CHAPTER 25

1K 103 28
                                    


CHAPTER 25

"GUSTO ko ng alak." Bungad ko at dere-deretsong pumasok sa loob ng mansyon ng mga DeCavalcante.

Nagtataka naman akong sinundan ni Mei Mei sa living room. Pabagsak akong naupo sa malaki at malambot nilang sofa saka nagpakawala ng mahabang hininga.

"Naturingang estudyante gusto ng alak?" Ngising sabi ni Mei.

Napatingin naman ako sa huniporme ko saka ngumisi. "Kunwari lang 'to, dali na! Gusto ko ng alak."

Sandali niya pa akong tiningnan saka tumalikod. Napangisi pa ako nang mag-utos siya sa isang maid. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ko sa sofa.

"Bakit ka narito ulit?" Tanong niya sa'kin.

"May kwento ako." Umayos ako ng pagkakaupo. "Nakapasok ako sa mansyon ng mga Campbell kanina dahil kay Damon Ryker. Nakapasok ako sa teritoryo nila!"

"At?"

"At nakita ko roon ang kapatid ko."

Sumeryoso ako, nangunot naman ang noo niya. Nang dumating ang bote ng alak ay kaagad ko iyong kinuha saka tinungga. Nagulat pa ang maid dahil ihahanda pa lang sana niya ang baso. Muli akong bumaling kay Mei.

"Guess what? Ginagawa nilang katulong ang kapatid ko! Nung nakita ko siya kanina.. para bang gusto kong magalit pero lumalamang 'yung awa ko e!"

Muli kong nilaghok ang alak. Nginiwian niya ako. "Ibig-sabihin.. kaya ka lang nandito ay para maglabas ng sama ng loob?"

"Tsk, wala akong ibang makausap tungkol dito. And I know you can help me. Hindi ko palalampasin ang nasaksihan ko kanina. Naaawa ako kay Duziell. He doesn't deserve it! He's my little brother and I'll do everything para mabawi siya! Pero sa susunod na 'yon. Ang importante ngayon ay maipagtanggol ko siya at maipaghiganti!" Nanggagalaiti kong saad.

Napatango-tango siya. "Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Gagantihan ko si Damon Ryker." Tugon ko. "Exam na namin next week, Mei. I need your help. Gusto kong kunin niyo ang mga answer sheets sa bawat subjects."

"Hmm? Dahil gusto mong ma-perfect ang exam?" Ngunot niyang tanong.

"What? No! Hindi ako. Si Ryker! Ipapalabas kong nangodigo siya. Once na malaman ko ang form ng test, ayon ang ituturo ko sa kanya. Kaya kahit alam niya sa sarili niyang hindi siya nangodigo, iyon ang makakarating sa faculty ng akademya. Everyone will be gossiping about his bad actions. At ako lang ang makakaunawa sa kanya. And everything will work the way how I wanted!"

Napakurap siya. "Ang mangyayari ay.. nabawian mo na ang kapatid mo sa kanya, nabilog mo pa ang ulo niya?"

"Yeah, sure." Tumungga ako ng alak saka nagpakawala ng hininga.

Bumakas sa alaala ko ang kamuntikan nang mangyari kanina sa mansyon nina Ryker, kung hindi lang dumating si Colby. He almost kissed me.. almost!

Muli akong bumuntong hininga. "Damon Ryker almost kissed me earlier."

"Hmm? Bakit almost? Hindi natuloy ang halik?"

"Yeah.. and I think.. he's slowly falling for me?"

Nagtitigan kami ng matagal. Nangunot naman ang noo niya. "Tapos?"

"The point of it is.. if he fell for me harder. I can make him under me. I can hurt him mentally and emotionally. Hindi ba't gagamitin ko lang din siya sa plano ko? Bakit hindi ko na sagad-sagarin ang paghihiganti? He's Campbell afterall. Inaabuso niya ang kapatid ko. Ayon ang kinagagalit ko! Sa loob ng 17 years ay walang nangyayari at kami ang kawawa. Hindi ko hahayaang magwagi sa huli si Flencher Campbell! Sobra-sobra na ang pagtitimpi ko, gustong-gusto ko nang sumabog! Maging sina Evie ay nakuha na niya! Tapos ano? Ako na ang susunod kung wala pa akong gagawin!"

CLUMSILY SEDUCING THE HIDDEN MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now