CHAPTER 47

869 95 5
                                    

Note: Typos and errors ahead!

CHAPTER 47

"NANA, iha? Dios mio, Nana!"

Bumungad sa akin si tita Teresa pagpasok ko pa lamang sa mansyon ng mga DeCavalcante. Nanlalambot ang aking mga tuhod habang nakasandal ang aking katawan sa malaki nitong pintuan. Tuyong-tuyo ang aking bibig at lalamunan. Tagaktak ang pawis ko sa buong katawan, hinihingal akong dahan-dahang napaupo sa malamig na sahig ng mansyon.

Nagsipagtakbuhan ang mga tagapagsilbi patungo sa akin nang may pagmamadali. Kaagad nila akong inalalayan patayo at inakay. Maging si tita Teresa ay nagkandaugaga sa pagtakbo upang akayin ako.

"Anong... nangyari? Nanghihina ka--galing ka sa hospital?!" Nagugulat niyang tanong habang nakatingin sa aking kasuotan. "Dios ko! Anong nangyari sa'yo, Nana..."

"Tubig." Tangi kong nasambit sa sobrang pagkauhaw.

"Tubig? Kumuha kayo ng tubig! Dali!" Madali niyang utos. Kaagad na nagsipagtakbuhan ang mga babaeng tagapagsilbi, at ang iba nama'y patuloy sa pag-alalay sa akin hanggang sa madala nila ako sa sofa.

"Hm!" Nanakit ang tiyan ko nang mamali ako ng pag-upo at maipit iyon.

"Anong nangyari, Naziena? Saan ang masakit? Ang putla-putla mo!" Natatarantang tumabi sa akin si tita Teresa, kasabay ng pagpunas niya ng malambot na lampin sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan. "Sobrang nag-aalala ako sa'yo, napano ka na ba!? Nanggaling ka sa hospital, anong nangyari?"

"Si F-Flencher.." Mahina kong usal na tugon. Namamaos ang aking boses, maikling salita pa lang ay pawang mawawalan na ako ng hininga.

Sandali siyang tumigil, hindi nabago ang reaksyon. Patuloy niyang pinupunasan ang aking katawan. Tumatagaktak parin ang aking pawis at bakat na ang aking katawan sa nipis ng aking suot. Nang mapansin naman niya iyon ay agaran niyang hinubad ang mahaba niyang dyaket upang isuot iyon sa akin.

Nang dumating ang isang babae na may dala ng tubig ay agaran ko iyong tinungga nang walang pakundangan. Hingal na hingal ko iyong binalik nang matapos.

"S-Salamat.." Napahawak ako sa aking lalamunan at muling bumaling kay tita Teresa. "Pasensya.. n-nadakip ako ng mga tauhan ni Flencher--hm!" Napadaing ako'ng bigla sa labis na pagkirot ng aking tiyan! "S-Shit! Ang sakit.."

"Naziena! Anong masakit!" Mahigpit siyang napahawak sa akin nang maglikot ako sa sofa.

"Ah!" Mas lalo akong napadaing sa sakit at pagkabigla nang sumulpot sa gilid ko ang pamilyar na babae. Si Mei! Hinawakan niya ang kaliwa kong braso at mabilis na tinurok roon ang malaking karayom sa hiringgilya.

"Pangpawala ng sakit, Naziena." Walang emosyon niyang sabi at tinitigan ako sa mga mata.

"Mei.." lumunok ako at hinihingal na napahawak sa kaliwa kong braso. "A-Anong tinurok mo?"

"Droga."

"Ilegal?"

"Gaya lang ng noon kong binigay sa'yo. Ilang minuto lang ay huhupa na ang sakit na iniinda mo." Bumaling siya sa mga tagapagsilbi. "Buhatin niyo si Naziena, dalhin sa clinic. At tawagan niyo ang doktor."

Hindi na ako gumalaw nang buhatin ako ng isang hindi kilalang lalaki, patungo sa nasabing lugar. Maingat akong inihiga sa malambot at malinis na kutson. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan mula sa sakit ng aking katawan. Naninigas ang aking binti dahil sa haba ng nilakad ko patungo rito.

Mariin akong napapikit at iminahinga ang aking sarili sa malambot na unan. Sinabayan ko ng paghinga ang bilis ng pintig ng aking puso. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng halos ilang minuto. Habang pinapakiramdaman ko sa aking gilid si tita Teresa na patuloy sa pagpunas ng aking mga pawis.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now