CHAPTER 13

1K 103 39
                                    


CHAPTER 13

"THANKS, Evie!" Ngiting-ngiti kong pasasalamat sa kanya.

Niligpit na niya ang kahon ng make-up at ngiti ring tumango sa akin. Mabuti't mabilis ko siyang natawagan upang papuntahin dito sa school. Naresolba na ang kolerete sa mukha ko at nakapagpalit na rin ako ng humiporme. Kamuntikan na akong nadale kanina.

"Ilagay mo sa locker mo ang make-up kit na 'to for emergency. Para hindi mo na rin ako papuntahin dito." Mahinang aniya.

Tumango naman ako."Gagawin ko. Thanks again, ha?"

"You're welcome, tsk!" Asik niya at natawa. "Pa'no ba 'yan? Alis na 'ko baka may makahalata pa sa atin." Nag-iingat niya pang dagdag.

Tumango-tango naman ako. Binuksan ko ang cubicle sa banyo, mabuti na rin at walang tao sa labas. Nauna na siyang umalis na para bang walang kahina-hinala sa kanya. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa cubicle bago lumabas. Napagmasdan ko pa ang aking itsura sa salamin at nagpakawala ng malalim na hininga.

Ang mga babaeng 'yon, lalo na si Sally! Dapat silang maturuan ng leksyon.

Tuluyan na akong lumabas ng banyo at pasimpleng naglakad sa hallway. Napagdesisyunan kong hindi na umattend ng klase na alam kong kanina pa nagsimula. Natagalan kasi ang pag-aayos at pagpapatuyo ko ng sarili kanina sa tulong ni Evie. Kaunting oras na lang din ang natitira at maya-maya'y break time na. Sa susunod na subject na lang ako papasok.

Nagtungo ako sa locker area at nilagay sa locker ko ang make-up kit. Akma na sana akong maglalakad muli nang may humawak sa aking braso mula sa likuran!

Gulat akong napalingon doon at napaawang ang aking labi. "Ryker?"

Nakayuko ang kanyang ulo sa akin at deretso ang mga matang nakatitig sa akin. Mas napaawang ang labi ko sa itsura niya. Ang suot niyang itim na t-shirt at pantalon ay halatang basa-basa pa. Ganoon na lang din kalamig ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.

"I was looking for you." Seryoso niyang sabi sa akin!

Napataas ang dalawa kong kilay. "Bakit?"

Matagal siyang hindi tumugon, nanatili lang nakatitig sa aking mukha. Bigla naman akong kinabahan. Para bang sinusuri niya ang kabuuan ng mukha ko!

"B-Bakit mo 'ko hinahanap?" Pagtatanong ko pa.

Naningkit ang mga mata niya. "Your face.."

Natigilan ako sa kinatatayuan! Shoot! Nakita niya?! Nanlaki ang mga mata ko ngunit mabilis kong binawi ang gulat kong reaksyon. Hindi ako pu-pwedeng magpahalata!

Peke akong tumawa. "Ahaha! Bakit? May dumi ba 'yung mukha ko?"

Nagkunwari akong nagtanggal ng dumi sa aking pisngi. Nanatili pa rin siyang seryoso habang titig na titig sa akin!

"Your face is getting weird?" Para bang nalilito rin siya.

Napalunok naman ako ng laway. "Anong ibig mong sabihin?"

Shoot! Shoot! Shoot! Hindi pwede 'to!

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at para bang sumusuko sa lalim ng iniisip niya. "Nevermind! You're still ugly."

Mariin akong napapikit. Siguro ay nakita niya ang mukha ko kanina nu'ng nabura ang kolorete.. Pero..

"Hahahaha!" Nagkunwari akong humalakhak. "Pangit talaga ang mukha ko, Ryker! Bakit ka pa nagtataka?"

Nangunot ang noo niya. Sandali pang nawalan ulit ng tugon saka napaiwas ng tingin.

"But.. a-are you okay?" Utal, hindi niya makatinging tanong.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now