CHAPTER 34

843 95 9
                                    

CHAPTER 34



NAPATIGIL ako sa pag kain ng pasta sa gitna ng hapag-kainan nang maramdaman ang titig ni Ryker sa akin. Binalingan ko siya ng paningin at tinaasan ng kilay. Hindi naman nawala ang matamis niyang ngiti.

"What?" Usal niya.

"Anong what? Kanina ka pa diyan nakatitig sa'kin. Hindi mo pa nga nagagalaw ang pagkain mo." Kulubot ang noo kong sabi.

Marahan siyang napatawa. "Don't mind me, babe. I'm just amazed by you. Kain ka lang.."

Napaasik ako at muling pinaikot ang tinidor sa pasta saka patuloy na kumain. Ginalaw naman niya ang pagkain niya at paminsa'y kumakain. Ngunit mas lamang pa ang atensyon niya sa akin kaysa sa pagkain.

"So.." tumikhim siya. "Simula ngayon.. dito ka na titira, ah? I already told them to arrange a room for you.. and even told them to bought clothes that would fit you. And anything else you needed."

Nabibilaukan akong bumaling sa kanya. "A-Agad? Seryoso? Ang bilis naman. T'saka, bakit ka pa nagpabili ng mga damit? Pwede naman muna akong umuwi sa amin at kunin ang iilang mga gamit ko."

Ngumuso siya at napaisip. "That's a good idea though, sasama na rin ako sa inyo to make sure you'll be staying here with the consent of your parents."

Oops.

"Um,," napakurap ako. "Hindi mo na kailangang sumama. Ako na'ng bahala at magpaalam sa kanila."

Kumunot ang noo niya. "Well? I also want to meet them. Have you already told them about me? About our relationship?"

Napaawang ang labi ko at napapekeng tumawa. "O-Oo naman, haha.. Na.. Nakukwento kita sa kanila.. minsan.."

Napangiti siya ng malaki. "Alam na nila? What they say about me? Goodness, I'm excited to meet them in person! I want to make a good image so they'll like me." Hinawi niya ang buhok niya.

"Ahehe.." awkward kong tawa at wala sa sariling napasubo ng pasta nang sunod-sunod.

Shoot. As if namang makikilala mo sila, Ryker! Ngayon, kailangan ko na namang ibahin ang atensyon mo nang makalimutan mo ang mga sinabi ko.

"Eat slowly," marahan niyang inalis ang mga hibla ng buhok kong tumatabon sa aking mukha. "You wanna eat the whole plate too, huh?"

Napahinto ako sa pag kain at nginuya iyon nang tahimik. Pagkatapos ay binalingan ko ang pagkain niya. Wala pa iyon sa kalahati.

"Tsk! Kung ubusin mo na rin kaya ang pagkain mo?"

Umayos siya ng upo at sandaliang tiningnan ang pagkain niya saka muling tumingin sa akin nang may nagalalarong ngiti sa labi.

"Subuan mo 'ko, babe." Deretso niyang sabi.

Bahagya akong nabigla at nalukot ang mukha. "Ano? Baliw ka ba?"

Humalakhak siya. "Why? Subuan lang e, Hahahaha!"

"Tsk!"

"All girlfriends do that to their boyfriends."

"Pati ba naman pag kain, hahaluan ng kaharutan?"

"It's called sweetness."

"Bahala ka diyan."

"I won't eat then." sumimangot siya.

"Edi 'wag."

"Tsk! You're so mean!" sumandal siya sa upuan at nagpakrus ng braso. "Naglalambing lang naman ako e."

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now