CHAPTER 30
"I said what I said!" Pagsigaw din ni Colby pabalik.
Napasinghap ako ng hangin. Ganoon katindi ang emosyon ni Ryker nang dahil lang sa sinabi ni Colby. Hindi ko maipaliwanag kung bakit siya gano'n kaapektado na bakas na bakas sa kanyang mukha! Nagawa niya akong ilagan at mabilis na kinuwelyuhan si Colby saka inihampas sa pader!
"You're fucking son of bitch, asshole!" Galit niyang mura sa mukha nito!
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Ginamit ko ang buong pwersa ko para itulak siyang muli palayo kay Colby. Subalit ayaw niyang magpaawat kaya't nabigo akong matulak siya. Nagpapalitan sila ng matalim na titigan ni Colby!
"Ryker, ano ba! Bitiwan mo siya." Madiin kong sabi at pilit inaalis ang kamay niyang nakalukot sa kwelyo ni Colby.
Hindi niya pa rin ako binalingan, ngunit sa halip ay malakas niyang hinila si Colby para ibato ito sa semento! Dahilan upang bumagsak siya roon at mapaupo. Napaawang ang labi ko at mabilis na nakalapit sa kanya upang maalalayan siya.
"Colby!" Nag-aalala akong yumuko sa kanya.
"I'm okay," agaran niyang sabi.
Tiningala niya ako at pinunasan ang namuong dugo sa gilid ng kanyang labi, buhat ng pagkakasapak ni Ryker kanina. Mariin ko namang nakagat ang ibaba kong labi at mariing napapikit. Saka ako nagpakawala ng marahas na hininga at umayos ng tayo para balingan si Ryker.
Subalit hindi kaagad ako nakapagsalita nang makitang nakatitig na siya sa akin. Naroon ang emosyon sa mga mata niya at nahuhuli ko pa ang minsang paggalaw ng panga niya. Bumaba ang paningin niya kay Colby at muling tumitig sa akin. Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya kasabay ng pag-iwas niya ng paningin.
Muli akong nagpakawala ng hininga at binalingan naman si Colby na dahan-dahang tumatayo. Inalalayan ko siya at hinarap. Bahagya niya akong niyuko upang magtama ang paningin naming dalawa. Napatingin pa ako sa sugat ng kanyang labi bago magsalita.
"Colby, mauna ka na munang umuwi." Nakikiusap kong sabi. "I need to calm him down."
Matagal siyang tumitig sa akin. Bumuka ang bibig niya at may gustong sabihin subalit nauwi lang iyon sa pagbuntong-hininga. Umiwas siya ng paningin at dahan-dahan na lamang na tumango ng dalawang beses.
"Go home safely, please?" Sabi ko pa.
Muli siyang tumitig sa akin ng sandali at nabigong ngumiti. "I will."
Dahan-dahan siyang tumalikod. Pinanood ko naman siyang humakbang palayo sa akin, hanggang sa makababa siya ng palapag at tuluyang maglaho sa paningin ko. Nagpakawala ako ng hininga. Mula sa corridor ay tinanaw ko siyang naglalakad palayo sa gusaling kinaroroonan namin.
"Can't stop looking at him, Nana?"
Napasinghap ako ng hangin at agarang napaharap kay Ryker dahil sa pagsasalita niya. Napalunok ako nang muling matitigan ang emosyon sa mukha niya, hindi iyon nagbago magmula kanina.
Tumuwid ako ng tayo at bahagyang lumapit sa kanya. "Ry--"
"Why the fuck were you with him?" Naghalo-halong emosyon niyang tanong.
Lumunok ako. "M-May pinuntahan lang kami ni Colby."
"May pinuntahan kayo? Where the fuck could it be, huh? On a date?" Tumalim ang pagkakatitig niya sa akinq.
Nagsalubong ang kilay ko at napamaang. "Ano?"
Umigting ang panga niya. "I've been waiting for you, Nana! The whole fucking day, I'm worried about you! You're not answering my calls even my texts! I'm fucked up! And now knowing you spent the day with him?" Bumilis ang paghinga niya sa paglukso ng galit. "W-What did you two do? Where the fuck did you went?"
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Action*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...