Chapter 43

1.1K 63 13
                                    

Trisha POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko din alam kung anong tawag dito sa nararamdaman ko, eh. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pinaliwanag sakin ni Clarity ang lahat. Iba-iba ang nararamdaman ko matapos kong marinig ang kwentong 'yun.

Hindi ako makapaniwalang 'yun pala ang nangyari. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kwento niya o hindi. Bakit ba kasi naging ganito pa ang buhay ko?

Nandito ako sa likod ng bahay ni Iverson para mag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Matapos ko kasing marinig iyun ay agad akong nagtungo dito. Wala akong nagawa kundi ang napatakip sa bibig habang umiiyak.

"You okay?" Tinig ni Hyder ang narinig ko mula sa likod.

Hindi ako sumagot at pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam na nandito pala siya. Hindi na ako magtataka kung bakit niya nalamang nandito ako. Malamang sinabi ni Iverson. Kaya nga nandito din si Clarity, 'di ba?

Dapat nga sana umalis nalang ako dito, eh. Nasa isip ko naman talaga ang umalis na dito no'ng pumasok na si Iverson. Ayuko ng magtagal pa dito, gusto ko ng mamuhay ng masaya. Pero saan naman ako pupunta?

"Sa tingin mo ba, magiging okay pa ako?" Malamig kong tanong nang hindi man lang nilingon.

"Oo naman, simple lang naman ang paraan para maging okay ka." Mahinang saad niya kaya naman lumingon ako sakanya.

Nabasa ko sa mukha niya ang awa sakin sa paraan ng pagtitig niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko yata kayang kalabanin ang titig niya. Ayuko pa naman 'yung kaawaan ako ng tao kahit sa simpling tingin at bagay lang.

Ang in-expect ko ay magalit siya sakin matapos ang nangyari sa bahay niya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Imposible namang nandito siya para hanapin ako. Tsk!

"Ano naman?" Sarkastikong tanong ko.

"Tanggapin mo sila,"

Muli akong natigilan sa sagot niya. Wala akong masabi dahil hindi agad ako nakarecover lalo na no'ng nalaman ko ang kwento ni Clarity, muling naalala ko ang sinabi niya kanina.

Tanggapin? Sila?

"'Yun lang ang tanging paraan para maging.. okay ka uli." Bahagya naman siyang natawa. "Tsk! Hindi ko inaasahan na 'yun ang bubungad sakin pagdating ko. Hindi ako makapaniwala.. kapatid ka pala ni Clarity? Kaya naman pala magka-mukha kayo kapag malayo, eh." Napaluha ulit ako matapos kong marinig 'yun. Hindi ko alam na napapansin niya din pala 'yun. "Bakit hindi mo na lang tanggapin? Kung hindi ka pa rin kontento sa sinabi ni Clarity, mag-DNA test kayo. Kasi para sakin, isang tingin palang, magka-mukha na kayo, kasi.. no'ng minsang nakita ko ulit ang ngiti ni Clarity.. ikaw ang nakikita ko."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sakanya.

Matagal bago siya sumagot. "Nandito ako para.. kausapin at makita ka." Hiyang sabi pa niya sabay himas sa batok niya.

Ano na naman ba ang palalabasin nito? Sinasabi ko na nga ba at nandito lang 'to para ayawin ako.

"Pwes, ayukong maka-usap ka! Saka, pwede ba! May pino-problema na nga dito, 'wag ka ng dumagdag pa!" Galit kong sigaw sakanya at tumalikod ulit.

Inis kong pinunasan ang luha ko nang kusa itong pumatak.

"I just want to say.. sorry." Senseridad niyang paumanhin. "Hindi ko aasahan kung mapapatawad mo pa ako. Alam ko naman kasi na.. naging masama akong amo sayo, eh, pero naging masama ka rin naman kasi kaya patas lang tayo." Tsk! Nagawa niya pa talagang magkwenta. "Pero 'yung pagtulong ko sayo para makapag-aral ulit, walang halong biro 'yun. Kahit kailan wala akong balak e-drop ka.. kahit umalis ka pa sa bahay ko. Kaya.. ibalik ko ito sayo ulit."

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon