CHAPTER 38
"MADAM!" sinalubong ako ng mga armadong gwardya nang marating ko ang gate ng aking mansyon.
"Walang galang na ho, pero kailangan naming alamin kung saan ka nanggaling." ang pamilyar na lalaki ang seryosong nagtanong sa akin saka ako pinasadahan ng tingin. "Anong nangyari sa'yo?"
Walang emosyon kong nilahad ang aking kamay. "Akin na ang baril mo."
"Madam?" nangunot ang noo niya at may pagdadalawang isip na ibinigay sa akin ang micro uzi. "May paggagamitan ka ho ba?"
Kinasa ko ang baril at tumango. "Sino ang nasa loob ng mansyon ko?"
Mas nangunot ang noo niya. "Wala hong nakakapasok sa loob, maski kami ay walang pahintulot para pumasok."
"Sigurado ka? Paano kung merong tao ngayon sa loob? Anong gusto mong gawin ko sa'yo?"
"Madam, binabantayan namin ito bente kwatro oras habang hinihintay ang pagdating mo." seryosong aniya. "May nangyayari ho bang hindi maganda?"
Tumango ako. "Maghanda kayo."
Naalerto siya at sumenyas sa ibang mga armadong gwardya. Ika-ika man ay pinilit kong bilisan at ideretso ang paglalakad ko papasok ng mansyon. Pinapalibutan ako ng mga gwardya na para bang pinoproteksyunan. Nang sa wakas ay narating ko na ang nakasaradong pintuan ng mansyon ay huminto ako sa paglalakad na kinahinto rin nila.
"Dumirito muna kayong lahat at hayaan niyo akong pumasok nang mag-isa." sabi ko na sapat para marinig nilang lahat. "Sa oras na makarinig kayo ng putok ng baril, iyon na ang pagkakataon ninyo para pumasok. Naiintindihan ba?"
"Yes, madam." ang kaninang lalaki ang sumagot.
Tumango ako at isinuksok sa likod ng aking jeans ang baril. Binuksan ko ang malaking pintuan nang bahagya saka pumasok ng tuluyan sa loob. Kusang bumukas ang mga ilaw na nagbigay liwanag. Ika-ika akong humakbang at nilinga-linga ang aking paningin. Subalit naagaw na ng liwanag mula sa kusina ang atensyon ko. Naningkit ang aking mga mata at mabagal na naglakad patungo roon. Suminghap ako ng maraming hangin at saka pumasok nang tuluyan sa kusina.
Nabuga ko ang hangin nang makita roon ang inaasahan kong makita. Nakaupo siya sa mamahalin kong lamesa habang iniinom ang tequila ley 925 kong alak, ang pinakamamahal kong alak na kabibili ko lamang nakaraang taon! Doon pa lamang ay naramdaman ko na ang pagkulo ng dugo ko.
"Sup cuz? It's been a long time! Wow, what happened to you?" tinungga niya pa iyon bago may malaking ngiti na tumayo ng deretso.
Madiing akong lumunok, nagpipigil. "Paano ka nakapasok dito, Evie?"
"Well? Simple lang, dumaan ako sa likod. Grabe naman pala kasi, ang dami mong tauhan! I wonder why?" tumawa siya at pinasadahan ako ng tingin nang may inosenteng mukha. "But what happened to you? Napaaway ka na naman ba? Gosh! Panigurado akong marami kang baon na kwento, come on. Spill the tea."
Inayos niya pa ang upuan na para bang pinapaupo ako roon. Naupo siya sa gitna at naghihintay na lumapit ako. Matagal ko siyang pinakatitigan at nakuyom ang aking kamao.
"Ang kapal pala ng mukha mo, 'no?" walang emosyon kong usal. "Sa tagal ng panahon nating magkasama, ngayon ko lang napagtanto na ang kapal ng mukha mo."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "What do you mean? What's your problem? Galit ka ba sa'kin?"
Ngumisi ako nang nakakaloko. "Nakakatawa ka, ang pangit mong umarteng inosente, Evie. Seminar ka muna."
![](https://img.wattpad.com/cover/242003589-288-k569630.jpg)
YOU ARE READING
CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIR
Aksi*SHE'S THE MURDEROUS DAUGHTER Naziena witnessed her parents being killed by a mafia led by the Campbell family, while her younger sibling was kidnapped by them. Fueled by a thirst for revenge, she disguised herself as a foolish and clumsy girl, cros...