CHAPTER 52

1.4K 123 106
                                    

CHAPTER 52

"What are you doing here?"

Tumaas ang dalawa kong kilay sa bungad niya sa akin. Nginisihan ko siya. "Hindi ka ba masaya na makita ako? It's been five years, Flencher. Kumusta naman dito sa kulungan?"

Umalis ang dalawang pulis pagkapasok niya sa loob ng kulob na silid na kinaroroonan ko. Hindi siya nagpatalo sa pagngisi. "It's not so bad, actually. I always get special treatment. I still can go out sometimes."

Tinaas ko ang dalawa kong paa sa lamesa. "Sometimes? You mean... Once in a year?" Tumawa ako.

Nawala ang ngisi niya at masama ang loob na nagpakawala ng hininga. Pinagmamasdan ko ang posas na nakapulupot sa magkabila niyang pulsuhan at ang kasuotan niya na pang preso. Mas tumanda pa ng kaunti ang kanyang mukha kaysa noong huli ko siyang nakita, matapos ko ring makulong ng halos isang taon.

"But no worries. Hindi ka na ulit makakalabas sa kulungan na 'to kahit pa gustuhin mo. 'Yung mga pulis at mga nasa katungkulan na kaugnayan mo? Sibak na lahat sila sa pwesto. At kung may mauuto ka na namang mga opisyal ng gobyerno, sisiguraduhin kong mabubulok din sila dito sa kulungan." Pinagkrus ko ang dalawa kong braso.

Umasik siya at naupo sa katapat kong upuan. Ginaya niya ang pagtaas ko ng dalawa paa sa lamesa. Kaya binaba ko ang sa akin at deretso siyang tiningnan.

"I don't think naman na may mauuto ka pang tao na merong kapangyarihan, Flencher. Just look at yourself, you're all empty. Wala ka nang pera, wala nang negosyo, lubog na lubog na ang mga kumpanya mo. The last time I check, pati 'yung school mo ay bagsak na at pagmamay-ari na ng mga DeCavalcante. Unti-unti na ring nahahalungkat ang mga tago mong yaman. So it is best for you to rest... here in prison without trying so hard to escape. Nothing awaits you out there."

Tumiim-bagang siya. Nakatingin siya sa akin subalit tila'y malayo ang tanaw. Sumeryoso ako. Kahit papaano'y alam ko naman ang dahilan kung bakit siya lumalabas sa kulungan kada taon sa loob ng limang taon niyang pagkakakulong.

Napabuntong-hininga ako at lihim na lumunok. Matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa.

"You're supposed to be locked up here with me if you weren't so acting innocent, De Ayala." Umasik siya at binaba ang kanyang mga paa para tumuon sa akin. "Since you're bringing up people in power, why don't we talk about how much they tolerated you? And with all your pretentiousness to play the victim?" Sarkastiko niya pang saad.

Suminghap ako ng hangin at napangiwi. "I admitted I am not innocent. But what had happened in the past was not my fault. One thing kung bakit hindi ako nakulong ng panghabambuhay gaya mo ay dahil sa kakulangan ng ebidensya. Wala silang nahanap na taong mismong pinatay ko. I wasn't acting innocent or playing victim, Flencher. But I surely played safe. There's a difference."

Kumuyom ang kamao niya, nabalot ng dilim ang kanyang mukha. "It's your fault from the very start. Ang kapal ng mukha mo, showing up to me with a victory face after what happened. I'm not even talking about other people but the one who you knew well, De Ayala. You played a role in his death. But I guess it was nothing to you since you've won. This is your victory, my son's death... and my sufferings."

Natikom ko ang bibig ko ng mariin. Ganoon na lang ang galaw ng panga ko. Sandali akong natahimik at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Araw-araw kong pinagsisisihan ang nangyari sa kanya, Flencher. Hindi ko nakakalimutan ang nangyari dahil gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng bangungot na 'yon. You don't know how I punished myself and---"

"Kung talagang nakokonsenya ka... bakit ayaw mong magpakulong? Bakit ayaw mong harapin ang mga kasalanan mo?"

Kasalanan ko? Naikuyom ko ang kamao ko. Matagal kong nilabanan ang matatalim niyang titig.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now