CHAPTER 45BAWAT takas ng aking hininga ay nadidinig ko kasabay ng pagdagundong ng aking puso. Mabibilis at malalaki ang pagtakbo ko sa deretsong pahabang daanan. Mayroon lamang na iilang mga ilaw sa kisame na siyang nagpapaliwanag sa dilim ng lugar. Walang humpay ang aking kaba, halos walang pumapasok sa aking isipan!
Subalit mas tumusok ang kaba ko sa aking puso nang biglang sumalubong sa akin ang mga tauhang lalaki. Napapreno ako sa pagtakbo at napaatras. Mabilis nila akong tinutukan ng iba't-ibang klase ng baril! Anim silang mga lalaki na dahan-dahang lumalapit sa akin.
"Ibaba mo ang baril mo!" Pagsigaw sa akin ng lalaking nasa gitna. "Wala kang matatakasan dito, De Ayala."
Sunod-sunod akong napalunok. Sobrang bilis ng aking paghinga. Hindi ko pa malaman ang gagawin ngunit ang nasa isip ko lang ay hindi ako pwedeng manatili rito! Kailangan kong makaalis! Hindi na baleng mapatay ngayon, bahala na!
Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa baril sa aking kanang kamay at pumosisyon. Sa loob lamang ng segundo ay nagawa kong iputok iyon sa tatlong lalaki! Nakakabingi ang lakas niyon na ilang beses umecho sa lugar. Natigilan ang mga natirang lalaki sa pagbagsak ng tatlo. Nang kalabitin kong muli ang gatilyo ay ako naman ang natigilan dahil wala na iyong bala!
"Shoot!" Halo-halong emosyon kong pilit na pinapaputok ang baril.
Subalit kusa ko iyong nabitawan nang magpaputok ang isa sa kanila at tinamaan ang ilaw dahilan nang pagbasag niyon. Matatalim ang kanilang mga mata na mas tinutok sa akin ang baril at bahagya pang lumapit sa akin.
"Kung gusto mo pang mapahaba ang buhay mo, 'wag ka nang magtangka pang tumakas." Maangas na pagsasalita ng isa na siyang handang-handa nang kalabitin ang gatilyo ng baril na nakatutok sa akin.
Nagkiskisan ang aking mga ngipin. Papalapit siya nang papalapit sa akin. Nanliksi ang aking mga mata at hinihintay siyang tuluyang makalapit. Habang ang dalawang lalaki ay nasa kaniyang likuran. Inobserbahan ko ang kanilang paglapit hanggang sa nakatayo na sila sa aking harapan.
"Tumalikod ka!" Paguutos niya pa sa akin. Hindi ako gumalaw. "Sumunod ka kung ayaw mong kumalat ang dugo mo, De Ayala! Itaas mo ang mga kamay mo!"
Nagtiim-bagang ako at napaasik. "Ayaw ko."
Napipikon niyang diniin ang dulo ng baril sa aking noo. "Gagawin mo o papatayin kita!"
Naitabingi ko ang aking ulo. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng isang lalaki sa kaniyang likuran.
"Ben, ibaba mo 'yan. Hindi natin siya pwedeng saktan!"
"Mananagot tayo kapag pinatay mo siya!" Sabat pa ng isa.
Unti-unting lumaki ang mga mata ko. Hindi nila ako pwedeng patayin... T-Tama! Gaya ni Evie, hindi nila ako pwedeng patayin o saktan man lang. Dahil iyon ang utos sa kanila ni Flencher...
Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ko. Hanggat hindi nila akong pwedeng patayin, malaki ang pag-asa kong makaalis sa lugar na 'to!
"Huwag ninyo siya hahayaang makatakas!!!" Malakas na pagsigaw ang nakaagaw sa pansin namin.
Napalingon kami sa pinanggalingan ko kanina at nakita roon si Sylvester! Nanlaki ang mga mata ko sa nagkalat na dugo sa kaniyang mukha habang mabibilis ang hakbang papunta sa amin!
Mabilis akong nakakilos bago pa matauhan ang tatlo. Nakuha ko ang baril na nakadikit sa aking noo at kaagad na nakatalikod upang malakas na sipain ang lalaki sa kaniyang kahinaan. Nadinig ko pa ang pagdaing niya, at nang tuluyan akong makaikot ay pinutok ko baril sa kaniyang ulo kasunod ang dalawang lalaki!

YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Hành động*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...