CHAPTER 20HINDI pa sumisikat ang araw nang biglain ko ang pagpunta sa mansyon ng mga DeCavalcante. Sa kadahilanang hindi ako nilubayan ng kuryosidad ko buong magdamag.
"Anong--"
Tinutok ko ang baril ko sa noo niya nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Sandali pa siyang natigilan subalit nawalan din ng emosyon. Ipinagdikitan ko ang baril ko sa noo niya. Lahat naman ng mga tauhan ng DeCavalcante ay tinutukan din ako ng baril. Hindi ko iyon pinagtuuan ng pansin. Blangkong emosyon akong nakipagtitigan sa babaeng DeCavalcante habang tutok pa rin sa kanya ang baril.
"Put your gun down! Now!" Malakas na sigaw ni Fenriz DeCavalcante. Matalim at galit na tinutukan din ako ng baril.
Hindi ko rin siya pinansin at nanatiling nakatuon sa babae, na nanatili ring walang emosyon. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Napadalaw ka?" Aniya, binalewala ang posisyon naming dalawa.
"Paano mo nalaman?" Seryoso kong tanong. "Ang tungkol kay Evie."
Hindi agad siya nakatugon nang lumapit si Fenriz DeCavalcante habang hindi inaalis ang pagakakatutok ng baril sa akin.
"Fenriz, ibaba mo 'yan." Mahinahong utos ni Mei Mei.
"No." Tanggi nito, nasa akin ang matalim na paningin niya. "Put your gun down first, Naziena."
Nginisihan ko siya at binaba ang baril ko saka hinagis iyon sa semento. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kanyang baril subalit galit pa rin na nakatitig sa akin. Ibinaba rin ng kanilang mga tauhan ang mga armas.
"Ngayon," pagsasalita ko at binalingan ang babae. "Mei Mei? Paano mo nalaman ang tungkol kay Evie?"
"Iyon ba ang pinunta mo rito, umagang-umaga?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.
"'Wag mong tanungin ang tinatanong ko sa'yo. Hindi 'yon ang gusto kong marinig sa'yo." Seryoso kong tugon.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Huwag mo ring pangunahan ang gusto kong itugon sa'yo. Ikaw ang nangangailangan ng kasagutan, hindi ba?"
Nginisihan ko rin siya. "Mukhang hilig mo atang magpaligoy-ligoy? Kailangan ko ng sagot. Hindi tanong sa nauna ko nang tanong."
Matagal kaming nagkatitigan at nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Kung hindi pa humarang si Fenriz DeCavalcante ay baka masundan ang sagutan naming dalawa. Galit man ang itsura ni Fenriz ay kalmado siyang nagsalita sa akin.
"Hindi naging maganda ang bungad mo, Naziena." Seryosong aniya. "I didn't like you pointing a gun at my wife." Mariing aniya.
Lalo akong napangisi. "Mag asawa pala kayo? Edi sana sinabi mo agad para sa'yo ko na lang itinutok ang baril."
Lalong sumama ang mukha niya. "Get out of here."
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "I didn't want to come here in the first place. Dahil hindi ko alam kung kayo ba'y mapagkakatiwalaan ko. Pero dahil curious ako.." sinulyapan ko si Mei Mei sa likod niya. "Kung paano nalaman ng asawa mo ang tungkol sa pagtraydor ng pinsan ko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng babae saka bahagyang itinulak si Fenriz DeCavalcante upang maharap ako. Seryoso kaming nagtitigang dalawa.
"Inaasahan naman namin na darating ka para alamin ang tungkol sa bagay na 'yon." Aniya. "Pero hindi namin nagustuhan ang ibinungad mo. Lalo't naistorbo mo ang pagtulog namin."
"Mabuti na ang nag-iingat." Napaasik ako. "Desperada na ako ngayon, Mei Mei. And I don't fully trust you. Kung ang mismong kamag-anakan ko nga ay hindi ko mapagkakatiwalaan, kayo pa kaya?"

YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Acción*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...