7

81 3 0
                                    

Naglalakad kami ni Akira sa pasilyo pero...parehas namin hindi kabisado 'tong palasyo na 'to. Dahil do'n naliligaw kami ngayon hindi ko na alam kung nasaan na kami. Dumaan kami kung saan nanggaling yung mga katulong at hindi naman namin alam na andaming daan dito.

"Asan na ba tayo, Rin?" tanong sakin ni Akira at nagkibit balikat lang ako. Lakad lang kami nang lakad kahit hindi namin alam saan kami pupunta.
Wala kaming nakakasalubong ni isang katulong. Sabi din ng reyna May ipapagawa siya kay Chiko kaya panigurado ay busy si Chiko at hindi namin maiistorbo. Bakit ba kasi ang laki nitong palasyo? At bakit wala kaming nakakasalubong na katulong o gwardiya man lang sa palasyong ito? Nung unang punta ko naman dito andaming nakapalibot samin na katulong at gwardiya. Asan na sila?

May dalawang daanan na naman ang nasa harap namin ulit ni Akira. Hayss...

"Akira, ikaw na magdedesisyon tapos na ako kanina,eh. Kaliwa o kanan- Akira?" lumingon ako sa likod ko at walang Akira na nakatayo doon. Asaan na naman ba ang babaeng 'yon? Bumalik kaya ako baka mahanap ko si Akira pero paano kapag lalo akong naligaw? Hayss Akira naman. Bumalik ulit ako sa dinaanan ko hindi ko alam kung tama ba 'tong dinadaanan ko pero lakad lang ako ng lakad sa kung saan sa tingin ko nadaanan ko na.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako naglalakad pero wala pa rin akong Akirang nakikita. Huminto na ako at napaupo sa pwesto ko. Ang sakit na ng paa ko.

"Hahaha hindi tama iyon, Mahal na Prinsipe."

"Hindi mo nga ako kailangan galangin, tayong dalawa lang naman nandito."

"Ngunit-"

May naririnig akong nag-uusap malapit sakin kaya tumayo ako at dahan dahan naglakad papunta sa kung saan nanggagaling ang boses.

Nakita ko si Ron at Aylene na masayang naguusap agad akong nagtago sa pader at palihim na sumilip. Nagtatawanan silang dalawa.
Close pala sila, hindi ko alam. Sabagay kakadating ko lang din naman. Himala ata na napaka close nilang dalawa. Halos yung mga katulong na nakakasalubong ko halos iniiwasan ako at ayaw ako kausapin. Buti na lang napaka daldal ni Akira hindi nauubusan ng topic.

"Mahal na Prin-" naputol ang sasabihin ni Aylene kay Ron nang magsalita si Ron.

"Ron ang itawag mo sa'kin." sabi ni Ron at tinignan niya sa mata si Aylene. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil don. Napansin ko naman na namula ang mukha ni Aylene.

"R-ron..." namumula at nahihiya niyang sabi. Wait- tama ba nasa isip ko? May relasyon ba sila? Pwede pala 'yon dito? Hindi katulad sa mga romance na nabasa ko dati na hindi pwede na umibig ang katulong sa amo niya. Pero...bakit parang sumisikip yung dibdib ko? Hindi ko naman gusto si Ron. Bakit kaya?

May biglang tumapik sa balikat ko akmang sisigaw ako ng takpan nito ang bibig ko.

"Binibining Rin, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Chiko sakin at tinignan ako sa mata. Nakita ko sa mata niya na seryoso siya at parang may halong galit. Agad akong natakot dahil sa titig niya. Sumisikip na nga dibdib ko sa dahilan na hindi ko alam tapos natatakot pa ako kay Chiko ngayon. Hindi kaya tumigil bigla sa pagtibok 'tong puso ko.

Nang marealize niyang natakot ako sa tingin niya agad niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"Paumanhin Binibini, hinahanap kayo ni Binibining Akira dahil nagkahiwalay daw kayo. Gusto niyo bang ihatid kita kung nasaan si Binibining Akira?" tanong niya sakin, tumango ako at yumuko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil kanina. Baka ngayon mabilis tibok nito pero mamaya hindi na tumitibok 'to.

"Kung gano'n sundan niyo po ako." tumango ako na naka yuko. Nakatingin lang ako sa paa ni Chiko habang naglalakad. Walang nagsasalita samin. Ayoko magsalita, di ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon