CHAPTER 28

954 104 10
                                    

CHAPTER 28

MAAGA akong nag-ayos ng sarili para sa pagpasok sa akademya. Mas ginaganahan akong pumasok dahil kay Ryker. Kaunti pa, maisasakatuparan ko rin ang mga hakbang na gusto kong tahakin.

Nagsuot ako ng huniporme at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha upang matapalan ang orihinal kong itsura. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin habang tinatali ang aking buhok sa mataas na pony tail.

Subalit natigil lamang ang ginagawa ko nang may sunod-sunod na kumatok sa silid ko. Napatingin ako sa pintuan at napakunot ng noo.

Evie?

Ano na namang ginagawa ng babaeng 'yon dito?

Nakangiwi akong naglakad patungong pintuan saka pabuntong-hininga na binuksan iyon. Ngunit sa halip na si Evie ang makita ko ay bumungad sa akin ang bungkos ng bulaklak! Kulay pulang rosas iyon at talagang gano'n kalalaki. Unti-unti akong napatingala sa may hawak niyon at nakita si Ryker na sobrang liwanag ng mukha.

"Flowers for my girlfriend!" Sobrang laking ngiti niyang sabi. "Good morning."

"A-Ah.." Napaawang ang labi ko at napalunok. "Ryker, anong.. anong ginagawa mo rito?"

"I told you, susunduin na kita palagi." Inabot niya pa sa'kin ang bulaklak. "Here, take this."

Napapakurap ko iyong kinuha. Naamoy ko kaagad ang bango no'n. "Ang bango nitong mga rosas.. akala ko wala silang mga amoy."

Tumawa siya ng marahan. "Not all roses have a smell. But of course, I chose the fragrant one just for my girlfriend.. just for you."

"Sus!" Tumawa ako. "Salamat! Nag effort ka pa talaga."

"Tsk! That's effortless. Wait till I show you what's the real effort I could give." May pagmamalaki niyang sabi.

Napailing-iling naman ako. "Sige, ipasok ko muna 'to sa loob. Kunin ko lang din ang bag ko."

"Sure."

Hinayaan kong bukas ang pinto habang inilagay ko sa kama ang bouquet na mga rosas. Hinanap ko ang bag ko sa loob ng silid at halos abutin ng dalawang minuto bago ko napagtantong naiwan ko nga pala iyon sa school kahapon dahil nag cutting classes kami ni Ryker. Nakangiwi akong lumabas ng silid ko at ni-lock ang pintuan.

"Tara na!" Anyaya ko kay Ryker at nagpaunang maglakad.

"Where's your bag?" pagsunod niyang tanong sa akin.

"Naiwan ko sa school."

Kaagad siyang sumabay sa akin at humawak pa sa kamay ko. Napatingin ako roon at napatingala sa kanya saka tipid na ngumiti. Nakagat naman niya ang ibabang labi at pinamulahan ng pisngi. Ngumuso pa siya para mapigilan ang mapangiti.

"So," aniya. "Where do you want to date later after school?"

Tiningala ko siya at kinunutan ng noo. "Date ulit? Nag date naman na tayo kahapon."

"Kahapon is different from today." ngumuso pa siya.

"Eh? Dapat bang araw-arawin?"

"Yes!" agap niya. "Para everyday may kiss."

Natigilan ako sa sinabi niya at mabilis na nahampas ang braso niya. "Ewan ko sa'yo!"

Binawi ko ang kamay ko at kinikilabutang nagpaunang maglakad. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa likuran.

Susme! Mas bata sa akin si Ryker. Kaedaran niya lang ang kapatid ko!

Mas kinikilabutan ako. Shoot!

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now