CHAPTER 26

996 117 85
                                    

CHAPTER 26


"WHAT happened, Naziena?!"

Hindi ko pa man nahuhubad ang bag ko nang madatnan ko sa loob ng apartment si Evie nang makauwi ako. Gano'n na lang ang pagdagundong ng kaba sa dibdib ko sa hindi inaasahang pagpunta niya.

"Anong.. anong ginagawa mo rito?" Pinilit kong ituwid ang pagsasalita ko.

Nakakulubot ang noo niya at gano'n kairitado ang mukha. "Bakit hindi ka pumunta kagabi? Mom was very disappointed! It was her birthday at ikaw pa naman ang inaasahan niyang makita!"

Naitago ko ang pagkakakuyom ng kamao ko sa aking likuran saka mariing lumunok. Ngumiti ako sa kanya.

"Exam namin, Ev. Kinailangan kong unahin iyon." Pagdadahilan ko.

Sarkastiko siyang napatawa. "Don't tell me, nagseseryoso ka diyan sa peke mong pag-aaral? Once a year ka na nga lang makikita ni Mom. Tapos hindi mo pa siya pinagbigyan sa birthday niya!"

Hinubad ko ang sapatos ko at hinagis ko ang aking bag sa kama. "Magpapadala na lang ako ng regalo sa kanya."

"What?!"

Tumalikod ako sa kanya saka nag tiim-bagang. "Tell me what she likes."

"But Naziena! Ang gusto lang ni Mom ay makita ka!" Paasik niyang sigaw. "I gave you an invitation card at sinabi mong pupunta ka. But what happened? Naghintay kami sa'yo!"

Freak! Hinintay niyo lang ako para makitang patayin!

Sumama ang loob ko subalit may ngiti na muling humarap sa kanya. "Look, I am sorry, okay? Alam mo namang nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon. I barely have spare time. Please understand, Evie. I will pay her a visit na lang."

Napairap pa siya. Nagkukunwari naman akong guilty sa hindi pagpunta. "Ano bang pwede kong gawin para makabawi kay tita?"

Akma siyang tutugon nang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone. Dali-dali niya iyong kinuha sa bulsa ng pantalon niya saka natigilan na napatingin doon. Kaagad niya iyong naitago bago ko pa man makita.

"Uh! I got to go na, Naz!" Biglaan niyang sabi.

"Agad?" Kinunutan ko siya ng noo. "Who's calling?"

"Nothing. It's just Mom!" Dali-dali niyang kinuha ang bag niya.

Hinarang ko naman ang dinaraanan niya. "Si tita? Good timing! Kakausapin ko siya."

"W-What? N-No, no! No need, Naziena. Aalis na rin ako. She's actually waiting for me."

Liar. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na siya hinuli pa. May pagkakataon para sa kanya. Hindi pa ngayon.

"Okay then, ingat ka." Ngumiti ako ng malaki.

Ramdam kong nakahinga siya ng maluwag. Pinadaan ko siya at ako pa mismo ang nagbukas ng pinto. Pinanood ko siyang nagmamadaling bumaba ng apartment. Saka lamang ako napaseryoso at napa tiim-bagang. I hate her even more.

-

WALANG pasok kinabukasan dahil sabado, ganundin sa linggo. Kaya't nakabawi ako sa pagtulog at pahinga. Pakiramdam ko'y noon na lang ako nakapagpahinga ng maayos. Subalit ang dalawang araw ay mabilis lang na nakalipas. Ang bilis mag-lunes at kahit pa tinatamad akong pumasok ay pinilit kong makarating sa akademya.

"Oh my gosh! Hindi niyo alam, class, kung gaano ako kasaya ngayon!" Pagsasalita ni Miss An sa harapan ng classroom.

Unti-unti namang tumahimik ang kaninang ingay ng mga kaklase ko. Napatigil din si Ryker sa paglalaro ng buhok sa aking likuran at syempre, hindi nawawala ang bahagyang pagsipa niya sa upuan ko. Napalingon ako sa kanya na kinangiti naman niya. Bahagya ko rin siyang nginitian bago muling bumaling kay Miss An sa harap.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now