahilan upang lumakas ang tibok ng puso ko kaya naman agad kong inalis ang kamay ko at yumuko.

Nakakailang at nakakahiya 'yon!

"I'm fine, by the way, anong nangyari sayo?" Tanong niya matapos niya akong yayaing maupo sa couch.

Yumuko ako at nilalaro ang mga daliri ko. Hindi yata ako handa para sabihin sakanya ang nangyari sakin. Hindi ako komportable kasi ayukong maalala ko pa ang mga pangyayari pero dahil may tiwala ako sakanya, mas mabuting sabihin ko nalang sakanya. Wala naman sigurong mawawal pag-nagkataon.

"Okay lang kung hindi mo sasabihin—"

Inangat ko ang paningin ko sakanya. "Umalis na ako sa bahay ng kuya mo." Putol ko sa sasabihin niya na ikinagulat naman niya.

"What? Why?" 'Di makapaniwala niyang tanong.

"Sumu-sobra na kasi siya,"

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon