CHAPTER 40

819 107 53
                                    

CHAPTER 40


PINAKATITIGAN ko ang aking sarili sa harapan ng salamin habang suot-suot ang huniporme ng akademya. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok hanggang sa makontento. Pagkatapos ay sinukbit ko ang bag ko sa magkabilang braso at nagmartsa palabas ng mansyon.

Madali lamang akong nakasakay sa MRT dahil kasisikat pa lamang ng araw at wala pang gaanong mga pasahero. Dahil malayo ang mansyon sa eskwelahan ay narating ko iyon na tumitirik na ang araw. May malaking ngiti akong kumaway kay manong guard nang papasok na ako sa gate.

"Good morning, manong guard!" Masigla kong pagbati sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata niya akong itinuro. "Ikaw!" napatakip siya ng bibig ay pinasadahan ako ng tingin. "Aba, aba, aba! Ang laki ng pinagbago mo, ah! Saan ka nanggaling at ilang linggo kang nawala? Wala tuloy bumabati sa akin tuwing umaga dahil parati kang absent!"

Napatawa ako. "Pasensya na ho, manong guard! Pero salamat at naaalala niyo pa ako at ang mga pagbati ko!"

"Aba'y oo naman! Halos kada-araw kitang inaabangan. Saan ka ba kasi nagpupunta at ngayon na lang ulit kita nakita?"

"Sa malayo ho.." nabawasan ang ngiti ko. "Pero siguro, manang guard... Ito na rin ang huling araw na makikita mo ako rito sa school."

Nangunot ang kanyang noo. "Bakit? Mag tatransfer ka ba sa ibang school?"

Tumango ako. "Parang gano'n na nga po."

Unti-unting lumungkot ang mukha niya. "Aba'y bakit naman? Tapusin mo na lang ang taong ito, sayang naman!"

Nagkibit-balikat ako. "Bahala na ho," muli akong ngumiti nang malaki. "Sige po, pasok na ako sa loob."

Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. "Sige, enjoy mo na lang ang araw na 'to."

Tumango na lamang ako bilang tugon saka tuluyang naglakad papasok. Naglinga-linga ako ng paningin sa campus at nanibago. May mga banderitas ang nakasabit sa mga poste at may mga nakakalat na mga estudyante. Mayroong mga hiwa-hiwalay na mga kubo-kubo na puno ng desenyo at may mga pagkain pang binebenta. Nangunot ang noo ko at binasa ang malaking tarpaulin.

"School fair..." napakamot ako. School fair namin ngayon?

Naglibot-libot ako sa campus at binabasa ang bawat pangalan ng bawat kubo-kubo. Kissing booth, Photo booth, Marriage booth, Horror booth, at kung ano-ano pang mga palaro. May mga ibinebenta na silang mga pagkain sa lamesa na binibisita ng ibang mga estudyante. Nakita ko roon ang iba kong mga kaklase gaya nila Sally at Nick.

Matagal-tagal na rin pala simula nang huli kong pagpasok dito kung kaya't hindi ko na alam ang mga kaganapan.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka inakyat ang faculty room. Kung saan ko nilapitan si Miss An, na natigilan nang makita ako. Ngumiti ako nang malaki sa kanya.

"Good morning po, Miss An." pagbati ko sa kanya.

Napakurap-kurap siya at pinasadahan ako ng paningin nang hindi makapaniwala. "Nana Dela Vega? Ikaw ba 'yan!?"

Napapakamot sa batok akong tumango. "Opo, Miss An."

Sandali pa siyang nagulat at mabilis na humila ng upuan sa kanyang harapan. "Halika, maupo ka rito."

Sinunod ko siya at naupo sa kanyang harapan. Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay. "Nana, anong nangyari sa'yo at ilang linggo kang absent? Nagkasakit ka ba? May nangyari ba sa'yong hindi maganda?"

Ngumiti ako at umiling-iling. "Wala naman ho, ayos lang po ako."

Nag-aalala at humahanga niyang tinitigan ang mukha ko. "Ang laki ng ginanda mo. Bakit hindi ka na pumapasok? Kayong dalawa ni Ryker ang inaalala ko. Ang kaso lang ay alam kong ayaw lang ni Ryker pumasok. Pero ikaw, wala akong ideya kung bakit ka laging absent. Pinuntahan ko ang address ng tinitirhan mo pero walang nakatira doon."

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now