CHAPTER 18HINDI ko natapos ang buong araw sa paaralan. Nakahanap kaagad ako ng lusot para makatakas sa pag-aayos sa gym. Dahil abala sila sa loob ay walang nakapansin ng pagtakas ko. Maging sina Ryker at Colby ay hindi na ako namalayan. Mabilis man ay hindi kahina-kahina akong kumilos para maligaw ang lalaking kanina pa nakamasid sa akin. Habang todo iwas ako sa iilang cctv camera ay para namang wala lang sa kanya 'yon at patuloy pa rin sa paghahanap sa akin.
Ang tigas ng mukha! Sa loob pa talaga ng paaralan niya ako sinusundan!
Alam kong kinakailangan ko nang magtago, subalit mas pinili kong pumunta sa canteen kung saan maraming estudyante ang nagkalat. Nakihalubilo ako sa isang grupo na hindi ko naman kakilala at nakiupo sa table nila. Mabuti't hindi na lang nila ako pinansin. Tinanaw ko pa sa pintuan ang lalaki nang makitang pumasok din siya sa loob ng canteen! Naglinga-linga siya ng paningin at talagang hinahanap ako! Kitang-kita ko ang pagkalito niya at kaagad kong ini-iwas ng paningin at umaktong nakikipag-usap sa mga estudyante.
Muli ko siyang tinanaw at nakitang lumabas na siya ng canteen. Nakahinga naman ako ng maluwag at pinanood pa siyang tumakbo palayo.
"Uh, excuse me?" Naagaw ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. "I don't think you belong here."
Plastik akong ngumiti ng malaki. "Pasensya na! Haha!" Tumayo kaagad ako at umalis sa table nila.
Nag-iingat ko namang sinundan ang daang pinuntahan ng lalaki. Hindi inaasahang madadatnan ko siyang may kausap sa telepono malapit sa garden. Nagtago ako sa likod ng pader at sumilip sa kanya para pakinggan ang usapan nila.
"I lost her, dame." Malalim na tinig niya, kausap ang sa kabilang telepono. "Yes, I think she saw me.. Okay, I'll go there now."
Ibinaba niya ang telepono saka lumingon sa likuran kaya't kaagad naman akong umiwas sa pagkakasilip at tumakbo sa pinakamalapit na tao. Nakita ko si Nick na naglalakad kaya't sa kanya ako lumapit para akbayan!
"Nana!!" Nagpumiglas kaagad siya.
"Hahaha! Nick nandito ka lang pala!" Halos mahatala ang pagpepeke ko ng tawa at mas sinakal ang leeg niya. "Shh! 'Wag kang malikot!"
"A-Ah! Bruha ka!" Pilit niyang inalis ang braso ko sa leeg niya. "Bitaw!"
"Ano ba! OA!" Kinutusan ko siya na lalo niya pang kinasigaw.
Nang makita ko ang lalaki na lagpasan kami ng lakad ay saka ko lang binitawan si Nick. Pinanood ko ang lalaki na pasimple lang na naglakad sa path way. Naningkit naman ang mga mata ko. Sino ang katawagan nito?
"Ah! Nana!" Nagulat ako nang bigla akong kwelyuhan ni Nick. "Naghahanap ka talaga ng away!"
"Hehe, pasensya na." Mahigpit kong hinawakan ang kamao niya para alisin sa pagkakahawak sa kwelyo ko.
Bakas ang pagka-inis niya. "Sa susunod na gawin mo 'yon, makakatikim ka sa'kin ng suntok. Pumapatol ako sa babae, tandaan mo 'yan."
Napaikot ako ng mga mata saka tumango. Tinulak niya pa ako at inis na tinuloy ang paglalakad. Saka ako muling bumaling sa dinaanan ng lalaki. Dali-dali akong tumakbo para tahakin iyon. Naabutan ko siya sa parking lot na sumasakay ng motor. Aalis siya!
Natauhan ako at umiba ng daan. Nagtungo sa front gate at nakitang malaya iyong nakabukas. Wala rin si manong guard kaya't mabilis akong nakalabas doon. Saka ako humarurot ng takbo patungong kalsada upang pumara ng tricycle. Sakto naman nang makasakay ako ay pinapatakbo na ng lalaki ang kanyang motor.
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Ação*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...