SPECIAL CHAPTER

1.1K 108 87
                                    


SPECIAL CHAPTER

COLBY'S POV

"Nak, bakit 'di ka pa bumabangon? May klase ka, hindi ba?"

Nakatulala ako sa kisame, hindi ko pinansin si mama. Ilang segundo lang ay hinatak na niya ang kumot ko.

"Colby! Ano ka ba naman? Nalalapit ka na ba sa hukay? Bumangon ka nariyan at maligo!"

Tumagilid ako ng higa at tinakpan ang aking tainga gamit ang unan. "Ayaw kong pumasok, Ma."

"Ano?! Bakit? May sakit ka ba? Anong nangyayari sa'yo? Nung isang araw pa kita napapansin na malamya! Para kang bading kung mag-inarte diyan."

Nalukot ang mukha ko at napanguso. Napatulala ako sa maliit na orasan. Isang oras na lang at magsisimula na ang klase. Pero heto ako, lantang gulay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"What the heck is happening to me, Ma!" napatihaya ako ng higa at muling napatulala sa kisame.

Hinampas ako ni mama ng unan. "Nireregla ka na naman ba?"

Sumama ang mukha ko at tamad na tamad na umupo sa kama. "Ayaw kong pumasok. Hindi ako papasok ngayon. O kahit bukas. Pati sa susunod na araw."

Hinarap niya ako nang nakapamaywang. "Dahil ba sa matapobreng si Damon? Ano na namang ginawa sa'yo ng batang 'yon?"

Napasimangot ako ng malaki. "He's not exactly the reason.. but,"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Naupo si mama sa tabi ko upang tusukin ang tagiliran ko. Binigyan niya ako ng nanunuksong tingin.

"Dahil ba kay?" humagikhik siya. "Umamin ka nga? Siguro'y umiibig ka na, ano?"

"Stop that, Ma!" Napaseryoso ako. "It's not what you think."

"Aba, aba! Alam na alam ko 'yang pa-ganyan-ganyan mo! Simula nang magpunta ang dalagita na iyon ay tumamlay ka na at laging tulala!"

Kinabahan ako at sunod-sunod na umiling. "Hindi nga."

"Ay sus, ginoo!"

Napailing-iling siya at saka tumayo. Napayuko naman ako sa tiles na sahig saka napalunok. Tila pinipiga ang bahagi sa loob ng dibdib ko. Hindi ko matukoy ang eksaktong dahilan. Nawawalan ako ng ganang kumilos magmula pa noong nakaraang linggo. Ngunit batid kong.. May kinalaman iyon kay Nana.

Kahit anong tanggi ko sa sarili, marinig ko lang o kahit maalala ang pangalan niya.. nauubusan ako ng hininga.

"Pumasok ka ngayong araw, Colby. Para makita mo si ano." nginisihan ako ni mama. "Si Nana."

Napalanghap ako ng hangin at napabuga. Pero seryoso na ayaw kong pumasok. Bukod sa tinatamad ako, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Pumasok ako ng banyo para mag-shower. Katatapos lang ng exam, paniguradong ngayon ang bigayan ng mga resulta. Sa katunayan, hindi ko na maalala ang mga pinagsasagot ko sa mga test papers. Ngayon lang ako hindi naging sigurado sa kahahantungan ng mga scores ko. Halos hindi ko na rin maalala ang mga pinag-aralan ko noon. Ano ba namang laman ng utak ko ngayon? Puro na lang siya..

Natapos ako sa paglinis ng katawan. Nakatapis lang ako na lumabas ng kwarto ko upang punatahan si mama sa wardrobe room. Hinahanda na niya ang mga uniform namin.

"Nak, padala na lang sa kwarto ni Damon itong uniform niya." aniya.

Pabuntong hininga kong kinuha ang plantsadong uniform ni Ryker. Palibhasa'y tamad bumaba ang isang 'yon. Lahat na lang inuutos. Uupakan ko rin 'yon kapag naka-graduate ako.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now