CHAPTER 31

903 109 18
                                    


CHAPTER 31

"NALINIS na ho ba ang katawan ng isang 'yon?" Ngunot kong pagtatanong kay Mr. DeCavalcante sa kabilang linya ng telepono.

"Hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol sa bagay na 'yon, iha. Naligpit na siya ng mga tauhan ko bago pa man dumating ang pulisya." Tugon niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Mag aalas-tres na ng madaling araw at wala akong pahinga magmula kanina. Kahit pa nakaalis na ako sa apartment na 'yon at nasa loob na ako ng mansyon ko ay hindi pa rin ako mapakali.

"Mabuting huwag ka munang lalabas o mag-gagala ng ilang mga araw, Naziena." Pagpayo ni Mr. DeCavalcante. "Maging alerto ka sa lahat ng oras. Magpapadala ako ng mga tauhan sa mansyon mo upang magsilbing bantay mo."

"Salamat ho." Mas nakahinga ako ng maluwag. "Lilipat na rin ho ako ng ibang matitirhan. Hindi na ako ligtas sa apartment na inuupahan ko roon. Kalat na rin ang identity ko dahil kay Evie."

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Paniguradong mahihirapan ako kay Evie. Sadyang hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa aking magtraydor.

"Ipakukuha ko na rin ang naiwan mong mga gamit sa apartment na 'yon nang wala kang maiwang bakas. Huwag ka na munang pumasok sa paaralan ng Campbell, iha. Magpagaling ka at mapaghinga na muna." Suhestiyon niya.

Ngumiti ako at napatango. "Gagawin ko ho. Thank you so much, Mr. DeCavalcante."

Nang matapos ang usapan namin ay ibinaba ko na ang telepono. Naglakad ako papalapit sa malaki kong kama at pabagsak na nahiga roon. Napatitig ako sa kumikinang na kisame sa aking kwarto.

Nararamdaman ko pa ang pagkirot ng anit ko dala ng pagsabunot ng lalaking iyon. Nilagyan ko pa ng pulupot na tissue ang dalawang butas ng ilong ko dahil sa sugat niyon. Nabugbog ang katawan ko kaya't ramdam na ramdam ko ang matinding pagod. Maging ang mga mata ko ay bumibigay na rin. Hindi ko na iyon nilabanan pa hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid ko.

Kinaumagahan ay mas tumindi pa ang sakit ng katawan ko kumpara kagabi. Hapon na rin nang bumangon ako sa aking kama para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa bathtub na puro mga bula. Pinaghandaan ko ang sarili ng makakain at ako rin mismo ang naglinis no'n. Walang ibang tao sa mansyon kundi ako lang. Ni hindi ako kumuha ng mga caretaker sa mansyon na ito dahil gano'n ako nag-iingat.

Nilibang ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga baril na nakatambak lang sa sikretong basement. Nag-ensayo rin ako sa kabila ng pananakit ng aking katawan hanggang sa sumapit ang gabi.

Kinabukasan ay nilinis ko naman ang mga sasakyan ko na matagal ko na ring hindi nagagamit. Inaasahan ko rin ang pagdating ng mga tauhang sinabi ni Mr. DeCavalcante kasama ni Tracer Shin.

"Wow, ang ganda pala ng tinitirhan mo, Na-zee-na!" Humahanga niyang bungad sa akin at deretsong pumasok sa loob ng mansyon. "How are you?"

Napaikot ako ng mga mata at pinasadahan siya ng paningin. Talagang nakasuot siya ng salamin na kapareho kay Nobita habang nakasuot naman siya ng Doraemon na t-shirt.

Napailing-iling ako. "Tracer Shin? Bakit ikaw ang pinadala ni Mr. DeCavalcante? Nasaan ba sina Mei Mei o Fenriz?"

Lumapit siya sa akin at ngumiti ng malaki. "Busy sila. Kaya ako muna ang hahawak sa'yo. If you don't mind."

Nasapo ko ang noo ko. "You're freaking a kid!" Napabuntong hininga ako. "Whatever. So.. sila na ba ang magbabantay sa akin?"

Pagtukoy ko sa mga tauhan na nasa labas ng mansyon. Tumango-tango naman siya sa akin.

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now