CHAPTER 35

825 104 8
                                    


CHAPTER 35

"CAN I sleep here with you again tonight?" Malambing na tanong sa akin ni Ryker.

Napatawa ako at sinuklay ang buhok niya habang pareho kaming namamahinga sa kama. Hindi na naalis ang mga braso niya na nakapulupot sa aking baywang.

"Dito ka na matulog nang umayos ang pakiramdam mo." Tipid ang ngiti kong tugon.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Thank you. I'm feeling okay now."

Sandaling katahimikan ang nanaig. Patuloy kong sinusuklay ang buhok niya at nakikita kong nagugustuhan niya iyon.

"Ryker.." hinawakan ko ang pisngi niya. Nag-angat siya ng paningin sa akin at nagsumiksik sa aking leeg.

"Hmm?"

"Alam mo.. Pwede ka mag kwento sa akin.. Madami rin akong gustong malaman tungkol sa'yo. Hindi kita gano'n kilala.. wala akong ideya sa ibang mga bagay tungkol sa'yo. Kaya magiging masaya ako kung magkukwento sa 'kin."

Suminghap siya ng hangin at naramdaman kong inamoy ang aking leeg. Saka lamang muling nag-angat ng paningin sa akin at umayos ng pagkakaupo sa kama. Ganundin ako at mataman siyang tinitigan. Tumingala siya sa kisame na wari'y may inaalala.

Ilang sandali pa siya sa ganoong posisyon. Nagpakawala siya ng isang mabigat na hininga saka muling bumaling sa akin nang may pilit na ngiti. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at yumuko ng tingin doon.

"I might scare you.. If I say that my father is brutal as hell." Mahina niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ko at tinuon ang buo kong atensyon sa kanya. "Sa paanong paraan?" Painosente kong tanong.

Lumunok siya, hindi ako matingnan. "I-I don't really know.. but he's too powerful and secretive. I-I really can't tell you.. you might be scared of me as well if I'd tell you about him. B-Baka layuan mo pa ako.."

Hinawakan ko ang kamay niya at sinilip ang mukha niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Dahan-dahan niyang sinalubong ang mga paningin ko at matagal na binasa ang mga mata ko. Nakikitaan ko pa rin ng takot at pagkabahala ang mukha niya. Mukhang hindi komportable sa takbo ng usapan namin.

Bumuntong hininga ako at pinilit ang ngumiti. "Sige na, 'wag mo na lang sabihin sa'kin kung ayun ang sa tingin mong tama. Magpahinga na tayo."

Nawalan siya ng imik at nagdadalawang isip. Inayos ko naman ang pagkakakumot sa amin at inayos din ang malambot na unan. Pinatay ko ang ilawan sa ibabaw ng lamesa kalapit lamang ng kama. Akma na sana akong mahihiga nang muli siyang magsalita.

"Promise me that whatever I'm gonna tell you, it won't affect our relationship." Seryoso niyang sabi.

Napatingin naman ako sa pinky finger niyang pinakita sa akin na para bang hinihingi ang pangako ko. Walang pag-aalinlangan ko iyong pinatulan.

"Promise!"

Ngumiti siya ng sinsero. Niyakap niya ako at agad ding pinakawalan. Bumuntong-hininga siyang nagsalita.

"You see.. I already told you before that my mother passed away after giving birth to me, right?" Tumango ako. "And.. I grew up pretty lonely. I grew up with the hands of my father and his brutality."

"Tuwing naaalala ko siya," dagdag niya at tumingala sa kisame. "He always wears dark clothings, laging may hawak na alcohol and cigarettes. Sometimes.. I-I saw him with different guns."

"Guns?" Kunwari'y ngunot ko. "Policeman ba father mo?"

Bumaling siya sa akin at seryosong umiling-iling. "No. He's not. He's so far from that." Bumuntong hininga siya. "Before, I find it cool whenever he's holding a gun. I thought he was like a hero or something. Sinabi ko pa, na gusto kong maging katulad niya balang araw... That's bullshit. I never want to be like him anymore. He's an asshole! But I love him sometimes as a father though.."

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now