CHAPTER 32"NAIILANG na ako, Ryker."
Ni hindi ako makatingin sa kanya nang sabihin ko iyon sa ika-limang beses. Kanina niya pa ako tinititigan at walang segundo na iniwas niya ang kanyang mga mata sa aking mukha. Hindi ako makakilos ng maayos. Ni paglunok ay hindi ko magawa dahil sa kakaibang dulot ng titig niyang iyon.
"Did you go for a beauty rest? Is that the reason why you left?" Pagtatanong niya na narinig ko na rin kanina.
Batid kong natanong niya iyon dahil sa nakita niyang itsura ko ngayon. Hindi ko siya masisisi, talaga namang maganda ako 'no? Pero hindi ako sigurado kung dapat ko ba iyong ipagmayabang sa kanya dahil una, hindi naman talaga dapat na makita niya ako sa ganitong itsura.
"A-Ano kasi.." ngumuso ako at pilit kong tinabon ang buhok ko sa aking mukha. "Nag.. si ano kasi.. si ate.. bumili ng Eskinol. Hehe.."
Hinawi niya ang buhok ko. "What's Eskinol?"
Iniwas ko ang mukha ko. "'Yun bang pang-linis ng mukha. Eskinol.. 'yung pampaputi at pang-alis ng pimples.. G-Ginamit ko kasi 'yon. Kaya.."
Napatango-tango siya. "I think you're beautiful before. But that Eskinol makes you look like a fairy princess."
Eww. Fairy Princess? Yak.
Ngumiwi ako at tumingala sa kalangitan. Mahinang pagpatak na lang ng mga tubig-ulan ang bumabagsak mula roon. Nakasilong kami ni Ryker sa bubong sa unang palapag habang nakaupo sa tuyong semento. Natuyo na rin ang mga mga buhok namin na kanina'y basang-basa. Samantalang ang mga suot naman namin ay talagang hindi basta-basta matutuyo kaya't pareho kaming balot ng lamig.
"Don't worry I texted my driver, and he's approaching. We'll get change in my place." Aniya.
Napalingon naman agad ako sa kanya."Ha?"
Tumango siya ng seryosong sa akin. "You'll stay in my house for tonight, Nana. I'll just send you home tomorrow morning.. or not."
Napaawang ang labi ko. "Ayaw ko nga! Wala naman akong dalang pamalit ng damit. Uuwi na lang ako mag-isa."
Isa pa, sa ganitong itsura ko? Baka may manghinala sa akin at baka makilala ako ng mga tauhan niyang nagbabantay doon. Kahit pa hindi ako siguradong kilala nila ang mukha ko ay hindi dapat ako pakampante.
Nagsalubong ang kilay niya. "No. I already texted them to get you clothes, so you don't have to worry about that."
Umiling-iling ako. "Hindi pwede, Ryker. Kailangan kong umuwi sa amin."
Matagal niya akong tinitigan. "Why can't you stay overnight at my place? Just call or text your parents and let them know." Giit niya. "Besides, you owe me big time, witch."
Nalukot ang mukha ko at akma nang tatayo. "Bahala ka uuwi na 'ko--"
Hinatak niya ako pabalik sa pag-upo at inipit ang aking leeg sa pagitan ng kanyang braso. Sinubsob niya ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.
"No way. You're going nowhere, Nana." Yinakap niya ako ng mahigpit. "You'll stay with me tonight because I missed you. You've been gone in a week. I won't let you go without anything will happen to us tonight. I want more than a kiss."
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na pilit tiningala ang ulo ko sa kanya. "A-Anong?" Hinampas ko ang dibdib niya. "At anong gusto mo? May mangyari sa'tin? Nahihibang ka na yata!"
Tumaas ang sulok ng labi niya at marahang tumawa. Ngingiti niyang dinampi ang kanyang labi sa aking noo ng dalawang beses. Mariin ko namang nakagat ang ibaba kong labi.
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Action*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...