CHAPTER 24"I-Iha! Kanina ka pa nandiyaan? Nagugutom ka na ba? Naku s-sandali lang! Pasensya na!"
Ganoon ang gulat ko nang makita ako ng matandang babae na nakatayo sa harapan ng dirty kitchen. Natataranta siyang kumilos habang napapalunok naman akong napaawang ang labi, 'pagkat hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Colby. Na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata na nabaling ang paningin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at ganoon na lamang ang gulat sa isa't isa.
"N-Nana?"
Napasinghap ako ng hangin. "A-Ah.. Ano.. H-Hi Colby.."
Pinilit kong umakto ng normal sa kabila ng pagsiklab ng emosyon ko habang nakikita siya sa ganoong kalagayan.
"A-Anong.." bahagyang namutla ang mukha niya. Bakas pa rin ang gulat at pagka-taranta.
Lumunok ako at pilit na ngumiti ng matamis. "Hi Colby! N-Nandito ka pala!"
Napapalunok siyang umatras at natitigilan. "P-Pero.. anong ginagawa mo rito?"
Mariin kong nakagat ang ibang labi saka ngumiti pa rin ng matamis. Nanlalamig na mga binti akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ng matandang babae na ngayon ay nabaling ang atensyon sa aming dalawa.
"Anak? Iha? Magkakilala kayo?" Tanong niya sa mababang boses, panay ang palitan ng tingin sa amin.
Mabilis kong nilahad ang malamig kong kamay. "Ah, hello po! Ako po si Nana, classmates ho kami ni Colby."
Sandali siyang natigilan at saka unti-unti ring napangiti sa akin. Akma niya sanang ilalahad ang kanyang kamay ng pigilan niya iyon.
"P-Pagpasensyahan mo na iha, marumi ang kamay ko." Nakangiti man ay nahihiyang paumanhin niya.
Naittanggi ko kaagad ang kamay ko. "Hala, ayos lang po! Hehe, pasensya na ho!"
Matamis siyang ngumiti kahit halata ang pagod sa itsura. "Ang ganda-ganda mo namang dalaga, iha."
"S-Salamat po.."
Sumulyap ako kay Colby na hindi maipaliwanag ang emosyon sa mukha. Nakatitig siya sa akin at napapalunok na nag-iwas ng paningin. Muli kong napagmasdan ang madungis niyang kasuotan at bahagyang nakaramdam ng awa. Iniwas ko kaagad ang paningin saka bumaling sa matandang babae.
"K-Kayo ho ba ang mama ni Colby?" Nahihiya kong tanong.
Natauhan siya. "Ay! Pasensya na, nakalimutan kong magpakilala, iha. Tawagin mo na lang akong tita Terasa, at oo, anak ko itong gwapong binatilyong ito!"
Mahina siyang tumawa at bumaling kay Colby upang kurutin ang pisngi nito. Natigilan si Colby at bumakas ang hiya na yumuko.
"Ahehe.. Ang cute naman po.. nagagalak ho akong makilala ka.."
Pinilit kong umaktong normal para hindi makaramdam ng hiya si Colby. Subalit halatang naiilang siya at hindi makatingin sa akin.
"Iha, gusto mo ba ng brownies? Ininit ko muna iyon sa oven dahil hindi pa tapos ang niluluto ko.." umaasa niyang alok sa akin. "B-Baka kasi nagugutom ka na at.."
Ngumiti ako ng malaki. "Hala, tita, ayos na ayos na po iyon sa'kin. Hindi niyo na ho ako kailangan lutuan ng ibang pagkain. Mabubusog na ako sa brownies."
Natigilan siya. "P-Pero, iha, sigurado ka? Ah hindi! Magluluto pa rin ako para ihanda sa inyo ni Damon."
"Naku, tita, ayos na po 'yon! Hindi rin naman po ako magtatagal dito. I-Ipahinga niyo na lang ho ang sandaling oras.." napalunok ako. "Narinig ko ho kasi na napapagod na po kayo.."
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Aksiyon*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...