CHAPTER 29

1K 116 14
                                    


CHAPTER 29

Sandali siyang natigilan at kaagad na napabaling sa akin ng tingin. Nagtama ang mga mata naming dalawa at matagal na nagkatitigan. Tinaasan niya ako ng isang kilay at pinaningkitan ng mga mata.

"Our parents, you say?" Nagtaka siya. "What do you mean by that, Nana?"

Napasinghap ako ng hangin at malakas iyong pinakawalan. Nag-iwas ako ng paningin sa kanya. "Ang ibig kong sabihin.. I have a younger brother, I'm referring to him. Mga magulang namin ang nakabaon sa lupa na 'to."

Napataas ang dalawa niyang kilay at napatango-tango. "Ahh.. you got me confused."

"Bakit? Ano 'yung naisip mo sa sinabi kong our parents?" Tanong ko.

May kung ano sa akin ang umaasa na sana naisip niyang magkapatid kami. Alam kong wala siyang ideya, pero sana kahit sandali lang pumasok sa isip niya ang ideyang magkapatid kami.

"Nothing, just sounds something different to me" Tipid niyang tugon.

Nanlumo ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang totoo, pero hindi pa sa ngayon. Malabong paniwalaan niya kung agad-agad kong sasabihin. Kailangan kong unti-untiin dahil ayaw ko muna siyang mamroblema at bigyan ng sakit ng ulo.

"W-Wait!?" Nagugulat na tumitig sa akin si Colby. "P-Patay na ang mga magulang mo?"

Pilit akong ngumiti at dahan-dahan akong tumango-tango sa kanya. Napalunok naman siya. Muli akong yumuko at pinakatitigan ang mga pangalan na nakasulat sa dalawang lapida.

"Mm, wala na sila, 17 years na ang nakakaraan. Nawala na sila bago pa ako nagkamalay sa mundo."

Napakurap-kurap siya. "R-Really? But I thought.." nangulubot ang noo niya at nahabag. "Kaya ba sinabi mo noon na wala silang trabaho? Dahil.. wala na ang mga magulang mo?"

Tipid akong ngumiti. "Mm."

"I'm sorry,"

Bumuntong hininga ako. "Ayos lang."

Hinubad ko ang aking bag at sinandal iyon sa katabing punong Narra. Hinubad ko rin ang sapatos ko bago naupo sa malinis na damo. Saka ko tiningala si Colby at nginitian.

"Upo ka." Anyaya ko at tinapik ang katabi kong damo.

Gumuhit ang lungkot sa mukha niya na tumitig sa akin. Saka niya rin hinubad ang bag niya upang isandal iyon sa punong Narra. Hinubad din niya ang kanyang sapatos bago naupo sa tabi ko. Pareho naming tinanaw ang magandang view. Kulay kahel ang langit at mukhang papalapit na ang takipsilim. Tinatakpan na ng makakapal na ulap ang sinag ng araw. Ang lamig ng hangin at talagang nakakapresko.

"Bakit.." sambit ni Colby. "Um.. p-pwede ko bang matanong kung anong kinamatay ng mga magulang mo?"

"Hmm?"

"Um, pero ayos lang kung ayaw mo.. I'll just sit here with you."

Binalingan ko siya at marahan akong napatawa. Tinitigan naman niya ako at unti-unti ring sumilay ang ngiti niya. Nagkibit-balikat ako at muling tumanaw sa paglubog ng araw.

"Bago ko sagutin ang tanong mo.. pwede ko ba munang malaman kung bakit mo ako iniiwasan?"

Naramdaman kong natigilan siya. Ilang segundo siyang nawalan ng imik. Saka ko narinig ang pagbuntong-hininga niya.

"N-Nothing," aniya.

Binalingan ko siya. "Bakit nga? Galit ka ba sa'kin? May nagawa ba ako na hindi mo gusto, bukod sa pagiging baliw ko minsan?"

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now