CHAPTER 46Madiing nakapikit ang aking mga mata habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha sa naghalo-halong pakiramdam. Nililipad ang aking buhok at maging ang suot kong bestida sa sobrang bilis ng pagtakbo ng motor na minamaneho ngayon ni Ryker.
Walang kasing higpit ang pagyakap ko sa kanyang baywang habang nakasubsob ang aking mukha sa kanyang likod. Sa bawat paghikbi ko ay nalalanghap ko ang kanyang bango na halos ngayon ko na lang ulit naamoy.
I missed him.
Subalit hindi ako makapaniwalang narito siya. Hindi ako makapaniwalang totoo ang nangyari kanina. Ayaw kong maniwala na nagawa niyang magpaputok ng baril at pumatay. Ayaw kong maniwala na totoo ang nararanasan ko ngayon, kahit pa nakalayo na ako sa lugar na iyon. Ayaw kong ipasok sa isipan ko na siya ang pumatay kay Evie!
Hindi sasapat ang ilang beses kong pagkagat sa ibaba kong labi at pagkurot sa aking mga daliri para piliting paniwalain ang sarili na panaginip lamang ito!
N-Napakaimposible... Hindi pwede!
Minulat ko ang aking mga mata at nanlalabo ang paningin na tumanaw sa bawat mga puno na naglalaho. Pinilit ko pang tingnan si Ryker mula sa side mirror ng motor at parang pinipiga ang aking puso. Tutok na tutok siya sa daan subalit napupuno ng mga tubig ang kanyang mga mata, na sa tuwing papatak ay mabilis lamang na tinatangay ng hangin. Kumibot ang aking mga labi at bumilis ang naging paghinga. Umiikot ang paningin ko na kusa ko na lamang naipikit ang aking mga mata. Wala pang ilang segundo ay bumigat at bumagal naman ang paghinga ko, na halos takasan ako ng hangin!
"Ryker..." Halos bulong kong naidaing. Nanlambot ng aking mga braso na siyang unti-unting kumakalas sa pagkakayakap ko sa baywang niya.
"D-Don't!" Naramdaman ko ang tarantang paghawak ng isang kamay niya sa aking dalawang kamay upang panatilihin ang pagkakayap sa kanya. "Please hold on, Nana! M-Malapit na tayo... don't let go p-please!"
Mas humataw ang kanyang motor. Hinang-hina man ako ay pinilit kong tigasan ang pagkakapulupot ng aking mga braso sa kanyang baywang. Iminahinga ko na lamang ang aking sarili sa kanyang likod habang dinadama ang lamig ng hampas ng hangin.
Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ni Ryker, pero ngayong yakap-yakap ko siya ay magaan ang loob ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga sandaling ito. Subalit hindi ko maipagkakaila sa isip-isip ko, bumubulong parin sa akin na ang apelyido niya ang siyang tatapos sa akin. Ang apelyido niya ang dahilan kung bakit ako nalagay sa puntong ito.
Ngayon pa lang ay hindi ko na malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga natuklasan niya. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa oras na umayos ang lagay ko. H-Hindi ba pwedeng... maglaho na lang ako ngayon? Natatakot akong harapin siya ng deretso at sabihin ang totoo.
"Nana? N-Nana wake up!" Napamulat kaagad ako nang yugyugin ako ni Ryker. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag habang nakatayo sa aking harapan. Saka ko lang rin napagtanto na nakaparada na ang motor.
"Hmm!" Pinigilan ko ang mapadaing ng sobra sa sakit nang buhatin niya ako at matamaan ang aking tiyan.
"S-Sorry! I'm so sorry..." Maingat niya akong kinarga at hinapit sa kanyang dibdib.
Nilinga ko ang aking paningin sa paligid at natanaw ang gusali ng isang emergency hospital. Mabilis na tumakbo si Ryker patungo sa loob habang ingat na ingat sa pagkarga sa akin.
Pinikit ko ang aking mga mata upang hindi masilaw sa mga ilaw pagpasok sa loob. Iba't-ibang mga boses ang sumalubong na kausap ni Ryker, at sari-saring mga ingay ang umaalingawngaw. Muli ko lamang iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong inihiga ako sa malambot na kutson.
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Action*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...