CHAPTER 22

1K 102 47
                                    


CHAPTER 22


DUMATING ang araw ng aming acquaintance party. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang iba't ibang ilaw na nagmumula sa loob ng akademya. Dahil may pagka-madilim na rin ang kalangitan ay lumalamig din ang simoy ng hangin. Maririnig ang malakas na tugtugan mula sa labas at ang mga sigawan. Batid kong kanina pa nag-umpisa ang party, at sinadya kong dumating ng huli.

Suot-suot ang apat na pulgadang itim na takong ay madali akong nakapaglakad papasok ng gym. Taas noo at nagmamalaki akong naglakad sa gitnang red carpet habang deretso ang paningin sa dinaraanan. Lumakas ang tugtugan subalit nabawasan ang mga hiyawan nang mapunta sa akin ang atensyon ng iilan.

"Look at her!"

"Who is she?--oh wait! Is that.."

"Oh my gosh! D-Don't tell me she's.."

"Look at the girl! Look at her!"

"No way!"

"A-Ang bruhang Nana?"

Palihim anong napangisi sa kani-kaniya nilang reaksyon. Naalala ko pa noong huli nila akong pinagtitinginan at pinag-uusapan. Iyon ay dahil sa nakadiri at pangit kong itsura. Subalit ngayon ay mukhang nag-iba na. Baka na bakas ang gulat sa mga mukha nila na para bang hindi makapaniwala na pinapanood nila akong maglakad sa gitna.

Nasulyapan ko pa ang aking repleksyon sa salamin. Suot ang maroon na dress ay nalantad ang maputi at makinis kong balat. Kumorte ang pabote kong katawan sa hapit na hapit na dress na iyon. Ganoon na lang kabagsak ang umaalon kong itim na itim na buhok. Dahil sa hiwa ng palda ng aking dress ay nalantad ang isa kong binti, na nagbigay ng kakaibang appeal.

Hindi ko man binago ang kolorete sa mukha ko bilang si Nana, ay hindi naman ako naglagay ng gano'n kalala at kapangit. Iyong nilagay kong korete ay sapat lang upang makita nila ang maganda kong mukha at makilala pa rin nila ako bilang si Nana.

"Bro, Nick.. Talo ka sa pustahan. Tingnan mo si Nana." dinig ko pang sabi ng aking kaklaseng lalaki, na kagrupo ni Nick.

Sakto namang lumapit ako sa gawi nila sa gilid, kung nasaan din ang iba ko pang mga kaklase. Matagal na natulala sa akin si Nick nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi niya naitago ang matinding gulat niya! Namilog ng husto ang mga mata niya at ganoon ang pag-awang ng kanyang labi. Malaki ko siyang nginitian at inosente pang kinawayan.

"N-No f*cking way.."

Naglinga-linga ako ng paningin upang hanapin si Colby sa paligid. Subalit bago ko pa siya mahanap ay humarang na sa akin ang mga kaklase kong babae at pinalibutan ako. Para silang nagkagulo at mabilis na dinumog ako!

"Nana, ikaw 'yan?!"

"G-Grabe, imposible! Saang salon ka nagpunta?!"

"Kyyaah! Anong nangyari sa'yo! B-Bakit gumanda ka bigla ng sobra!"

"Nana! Ang ganda mo at ng dress mo!"

"Look at her hair!! Oh my gosh! Those who bullied her will regret everything!!"

"She's so gorgeous! I can't believe my eyes!"

Kung sino-sino ang humahawak sa buhok at mukha ko, maging sa dress ko! Pare-pareho ang reaksyon nila at halos hindi ko na maintindihan pa ang pinagsasabi nila sa akin. Maging ang mga lalaki kong kaklase ay nakidumog na rin sa akin! Gulat na gulat sila at bakas na bakas din ang paghanga sa akin. Nag-uunahan sila na makalapit sa akin dahilan upang mairita kaagad ako.

"T-Teka, sandali, ano ba!" pilit kong kumawala ngunit pinalilibutan pa rin nila ako.

"Nana! You're so beautiful! Can you be my partner tonight!"

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now