CHAPTER 1

1.9K 118 37
                                    

S.Y. 1999-2000

"Look at her!" Rinig kong utos ng kapwa ko mag-aaral sa kanyang kasama.

"Oh my! Pfft!"

Palibhasa'y hindi ako nakatingin sa kanila ay gano'n na lang nila ako pagtawanan sa aking likuran. Kunwari'y hindi ko sila naririnig at nakatuon lang ang paningin ko sa mapa na nakadikit sa bulletin board.

"Nakalimutan niya ata, hindi palengke ang pinasukan niya!"

"Her hair is so gross! Eww!"

"She smells too! Big eww."

Ang aarte talaga ng mga anak mayaman tulad nila. Palihim akong napangisi sa sarili ko ng makita ko ang aking repleksyon sa salamin. Maski ako ay nandidiri sa itsura ko ngayon. Pero ganito ang gusto kong gawin.

"Excuse me," inosente, matamis na ngiti akong lumapit sa mga babaeng kanina pa ako pinag uusapan.

Sabay-sabay silang umatras at binigyan ako ng nandidiring tingin. "What?"

Lalo akong ngumiti. "Transferee kasi ako, alam niyo ba kung nasaan ang faculty room 3?"

Bakit ba naman kasi may limang faculty room sa paaralang 'to? Kahit anong gawin kong tuon sa mapa ay hindi ko pa rin makabisado ang tutunguhing daan.

Hindi siguradong tumuro ang isang babae, nakangiwi sa aking itsura. "Go there, walk straight then turn left and turn right then go upstairs.. at the 3rd floor."

Napakamot ako sa ulo. "Ahehe.. sige, salamat!"

Lalo yata silang nandiri at rinig ko pang bumulong ang isa. "May kuto kaya siya?"

Hindi ko na sila inabala at nagsimulang tahakin ang path way. Habang naglalakad ako ay panay ang pagtingin ko sa kabuuan ng lugar. Napakagandang school at napakalawak!

Pinalibutan ko pa ang aking mga mata at nang hindi makuntento ay halos paikot-ikot akong naglakad. Narito na ako sa Campbell Academy na noo'y napagmamasdan ko lang sa larawan. Tatlong paikot na building ang nagtataasan na napapalibutan ng mga puno kaya gano'n kapresko ang panahon kahit patirik na ang araw.

"Pfft! Look at the girl!"

"She look.. like a witch."

"OMG, her hair! Pfft!"

"Shh! She can hear us! Let's go!"

Ngiting-ngiti akong lumiko ng daan. Kada may nadadaanan akong mga estudyante ay gano'n na lang ang gulat at pandidiri nila sa aking itsura. Iwas na iwas sila agad na para bang madudumihan ko sila.

Kay aarte!

Subalit sa kabilang banda ay bigla na lamang akong natawa. Totoo namang kakadiri ang itsura ko.. at sinadya ko ito.

"Paumanhin! Pwede magtanong?" Kinalabit ko ang lalaking estudyante mula sa likuran.

Humarap siya sa akin at bigla na lamang napailag sa gulat. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya nang matitigan ako. Ako man ay natigilan sa inakto niya pero napagtanto kong nagulat lang siya dahil sa aking itsura.

"You look.." tumaas ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin. "Is that.. what are you?"

Bumulalas ako ng tawa na lalo niyang kinagulat. "Haha! Magtatanong lang ako, saan ba rito sa 3rd floor 'yung faculty room 3?"

Tumuro siya sa ibaba. "Sa 2nd floor."

Napakamot ako sa aking buhok at napatawa. "Sabi nung babae kanina, dito raw sa 3rd floor. Niloko lang pala ako. Ang hirap kayang umakyat ng hagdan! Haha!"

Tumaas ang isa niyang kilay at napailing. "Sa itsura mo na 'yan, maloloko ka talaga, miss."

Humalakhak ako na kinagulat niya pa. "Hahahaha! Ang sama ng ugali mo! Hahahaha!"

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now