Chapter 11

1.6K 62 4
                                    

Naka-upo ako ngayon dito isang maliit na bench sa garden habang hinahagod-hagod ang nagtataasang puting balahibo ni Hyper. Nakahiga siya ngayon sa hita ko habang tulog.


Dito ako pina-standby ni Master dahil ayaw niyang marinig ko ang pinag-uusapan nila sa loob. Nalaman ko na lahat ng ka-teammate niya sa basketball ay nandoon. Ayaw niya ring makita ako ng mga ka-teammate niya dahil baka daw ma-bastos ako. Arte lang.


Tsk! Nakalimutan niya sigurong maldita ako. Hindi naman ako magpapa-bastos eh, ayuko ngang binabastos ako baka matikman nila kung anong lasa ang kamao ko pag-nagkataon.


"Silipin kaya natin, Hyper? Nakakaboring dito, eh!" reklamo ko.


Wala akong nagawa dito kundi ang umupo nalang at hintayin silang matapos. Ano bang masama kung nandoon ako? Gaano ba ka-importante ang pinag-uusapan nila at bakit hindi ko pweding marinig? Nakakaboring kaya dito.


Napayuko nalang ako at tinignan si Hyper. Buti nalang talaga na sanay na siya sakin.


"Trisha," mabilis kong inangat ang ulo ko at bumungad si Iverson na ngayon ay papalapit sa direksyon ko. Umupo naman siya sa tabi ko.


Ano ba 'yan! Hindi pa ako naliligo, eh! Mamaya na!


"You know what? Hindi ako maka-fucos sa pakikinig sa pinag-sasabi ni Hyder at sa mga kaibigan ko sa kaka-isip," paninimula niya na ikinalingon ko, hindi siya maka-fucos sa pakikinig kay Master at sa mga kaibigan niya dahil sa ka-kaisip...sakin?


Waaahh! Assuming na yata ako! Waaahh! Medyo may kumiliti sakin. Crush nemen eh,


"Sa kaka-isip kung pa'no ka naging katulong ng kapatid ko," dagdag pa niya. O 'di ba? E'di sabog ang mundo ko sa kaka-assum.


"Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala. Kaya pala. Nagtataka ako no'ng inuwi kita dito, eh, dahil parehas kayong bahay ni Hyderson. Halos hindi ako makatulog kagabi."


Pati rin naman ako, ah? Hindi kaya ako makapaniwala no'ng nalaman kong may kapatid pala si Master. Wala naman kasi akong nakikitang picture nilang tatlo sa dito bahay, eh. Picture lang ng mga magulang nila at si Hyper ang nakikita ko.


"Pa'no ka naging katulong ni Hyder?"


"Uhm.." hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo. Wala naman sigurong mawawala kung sabihin ko sakanya. "No'ng araw na 'yun, sobrang dami kong pinasokang trabaho pero walang tumatanggap sakin dahil mukha daw akong mahina. Ewan ko kung bakit sinabi nila sakin 'yun, eh, gagawin ko naman ang lahat. Dumating ang gabi, wala parin akong mapapasokan.


"Wala narin akong matirhan dahil pinalayas ako ng pag-mamay-ari ng bahay na inuupahan ko dahil wala na akong pambayad. Wala narin akong magulang dahil namatay sila sa car accident. Hindi ko alam kung saan ako pupunta no'n, dumagdag pa ang ulan na sobrang lakas. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Hanggang sa may bumusina na kotse at lumabas doon si.. Master."


"Master? 'Yun ang tawag mo kay Hyder?" Takang tanong niya.


"'Yun kasi ang sinabi niya, eh."


"Tsk!"


Pinagpatuloy ko ang pagku-kwento. "Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan kaya mas lalo akong nabasa. Naka-upo lang ako sa gilid ng kalsada no'n. Pinayungan ako ni Master pag-dating niya. Tinanong niya sakin kung anong ginagawa ko do'n. Kaya, kweninto ko sakanya ang nangyari no'ng naghanap ako ng trabaho. Bigla niya akong niyayang sumama sakanya.


"No'ng una, nag-dadalawang isip ako dahil baka kung ano pang binabalak niya. Pero dahil mukha siyang mabait, sumama nalang ako. At doon lumiwanag ang buhay ko dahil sa tulong ni Master.. boung akala ko nga, may masama siyang binabalak, eh. Tapos no'n, pinatira niya ako dito at ginawang katulong niya." Dagdag ko.


Hanggang ngayon, hindi ko parin kinalimotan ang araw na 'yun. Kahit medyo masama ang ugali ni Master, may kabutihang taglay naman siyang pinapakita sakin.


"Hindi ka naman niya sinasaktan, 'di ba?" Malumanay niyang tanong.


"Uhm.. hindi naman..medyo masama lang ng kunti ang ugali niya." Ngiti kong sabi sakanya. Tumango naman siya na may ngiti sa labi.


Ayan na naman ang ngiti niyang nakaka-omy! Nakatitig siya sakin dahilan upang mailang ako. Bakit ba ang hilig nilang tumitig? May dumi ba sa mukha ko o sadyang maganda lang ako?


"Mabuti naman kung gano'n. Kapag sinaktan ka ni Hyder, sabihin mo kagad sakin." Matapang niyang sabi na para bang sobrang niyang lakas para talonin si Master.


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Inggit kayo, 'no? Ano kaya ang felling na si Crush ang naging amo ko? Gaganda siguro ang buhay ko, liliwanag na lalo. Lalong kumulay ang buhay ko.


Ganyan ka kapal ang mukha ko


Continuation..

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon