CHAPTER 33
NAGISING ako nang makaramdam ng pananakit sa aking braso at uhaw. Kinusot ko ang aking mga mata gamit ang isang malaya kong kamay. Saka ako napabaling ng tingin kay Ryker na mahimbing ang tulog habang unan-unan ang kaliwa kong braso. Mahigpit namang nakayakap ang isa niyang braso sa akin.
Shoot. Nangalay na ang braso ko. Bakiy kasi siya pa talaga ang naka-unan sa akin.
Maingat at dahan-dahan kong inalis ang braso ko na namamanhid na. Nang mapagtagumpayan ko iyon ay pinaibabawan ko siya ng tunay na unan. Saka ko inalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Naupo ako sa kama at tiningala ang malaking orasan. Alas-tres pa lamang ng madaling araw.
Sinuot ko ang malambot na tsinelas at umalis sa kama. Walang tunog akong naglakad sa pintuan at maingat na lumabas ng kwarto. Nagmasid muna ako sa mansyon at nang walang makitang ibang tao ay bumaba ako sa hagdanan. Madali ko lang natunton ang kusina dahil pamilyar na iyon sa akin.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob para sana'y uminom ng tubig ay may nakita na akong imahe ang nagbukas ng refrigerator.
Colby?
Nagtago ako sa likod ng malaking vase sa hindi malamang dahilan. Balot na balot ang kasuotan niya at gano'n kagulo ang buhok. Pinanood ko siyang maglabas ng pistel at magsalin ng tubig sa babasaging baso. Pagkatapos ay pipikit-pikit ang mata niyang nilabas ang maliit na bote na may bilog na gamot. Ininom niya iyon kasabay ng tubig.
Nangunot ang noo ko at lumabas mula sa tinataguan. Mabagal akong naglakad papasok sa kusina at sa gumilid. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya nang hindi niya pa rin ako napapansin. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Saka ko lamang natitigan ang mukha niya na noo'y namumutla. Ang labi niya ay gano'n katuyo at kaputla. Mas nangunot ang noo ko. Lalo pa nang muli siyang maglabas ng panibagong gamot at inumin iyon ng deretso.
"Colby, may sakit ka?" Nagtatanong akong lumapit sa kanya.
Bigla niyang naibuga ang tubig at nabibilaukan na napabaling sa gawi ko. Ganoon ang panlalaki ng mga mata niya at bahagya pa siyang napatalon sa gulat. Sunod-sunod siyang napaubo at nahirapang huminga.
Natauhan ako at mabilis na hinagod ang likod niya ng maraming beses. "P-Pasensya na! Ayos ka lang ba?"
Hindi siya nakatugon. Sa halip ay para siyang napipi sa kinatatayuan at ganoon pa rin ang gulat na nakatitig sa akin. Bigla naman akong naging kuryoso sa pamumutla ng mukha niya. Walang anu-ano'y kinapa ko ang noo at leeg niya ng ilang ulit. Halos mapaso ako sa init niyon!
"May sakit ka!"
Napakurap-kurap siya at umiling-iling. "N-No.. no.. hindi ka totoo.." umatras siya. "I'm hallucinating again.. damn."
Nagtataka ko siyang pinanood na naglakad palayo sa akin na para bang hindi ako nakita o napansin. Bago pa siya makaalis ng kusina ay nakita kong kinusot niya ang mga mata niya habang bumubulong-bulong. Saka muli, dahan-dahan na lumingon sa gawi ko. Gaya ng kanina ay gulat ang reaksyon niya. Nagtataka ko siyang nilapitan.
"Colby? Ayos ka lang ba?" Napailing din ako sa tanong ko. "May sakit ka, ano?"
Ngunit hindi niya ako tinugon. Sa halip ay unti-unting tumaas ang kamay niya. Gamit ang hintuturo niyang daliri ay tinusok niya ang pisngi ko ng dalawang beses. Pareho kaming gulat na nagkatitigan ng matagal dahil sa ginawa niya. Ngunit inulit niya pa iyon sa pangatlong beses. Pagkatapos ay kinurot niya ang pisngi ko!
Hinawakan ko ang kamay niyang nakakurot sa pisngi ko at inalis iyon. Maging ang kamay niya ay gano'n kainit!
"Colby? Bakit?" Pagtataka ko. "Ang init ng katawan mo, masama ba ang pakiramdam mo?"
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Action*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...