CHAPTER 23"NANA! PWEDE raw bang makuha ang cellphone number mo?"
Napahinto ako sa pagsusulat sa aking notebook nang tanungin iyon sa akin ni Chloe. Nakatayo siya sa harapan ng upuan ko kaya't tiningala ko siya saka kinunutan ng noo.
"Number ko? Sino nanghihingi?" Kunot-noo kong tanong.
Napakamot siya sa kanyang batok at tumuro sa back door. Napalingon naman ako roon at nakita ang tatlong estudyanteng lalaki na nakadungaw sa akin. Kumaway pa ang isa habang ang dalawa'y todo ang pagkakangiti.
"Taga kabilang section 'yan. Gusto raw makuha ang number mo para maging text mate kayo." Dagdag pa ni Chloe sa akin.
Napangiwi ang labi ko at muling tumingala sa kanya. "Bakit raw gusto nilang makuha number ko?"
"Syempre! Mukhang may gusto na sila sa'yo."
"Eh?"
Nalukot ang mukha ko. Sa ganito kong itsura ay magugustuhan pa ako ng iba? Buhok lang naman ang binago ko sa akin, noong pinaayos ko ang pagkakakulot. Pero ang pangit na kolorete sa mukha ko ay naroon pa rin naman sa mukha ko. Hindi nga lang gano'n kalala pero sapat na para mabago ang mukha ko, tulad pa rin nung dati. Ngunit hindi ko aakalaing may iilan talaga ang napapatingin sa akin at mayroon pang nanghihingi ng number ko.
"Ang ganda-ganda mo kasi nung acquaintance party, 'yan tuloy mukhang may mga gusto nang manligaw sa'yo!" Pagsasalita muli ni Chloe.
Napalabi ako. Dalawang araw lang ang nagdaan pagkatapos ng acquaintance party. Lunes ngayon at simula na ng pagre-review ng mga lessons sa lahat ng subjects dahil next week na ang unang examination namin.
"Nana, bigay mo na ang number mo, kanina pa sila naghihintay doon."
Napabuntong hininga ako at umiling kay Chloe. "Paki sabi sa kanila na wala akong cellphone."
"H-Ha? Wala kang cellphone?"
"Mm, mahirap lang kami, hindi ko afford ang bumili."
"A-Ahh.. gano'n ba?" Nakamot niya ang sariling batok. "Sige, sasabihin ko sa kanila."
Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis. Muli kong tinuloy ang pagsusulat sa kwaderno ko, subalit maya-maya lang ay bumalik muli si Chloe at may inabot sa akin. Napatingala ako sa kanya at napatingin sa inabot niyang cellphone. Nalukot naman ang mukha ko roon.
"Ano 'to?" Lito kong tanong.
"A-Ano eh.. binigay ng isa sa kanila ang cellphone na 'yan. Sabi niya gamitin mo raw 'yan para matawagan ka niya." Napapakamot sa batok niyang paliwanag.
Napaawang ang labi ko at gulat na lumingon sa back door kung nasaanang tatlong lalaki. Todo ngiti pa rin sila habang kumakaway.
Napairap ako at padabog na tumayo. "Argh, mga bata!"
Pinalilibutan ako ng mga lalaking mas bata sa akin! Nakakakilabot na. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pinangarap na magkaroon ng kasintahan na mas bata sa akin. Madalas nga akong nagkakagusto sa mga matatanda sa akin, dahil mas matured sila at may plano na sa buhay. Hindi gaya ng mga ito na puro pa-cute at pa-kilig lang ang alam.
"Hi, Nana! Jake nga pala.."
Nagpakilala kaagad ang isa nang lapitan ko sila sa back door. Napapangiwi akong napapailing at nilahad ang cellphone.
"Sino nagbigay nito?" Masungit kong tanong.
Tumayo ng tuwid ang isa at lumapit sa akin nang may malaking ngiti. "Me! H-Hi Nana, I'm Luke."
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Action*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...