CHAPTER 48

1K 108 19
                                    


CHAPTER 48

NAPAMULAT ako ng mga mata sa labis na ingay ng paligid. Nananakit ang aking mga mata at ulo, saka ko napagtantong nakatulog ako sa sahig ng kwarto mula kagabi.

Subalit halos magising ang diwa ko nang mabingi sa malakas na tunog ng pagsabog! Naramdaman ko ang pagyanig ng sahig na tila ba'y lumindol ng pagkalakas-lakas!

Anong nangyayari?

Kaagad akong bumangon at pinihit ang doorknob saka lumabas ng kwarto. Sandali pa akong nablangko sa nakakabinging putukan ng baril! Wala sa sarili akong humakbang patungo sa corridor ng hagdanan at nakita ang samot-saring mga usok na nakapalibot sa mansyon.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa mga armadong lalaki na nakapurong itim na kasuotan! Kamukhang-kamukha ng mga tauhan ni Flencher!! Nanigas ako sa kinatatayuan at napanood ang pakikipagbarilan ng mga tauhan ng mga DeCavalcante sa mga iyon!

"A-Anong..." Napahawak ako sa aking bibig.

Puro sigawan ng mga babaeng tagapagsilbi at putukan ng baril ang siyang ingay na lumalamon sa buong lugar. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. S-Si Colby...

Mabilis akong napaatras at natatarantang tumakbo patungo sa kanyang kwarto. Puno ng kaba kong kinalabog ang pinto dahilan ng pagbukas nito. Subalit nanlaki ang mga mata ko nnag makita kung gaano kagulo ang loob niyon! Nagkapunit-punit ang mga kurtina, puro basag ang mga salamin! Lahat halos ng mga gamit ay nakataob! Pumasok ako sa loob at naglinga-linga sa buong silid subalit wala roon si Colby.

Akma ko sanang papasukin ang loob ng banyo nang awtomatiko akong matigilan sa tunog ng pagkasa ng baril! Naramdaman ko ang dulo ng matigas na baril na dumikit sa likod ng aking ulo. Matunog na pagngisi ang siyang narinig ko, sunod-sunod akong napalunok.

"Nandito ka lang pala, De Ayala." Sa aking tagiliran ay may isa pang baril ang dumikit. "Nasa ibaba ang kapatid mo."

Pigil na pigil ang bawat lakas ng hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa taong iyon ng sobrang bagal. Hindi niya inalis nag pagkakatutok ng dalawang baril sa akin. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat.

"B-Buhay ka pa... Sylvester."

Ngumisi siya ng nakaloloko, ang kanang mata ay sarado. Batid kong dahil iyon sa pagtusok ko ng tinidor!

"At ano sa wari mo? Mapapatay mo ako?" Mas lumaki ang mala-demonyo niyang ngisi.

Naramdaman ko na'ng hahampasin niya ako ng baril subalit nabigo niyang gawin iyon nang mabilis akong nakadmapot ng babasaging vase upang basagin sa ulo niya!

Ang akala ko'y maapektuhan siya niyon, subalit tumabingi lamang ang ulo niya, at pagtapos ay umikot ang paningin ko sa lakas ng pag-untog niya sa ulo ko sa pader! Bago ko pa iyon indain ay sinabunutan niya ang buhok ko mula sa likod at pagkalakas-lakas akong sinipa palabas ng kwarto!

Tumama ang katawan ko sa corridor ng hagdanan. Hindi ako nakatayo agad, mabilis siyang nakalapit upang muling dakutin ang buhok ko at kaladkarin pababa ng hagdanan!!

Hindi ako nakapalag! Hanggang sa pinakadulong hagdanan ay kawawain niya ako sa pagkaladkad. Madali lang niya akong tinapon sa malamig na sahig at sinipa ang aking likod saka daganan ng kanyang paa upang hindi ako makatayo.

"NANA!" Malakas na sigaw ang nagpatingala sa akin mula kay Colby!

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na naging emosyonal nang makita siyang nakaluhod, malayo sa akin. Ang kanyang mukha mukha ay may nga bahid ng galos at mga sugat! Ang pantulog na suot ay halos maging gusgusin sa sobrang pagkalukot.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now